Saturday, December 29, 2007

CASINO? MAGSABONG KA NA LANG


CASINO? MAGSABONG KA NA LANG

Makailang ulit nang naisulat ang tungkol sa mga mala-kumunoy na mga casino dito sa ating bansa na lumamon, umagaw at nagpahirap sa marami-rami na rin na mga magagaling na sabungero. Pero, ika nga, ang paalala ay gamot sa taong nakakalimot kaya muli’t muli ay sinasabi natin. Lumayo kayo sa mga casino.

Nakakalungkot din isipin na ang mga halimaw na mga casino na nagkalat na ngayon sa ating bansa ay pinipilit pang pasukin ang mga sabungan at kaladkarin ang mga sabungero upang hubaran ng kayamanan at karangalan sa kanilang mga lungga kung saan di na mabilang na mga nilalang ang di na nakabangon sa pagkakasadlak sa kahibangan.

Talaga bang kulang pa ang kinikita ng mga casino kaya’t pati ang mga sabungero ay patuloy nilang inaakit at ginagahasa. Nariyan na bulagin tayo sa mga tulong nila sa promosyon ng mga derby tulad ng mga posters, streamers, t-shirts, media support, kwarta at iba pa upang mapaniwala lamang tayo na mabuti at masarap ang mag-casino. Nariyan magpamigay sila ng mga kupon na pangtaya na mistulang mga sima na tatarak sa ating mga lalamunan upang hindi na tayo makawala tulad ng isang isa sa lawa.

Sa kabila ng mga panliligaw na ito, hindi pa nasiyahan ang mga casino hanggang sa mismong mga malalamig at maluluhong mga gusali at bulwagan na nila isinasagawa ang mga pasabong.

Sinasabi na nadodoble daw ang kita ng mga casino kapag may sabong subalit ilang sabungero kaya ang umuwi ng luhaan at ilan pa muling sabungero ang hindi makakawala sa bitag hanggang sa maisanla na ang buo niyang pagkatao.

Kung may magsasabi man sa atin na pareho lang naman na sugal ang sabong at casino ay sagutin natin sia na isa siyang mangmang o hunghang.

Ang sabong ay sugal pero ito na siguro ang pinakaparehas na sugal. Dalawa lamang na manok ang pagpipilian mo na ang bawat isa ay may likas na pagnanais na mabuhay at ipagtanggol ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-gapi sa kalaban. Bawat isa ay inalagaan, pinalaki, hinubog, sinanay at ikinundisyon upang maghatid ng tagumpay para sa kanyang amo. Dalawang manok na maglalaban gamit ang kanilang angking lakas, bilis, galing at tapang na hindi kontrolado ng tao , katulad ng karera ng kabayo at iba pang sugal. Sa pagitan ng magkatunggali ay narron lamang ang isang sentenciador na siyang magpapatupad ng mga batas at panuntunan sa harap ng daan-daan mata at panuri ng mga opisyanadong matamang nagbabantay.

Kung ihahambing sa sabong, ang sugal sa casino ay maihahantulad sa tahasang panghohold-up.

Kaya, muli’t muli, sinasabi ko sa inyo, ‘wag n’yo nang subukan ang casino. Parang shabu din ‘yan, sa una ay tikim lang hangggang sa malulong ka at di na makabangon pang muli.

Magsabong ka na lang. Kitang-kita mo pa kung paano ipaglaban ang pera mo. Maari kang sumigaw, tumili, tumalon, sumayaw, mangantiyaw, pumalakpak, magpwera o umatras basta di pa nabibitawan ang mga manok o kaya ay umayaw kung kailan mo gusto lalo na kung panalo ka na. Huwag ka lang uuwi ng may sabit ka pa dahil isasabit ka rin ng mga kapustahan mo.

Napakasarap ng sabong, bakit magka-casino ka pa? ‘Pag ginawa mo ‘yan bobo ka, kaibigan.


















BATAS PARA SA SABONG
ni Rolando S. Luzong

Ang Animal Welfare Act na nagpo-protekta sa mga hayop tulad ng aso, pusa, ibon, at maging ahas at iba pang mga reptiles ay naisabatas sa ilalim ng ating mga ilong. Ang batas na ito ay masusing isinulat sa paraang binanggit ang dog-fighting at horse-fighting, ngunit ang kilala at laganap na cockfighting (sabong) ay iniwasang masambit. Bakit? Dahil, marahil, ang mga pwersang laban sa cockfighting tulad ng Humane Society for the Prevention of Cruelty to Animals (HSPCA) ay kumbinsidong hindi pa hinog ang panahon para sagupain nila ang Filipino cockers at ang mayabong na industriya ng gamefowl breeding.

Oo, ang Animal Welfare Act ay nakapwesto na mahigit dalawang taon na ang nakalilipas. Mabuti naman. Subalit, kung ating lilimiin sa isipan ang mga aspeto na nagdala sa paglikha at paghahanda ng nasabing batas at ikukumpara ito sa isang bagay, tayo ay mababahala sa maraming hindi kaaya-ayang konklusyon.

Alam na natin ang malaking pinansyal na kakayahan ng mga anti-cockfigthing forces at sila ay gumagasta ng milyones na lobby money na siya namang sumpa ng American cockers dahil wala silang resources upang kahit papaano ay tuligsain ang hataw ng kalaban sa isang patas na paraan. Sila ay hindi naman kapos sa bilang, ngunit sila ay siguradong kapos sa bala, kumbaga.

Ang Animal Welfare Act ay batas na sa ating bansa matapos lamang ang kumulang 10 taong puspusang kampanya ng HSPCA. Ang pagkain ng karne ng aso bilang pulutan ay higit na nabawasan dahil sa media education. It ay isang magandang pagsulong, gayong, marapat lamang na payagan natin ang ating mga cultural minorities sa mga bulubunduking lalawigan na ipagpatuloy ang kaugalian ng pagkain ng karne ng aso na kung saan ito ay pinaniniwalaan nilang may medicinal values at nakakatulong sa kanilang katawan upang labanan ang malamig na klima sa bundok.

Ang mga galaw ng HSPCA ay mabagal, ngunit tumpak at kalkulado. Habang sila ay gumagasta ng pisong milyones para sa kampanya sa media, pinangangalagaan din naman nila ang kanilang mga tagumpay at sinisigurong hindi mabawi ang mga teritoryong kanilang napanalo sa pamamagitan ng pagbabantay ng mga batas na panig sa kanila at ayon na rin sa kanilang mga plano at hangarin.

Para sa HSPCA at ang iba pang pwersa laban sa cockfighting, ang oras ng pagtatanim ay matagal ng nasimulan ngunit nananatili pa ring mataas na prayoridad hanggang sa kasalukuyan. Ang oras ng pag-ani ay nagsimula na at sinisimulan na nilang pulutin ang mga prutas. Ang Animal Welfare Act ay isang malaking tagumpay para sa HSPCA, ngunit ang pagsakop ay nag-uumpisa pa lamang. Siyempre, ang kanilang pinaka hanganrin ay ang tuluyang puksain ang kaugalian na sabong sa Pilipinas tulad ng kanilang nakamit sa Estados Unidos.

Karamihan sa ating mga sabungerong Pinoy ay magsasabing, “Hindi sila magtatagumpay dito.” Maaari, maaaring tama sila, ngunit kung iko-konsidera natin natin ang naging tagumpay nila sa Amerika, marahil tayo ay huminto muna sandali at suriin ang kasaysayan. Noong kasagsagan ng sabong sa Amerika, ang mga tandang ay inilalaban sa White House upang aliwin ang mga panauhing pang-estado. Ang mga founding fathers na sina George Washington, John Adams, at Abe Lincoln ay mga aktibong sabungero. Ang mga malalaking derbies ay ginaganap sa Madison Square Garden. Kaya naman, ang sabong ba ay mas kilala sa Pilipinas o ang laro ay mas tanggap sa Estados Unidos? Ikaw na ang humusga.

Bago tayo maging isa ring Amerika sa proseso, na kung saan ang kalayaan ay inabuso ng isang grupo ng tao upang pigilan ang ibang grupo ng tao mula sa pag-e-enjoy ng kanilang kalayaan, dapat tayong kumilos ngayon upang unahang pigilan at pahintuin sila sa kanilang pagragasa.

Alam ng HSPCA na ang batas ay mabisa nilang sandata. Kung gayun, marapat lamang na naisin nating magpasa ng batas na mangangalaga, magpapatuloy na sususog ng ganitong gawain, at higit sa lahat ay magpapa-unlad ng industriya ng gamefowl breeding at sabong sa buong bansa.

Isang batas na magde-deklara na ang sabong ay isang unique cultural heritage ng mga Filipino ang dapat na maipasa, kasama ang lahat ng mga protective clauses na sisigurong matapos ang Cockfights Protection Law ay mapirmahan, na wala ng ibang batas ang isusulong laban dito. Maari nating sabihin na ang sabong sa Pilipinas ay hindi makakanti sapgkat mayroon tayong malaking bilang ng mga opisyal ng pamahalaan, political leaders, at siyempre mambabatas na kasali sa cocking community. Ito ay nakapagpapalakas ng loob, ngunit tanging batas lang na magde-deklara na ang cockfighting o sabong bilang laro o bahagi ng kultura ang maaaring makapagpanatag ng ating isip.

Sunday, November 4, 2007

6 KINDS OF COCKERS

6 Kinds of Cockers

1) Beginners : Of which there are two types. A - One type knows he doesn’t know much and wants to learn – he keeps on trying and learning to improve. B – The other type becomes an overnight success and stops learning.

2) Novices : Knows more than a beginner, keeps looking for better and simple methods; most cockers never understand when to stop looking after they find the best method for them. Fact is, most cockers never go beyond this point.


3) Novice Old-timer : Knows more than beginner and novices. Problem is he is a self-styled expert in general terms. He knows a lot, but, in the past he always had a good breeder or handler that was the real cockers. Even after 30 or 40 years he is not much more advanced than the second type of beginners. And he is the type that always use to win.

4) Expert : A winning cocker both now and in the past. But slowing down and not winning as in the past. Absolutely won’t listen to anyone or anything new or improved. Always looks down at beginners. Will not help or aid in anyway. Always negative towards newcomers. Tells newcomers enough to develop trust, usually slips enough bad information to keep beginners or novices from becoming competitive.


5) Progressive Cocker : Unique cocker – expert judge of birds. Natural cocker. Understand firmness, reads, listens, experiments on all information available from all sources, both new and old-timers alike. But, withholds special info until totally convinced of trustworthiness and dedication of person being helped.

6) True Cockers : Honest, dedicated, gentleman in and out of the pit. A true sportsman in all aspects; win, lose or draw. Will give constructive criticism when asked and aid in suggestions. He has an open mind, good judgment and keep up with the times. The true cocker knows his limitations and has all the progressive abilities. Tries to promote cocking honestly and raises cocking to a higher standard. He is truly the eight wonder of the world.

The question is which Cocker are you?

LICENSE FOR SENTENCIADORS

by Rolando S. Luzong


CERTIFICATION & LICENSE FOR SENTENCIADORS SHOULD BE REQUIRED

I have time and time again written about the improvement and standardization of cockfights officiating nationwide, but despite our repeated pronouncements, it seems that we have been shouting on deaf ears.

It has been more than 10 years since an active nationwide cockpit association was in place. However, due to personal business interests and intense competition among the members, the Philippine Cockpit Association folded in 1992.

A lot of gamefowl breeders’ organizations have been put up over the last several years that also gave birth to a countrywide federation of gamefowl breeders. Unfortunately, we can not wholly blame the National Federation of Gamefowl Breeders if the conduct of the game officiating is not their priority, because for obvious reasons they are more concerned in providing technical and organizational assistance to their members.

Despite the fact that the regulation of cockfighting have totally been under the powers and authority of the Local Government Units since the Omnibus Local Government Code became part of the laws of the land, the officials of towns, cities and provinces are not equipped or have not given importance to rules and regulations of the sport in their respective areas. Instead, sad to admit, they are just on guard for whatever favors the cockpit owners or operators could extend to them, financially or otherwise.

With all these things, the wishes of minions of cockers that the ranks of cockfights’ referees or sentenciadors should be cleansed and professionalized is seemingly, as of now, still a remote possibility.

How can we eliminate the hooligans from the officiating sector of our sport when there is no clear licensing or certification system in place. As such is the usual case, a referee who commits a grave misconduct and got kicked out from a particular cockpit can just transfer to a neighboring cockpit and continue to do his thing.

So far, the only solid organization of cockers in the country that can truly speak thru a collective voice is the NFGB and because of this that I again knock on the doors of the NFGB to please exercise your power and look far beyond what you have been doing.

No matter how good your breeding materials are, no matter how good you raise your chickens, no matter how well conditioned your roosters are, a bad referee can always ruin everything.

Municipal or city licenses are no safeguard, because we know how easily these things can be acquired, especially with the right connections and the right amount.

The pressure should be put on the cockpit owners and operators. More than the sharing conditions, the credibility of the sentenciadors should be the first consideration when any group or individual is negotiating to hold a derby in a particular cockpit.

Unless we do something about this, things will not change.

BATAS PARA SA SABONG

Batas para sa sabong
Ni Rolando S. Luzong

Ang Animal Welfare Act na nagpo-protekta sa mga hayop tulad ng aso, pusa, ibon, at maging ahas at iba pang mga reptiles ay naisabatas sa ilalim ng ating mga ilong. Ang batas na ito ay masusing isinulat sa paraang binanggit ang dog-fighting at horse-fighting, ngunit ang kilala at laganap na cockfighting (sabong) ay iniwasang masambit. Bakit? Dahil, marahil, ang mga pwersang laban sa cockfighting tulad ng Humane Society for the Prevention of Cruelty to Animals (HSPCA) ay kumbinsidong hindi pa hinog ang panahon para sagupain nila ang Filipino cockers at ang mayabong na industriya ng gamefowl breeding.

Oo, ang Animal Welfare Act ay nakapwesto na mahigit dalawang taon na ang nakalilipas. Mabuti naman. Subalit, kung ating lilimiin sa isipan ang mga aspeto na nagdala sa paglikha at paghahanda ng nasabing batas at ikukumpara ito sa isang bagay, tayo ay mababahala sa maraming hindi kaaya-ayang konklusyon.

Alam na natin ang malaking pinansyal na kakayahan ng mga anti-cockfigthing forces at sila ay gumagasta ng milyones na lobby money na siya namang sumpa ng American cockers dahil wala silang resources upang kahit papaano ay tuligsain ang hataw ng kalaban sa isang patas na paraan. Sila ay hindi naman kapos sa bilang, ngunit sila ay siguradong kapos sa bala, kumbaga.

Ang Animal Welfare Act ay batas na sa ating bansa matapos lamang ang kumulang 10 taong puspusang kampanya ng HSPCA. Ang pagkain ng karne ng aso bilang pulutan ay higit na nabawasan dahil sa media education. It ay isang magandang pagsulong, gayong, marapat lamang na payagan natin ang ating mga cultural minorities sa mga bulubunduking lalawigan na ipagpatuloy ang kaugalian ng pagkain ng karne ng aso na kung saan ito ay pinaniniwalaan nilang may medicinal values at nakakatulong sa kanilang katawan upang labanan ang malamig na klima sa bundok.

Ang mga galaw ng HSPCA ay mabagal, ngunit tumpak at kalkulado. Habang sila ay gumagasta ng pisong milyones para sa kampanya sa media, pinangangalagaan din naman nila ang kanilang mga tagumpay at sinisigurong hindi mabawi ang mga teritoryong kanilang napanalo sa pamamagitan ng pagbabantay ng mga batas na panig sa kanila at ayon na rin sa kanilang mga plano at hangarin.

Para sa HSPCA at ang iba pang pwersa laban sa cockfighting, ang oras ng pagtatanim ay matagal ng nasimulan ngunit nananatili pa ring mataas na prayoridad hanggang sa kasalukuyan. Ang oras ng pag-ani ay nagsimula na at sinisimulan na nilang pulutin ang mga prutas. Ang Animal Welfare Act ay isang malaking tagumpay para sa HSPCA, ngunit ang pagsakop ay nag-uumpisa pa lamang. Siyempre, ang kanilang pinaka hanganrin ay ang tuluyang puksain ang kaugalian na sabong sa Pilipinas tulad ng kanilang nakamit sa Estados Unidos.

Karamihan sa ating mga sabungerong Pinoy ay magsasabing, “Hindi sila magtatagumpay dito.” Maaari, maaaring tama sila, ngunit kung iko-konsidera natin natin ang naging tagumpay nila sa Amerika, marahil tayo ay huminto muna sandali at suriin ang kasaysayan. Noong kasagsagan ng sabong sa Amerika, ang mga tandang ay inilalaban sa White House upang aliwin ang mga panauhing pang-estado. Ang mga founding fathers na sina George Washington, John Adams, at Abe Lincoln ay mga aktibong sabungero. Ang mga malalaking derbies ay ginaganap sa Madison Square Garden. Kaya naman, ang sabong ba ay mas kilala sa Pilipinas o ang laro ay mas tanggap sa Estados Unidos? Ikaw na ang humusga.

Bago tayo maging isa ring Amerika sa proseso, na kung saan ang kalayaan ay inabuso ng isang grupo ng tao upang pigilan ang ibang grupo ng tao mula sa pag-e-enjoy ng kanilang kalayaan, dapat tayong kumilos ngayon upang unahang pigilan at pahintuin sila sa kanilang pagragasa.

Alam ng HSPCA na ang batas ay mabisa nilang sandata. Kung gayun, marapat lamang na naisin nating magpasa ng batas na mangangalaga, magpapatuloy na sususog ng ganitong gawain, at higit sa lahat ay magpapa-unlad ng industriya ng gamefowl breeding at sabong sa buong bansa.

Isang batas na magde-deklara na ang sabong ay isang unique cultural heritage ng mga Filipino ang dapat na maipasa, kasama ang lahat ng mga protective clauses na sisigurong matapos ang Cockfights Protection Law ay mapirmahan, na wala ng ibang batas ang isusulong laban dito. Maari nating sabihin na ang sabong sa Pilipinas ay hindi makakanti sapgkat mayroon tayong malaking bilang ng mga opisyal ng pamahalaan, political leaders, at siyempre mambabatas na kasali sa cocking community. Ito ay nakapagpapalakas ng loob, ngunit tanging batas lang na magde-deklara na ang cockfighting o sabong bilang laro o bahagi ng kultura ang maaaring makapagpanatag ng ating isip.

Tuesday, August 14, 2007

MABUHAY VIGBA

Remate (August 11, 2007)
SENYALES by Rolando S. Luzong

MABUHAY VIGBA

Sa mga oras na binabasa ninyo ang kolum na ito ay nasa Nueva Vizcaya po ang inyong lingkod bilang isa sa mga guest speakers sa ginaganap na selebrasyon para sa ikalawang-taon ng anibersaryo ng Vizcaya-Ifugao Gamefowl. Kasama kop o ang dalawa sa mga iginagalang na mga nilalang na nasa liko ng tagumpay ng National Federation of Gamefowl Breeders (kung saan kasapi ang VIGBA) na si NFGB Secretary & concurrent President ng Batanags Breeders Club na si Fred Katigbak at ang Executive Director ng NFGB na si Arnel AƱonuevo na isa rin sa mga may-ari ng KAAGPAS Poultry Supply.

Dapat lamang po na mag-celebrate ang VIGBA dahil sa maikling panahon ay dumami ng husto ang kanilang kasapi na marahil ay inspired ng pagkapanalo ng kanilang mga kasama sa Cagayan Valley Gamefowl Breeders Association. Ang kanilang pangulo na si Engr. Moises Almuete ang nagkamit ng runner-up honors samantalang ang VIGBA Treasure na si Randy Moreno ang nakasungkit ng CVGBA Breeder of the Year Award.

Simple lang ang grupo pero hindi maikakaila na pagdating sa pagpili at pagbili ng mga breeding stocks ay mukahng hindi sila kayang sabayan ng ibang samahan. Maliban sa pagkuha sa mga kilala at sikat na mga breeders ng bansa katulad nila Sonny Lagon, Biboy Enriquez, Palmares atbp. Madalas din na nag-iimport ng mga manok mula sa Amerika ang ilan sa kanila kasama ni si Archie Lacson.

Sa lahat ng bumubuo ng VIGBA, isang madiin na pagbati ang ipinaparating ng SENYALES at ng HATAW PINOY team sa inyong lahat. Sana’y lalo pang lumakas ang inyong grupo at matupad sana ang inyong layunin na makuha ang kampeonato ng Bakbakan 2007.


2007 VIGBA STAG WARS

Ang VIGBA Stag Wars po ay mahahati sa dalawang yugto. Ang 1st leg 6-stag derby ay may ganitong schedule : ELIM.: 3-STAG SEPT. 22, 2007 @ VILLA VERDE SPORTS ARENA ; FINALS (0-1 ½ PTS.): 3-STAG SEPT. 29, 2007 @ NEW SOLANO COCKPIT. Ang championship (2-3 PTS.): 3-STAG OCT. 6, 2007 @ VILLA VERDE SPORTS ARENA

Ang 2nd LEG 6-STAG DERBY naman ay :
ELIM.: 3-STAG OCT. 13, 2007 @ BAYOMBONG SPORTS COMPLEX
FINALS (0-1 ½ PTS.): 3-STAG OCT. 20, 2007 @ VILLA VERDE SPORTS ARENA
chmapionship (2-3 PTS.): 3-STAG NOV. 3, 2007 @ NEW SOLANO COCKPIT.

Ang entry fee ay P5,500 , samantalang ang minimum bet ay P3,300. Ang weight limits ay mula sa 1.700 hanggang 2.100 kgs.

Ang pagsusumite ng timbang at wingband numbers ng mga manok ay mula ika-walo ng umaga hanggang ika-lima ng hapon , isang araw bago ang araw ng laban. Ang derby ay mag-uumpisa ng ika-2 ng hapon.


NFGB 10-STAG BAKBAKAN ELIMINATION

Ang 3-stag elimination round para sa mg akasapi ng VIGBA para sa 2007 Bakbakan National 10-Stag National Derby, kung saan may nakatayng guaranteed cash prize na P15 million, ay sa Oktubre 26, 2007 sa BAYOMBONG SPORTS COMPLEX. Para sa iba pang detalye , ang mga kasapi ay maaring tumawag sa 0927-3685898

WELCOME BACK to Pareng Nanding Suarez.

HUWAG NATIN SILANG BIGYAN NG DAHILAN

Remate (August 4, 2007)
SENYALES by Rolando S. Luzong

HUWAG NATIN SILANG BIGYAN
NG DAHILAN

Sa kasalukuyan ay malaganap, masigla at maunlad ang sabong sa Pilipinas. Walang masyadong nakikialam sa atin na ibang bansa dahil malayo naman tayo at hindi naman natin naiimpluwensiyahan sila, bagama’t tulad nang mga naisulat ko na noon ay pailalim at tahimik na gumagalaw ang mga galamay ng mga kalaban ng sabong upang kunin ang loob at hubugin ang isip nang ating mga anak at ang mga parating na henerasyon upang paniwalain sila na masama ang sabong.

Aminin natin na malaki, matindi, makapangyarihan at masalapi ang Humane Society for the Prevention of Cruelty to Animals at ang People for the Ethical Treatment of Animals. Sa tuwing manonood tayo ng mga Hollywood movies, mapupuna ninyo sa ending ang paalaala na “The HSPCA certifies that no animals were hurt during the making of this movie”. Isang halimbawa lamang ‘yan ng kanilang lakas. Paano lumabas ang mga batas na laban sa sabong sa Amerika? Gumastos ng malaking lobby money at nagbitaw ng milyong-dolyar na media campaign funds ang mga anti-cockfighting forces para dito.

Sa ngayon ay nasa aktuwal na pagbatikos at pagdepensa sa sabong pa lamang ang labanan ditto sa atin. Sa ganitong tunggalian, kung magbabantay lamang tayo nang mabuti ay mahihirapan silang manalo.

Ang tanong : Kung magpapatuloy ang kasalukuyang pagpapalabas nang Philippine cockfighting ng live sa internet at dumating na sa punto na mapagbibintangan at pag-iisipan tayo ng Amerika at ng mga bansa sa Europa na ine-export natin ang sabong at mabuo sa utak nila na maaring maimpluwenshiyahan din ang kanilang mga mamamayan, hindi kaya sila kumilos upang ikondena rin tayo at ating bansa. Huwag na nating hintayin ito.

Lubhang napaka-makapangyarihan at napakayaman nang mga kalaban ng sabong sa Amerika at sa Europa, alam nating lahat yan. Huwag nating sabihin na hindi nila tayo kaya dahil sa talagang matindi ang sigla ng Philippine cockfighting. Pero, alam ba ninyo kung gaano kapopular ang American cockfighting noon? Ang tandang; gamebird o rooster ay natalo lamang nang isang puntos sa bald eagle bilang national bird ng Estados Unidos. Mismong sa White House ay ipiniprisinta ang sabong ng mga unang presidente ng Amerika upang aliwin ang kanilang mga dayuhan bisita. Mas titindi pa ba tayo doon?

Huwag nating ipilit ang internet cockfighting para lamang sa ating pansariling pakinabang at kasiyahan. Baka sa pagpipilit natin ay sirain pa natin ang ating bansa sa international community.

Paano kung dahil sa mga internet cockfighting ay i-project tayo nang mga kalaban ng sabong bilang mga taong walang-awa; barbaric at sugarol. Paano kung kumbinsihin nila ang kanilang mga mamamayan na huwag nang pumunta sa Pilipinas para magturista?

Ayos na ang Philippine cockfighting. Masaya, masigla, malakas, maunlad, marami ang binubuhay at walang nakikialam na ibang bansa. Tama na ito. Huwag na tayong magsisigaw at baka magising pa ang mga kalaban at huwag na rin tayong magtatalon dahil baka matapakan pa natin ang bahay nang mga “langgam”.

BUMABATI PO ang Team Hataw Pinoy kay Councilor Tony Tabora ng Baguio City at kay Dan Castillo ng Elizabeth Inn. Gayundin nagpapasalamat kami kay Sir Jet Fernando sa mainit na pagtanggap niya sa amin sa kanyang farm sa Tanay, Rizal.

TUMAKBO ANG MANOK MO?

Remate (August 2, 2007)
SENYALES ni Rolando S. Luzong

TUMAKBO ANG MANOK MO?

Kung tumakbo man ang manok mo sa gitna ng laban, huwag kang malungkot dahil hindi lang sa iyo nangyari ‘yan. Maliit o bigtime na breeder o cocker man ay kahit papaano ay nakaranas na tumakbo o umayaw ang isang manok na inilaban.

Natatandaan ko pa nang minsang sumali ang isang kinikilalang sabungero na dating mataas na opisyal ng gobyerno. Isang mayor ang handler ng kanyang manok at balitang-balita na ang dating ambassador na amo ay dadating.

Tumawag pa ang sekretarya ng nasabing Big Boss at nagpareserba ng sampung ringside seats.

Dumating ang entourage ng entry owner mga dalawang sultada bago ang aktuwal na laban ng kanilang manok, bagama’t hindi sila umupo sa ringside at dumerecho na lamang sa itaas na corridor ng Roligon Mega Cockpit.

Siyempre pa, llamadong-llamado ang manok ni Bosing, e biruin mo naman, sa yaman niya ay talagang lahat na ng pinakamagagandang breeding stocks ay pwede niyang mabili. Kaya din niya na bilin ang lahat ng pinakamasustansiyang patuka , bitamina at gamot para sa kanyang mga manok, apt na ang serbisyo ng pinakabatikang mga handlers at mananari.

Hayun, matapos ang matagal-tagal na tawagan ng pusta at pagpapainit sa dalawang magkatungggaling manok pumorma na.

Eh di binatawan na. Nagpormahan. Nagsukatan. Nagsalpukan. Hindi nagkatamaan. Nagsalpukan ulit. Hindi pa rin nagkatamaan, pero ang manok ni Bosing, lintik ang bilis ng takbo.

Halos hindi pa tapos masentensiyahan ang sultada ay mabilis pa sa alas kuwatro lumakad palabas ng sabungan ang sikat na owner kasunod ang kanyang mga alalay.

Diyan nagkakaparehas ang mga sabungero at iyan ang isang dahilan kung bakit patuloy na dumadami ang pumapaloob sa mundo ng sabong. Ang katotohanan na sinuman ay maaring talunin ninuman ay isang hindi nakasulat na batas na hindi mabubura sa larangan ng sabong.


BAKIT TUMATAKBO AT UMAAYAW
ANG ISANG MANOK-PANABONG?
.

Suriin natin ang ilang mga bagay na maaaring dahilan ng ganitong pangyayari :

a) Lahing duwag ang manok.
b) Wala sa tamang timbang (fighting weight)
c) Kulang sa alaga o payat
d) Nasaksak ng tari ang bayag.
e) Nasobrahan sa gamot na pampakilos
f) Labis o bugbog sa ensayo (sparring)
g) Wala sa tamang gulang ng ilaban
h) Inbred ang pagkakapalahi
i) Nasugatan o nasaksak ang bituka at nabulahaw ang mga bulate
j) Lumiit ang bayag sa labis na saksak ng steroids at hormones
k) Maaaring tinamaan ng CRD at pollorum ang manok
l) Nakdama ng labis na stress
m) Biktima ng Mycoplasma Gallisepticum Bacterium
n) Tinamaan ng garol ng tari ang ulo at nawalan ng ulirat.
o) Nabugbog sa range ng maliit pa.

THEMISTOCLES (524-460 B.C.)

Remate (July 31, 2007)
SENYALES ni Rolando S. Luzong


THEMISTOCLES (524-460 B.C.)
Athenian Politician and Naval Strategist

Noong 480 B.C. si Themistocles ay pinamunuan ang Greek navy at – kahit kaunti lamang sila – ay madali nilang tinalo ang hukbo ng Persia sa makasaysayan giyera ng Salamis. Ayon sa Greek dramatist na si Aeschylus (525-456 B.C.) sa kanyang sikat na komedya na, Persae o (The Persians), habang naghahanda diumano para sa isang parating na laban ay napuna ng Greek commander ang dalawan tandang na naglalaban. Nang maisip niya na magandang pagkakataon iyon upang buhayin ang loob ng kanyang mga tauhan, ipinatigil ni Themistocles ang lahat ng gawain at habang naturo sa naglalabang mga manok, sinabi niya sa kanyang mga tauhan : “Pagmasdan ninyo sila, hindi sila lumalaban parta sa kanilang bayan, maging para sa kanilang Diyos o sa kanilang mga idolo, o para sa kanilang kalayaan; tanging ang kanilang pagmamahal sa sarili at karangalan ang nagtutulak sa kanila upang lumaban habang ang aliman sa kanila ay nanaisin na tumanggap ng pagkatalo, at kayo – na napakaraming dapat ipagtanggol, hindi ba dapat lang na maging katulad din kayo nila”

Bilang pagkilala sa bahaging ginampanan ng mga sasabungin manok sa sumunod na tagumpay ng mga Griyego, ang sabong ay ginanap na taon-taon sa Athens, noong una ay bilang alay lamang sa mga espirito ng mga yumaong bayani at mga diyos-diosyan, pero nang kalaunan ay ginawa na rin dahil sa pagmamahal at pagkahilig sa larong sabong.

Bagama’t ang organisadong pagsasabong ay totoong naipakilala sa lungsod ng Athens dahil sa mga nabanggit na kadahilanan 450 taon bago pa ipinanganank si Kristo, naisulat din ng Graeco-Roman historian na si Plutarch sa kanyang aklat na The Lives of the Noble Grecians and Romans (nasulat mga 100 A.D.) inilarawan niya kung paano ang mga batang mga kalalakihan na kinikuha upang maging sundalo ay nag-aalaga ng manok-panabong sa panahon ng Spartan lawgiver. Si Lycurgus na nabuhay sa panahon ng 800 B.C. ay isinulat na “Ang sinuman lalaki na inaalok ng mga manok-panabong na namatay, ay nagsasabi na hindi ang mga manok na mamamatay ang kanyang nais, kundi ang mga manok na nabubuhay at mananalo pang muli.”




MGA AGIMAT O PAMPALAKAS-LOOB SA SABONG
ni San Totoy Batumbakal

“BUHOK NG SANGGOL”

Lingid sa kaalaman ng marami, ang buhok ng sanggol na lalake ay masuwerteng birtud sa pagsasabong. Tiyakin lamang na panganay ang sanggol. Bumunot ng ilang hibla (baka naman makalbo) ng buhok ng sanggol na hindi pa napapliguan mula ng ipanganak ito. Itago ang buhok at idikit ito sa gagamitinng sapin sa oras na tatarian na nag manok.

IKINAKAHIYA BA ANG SABONG?

Remate (July 24, 2007)
SENYALES ni Rolando S. Luzong

IKINAKAHIYA BA ANG SABONG?

Ang dami nang umupo bilang Kalihim ng Kagawaran ng Turismo, subali’t sa aking pagkakantanda ay wala pa ni isa na nagbigay ng sapat na pansin at pagpapahalaga sa potensyal ng sabong bilang isang maganda at natatanging tourist attraction ng ating bansa.

Ano ba ang iniiwasan o kinatatakutan nang mga tourism officials natin at parang bantulot sila na isulong ang sabong upang makahatak ng mga turista. Ikinakahiya nila pero sa kabila nito ay hindi naman nawawala ang larawan ng mga manok-panabong sa mga pamphlets at brochures na ipinamimigay nila sa mga sa mga dayuhan sa mga airports at hotels. Para silang mga bakla na ayaw magladlad.

Alam kaya ng mga taga Department of Tourism na maraming turista ang kusang gumagawa ng paraan upang makabisita sa isang sabungan at makapanood ng sultada dahil nais nilang makaranas nang isang bagay na hinid nila nasusumpunga sa kanilang mga sariling bayan o sa iba mang lugar na kanilang napupuntahan.

Kung ako ang tatanungin, dapat nga na sa mga airports pa lamang ay ipino-promote na natin ang sabong katulad halimbawa ng mga brochures na may comprehensive introduction ng Pinoy sabong. Dapat sa una pa lamang ay maipamukha na natin sa mga dayuhan kung gaano kahalaga ang sabong sa Pilipinas’ gaano ito kalaganap; gaano kalaki ang natutulong nito sa ekonomiya at gaano karami ang nabubuhay sa sabong.

Di hamak na mas brutal ang bull-fighting sa Espanya at sa Mexico dahil ilang tao ang kalaban ng isang walang muwang na toro, subalit mabunying ipinagmalaki ito ng mga naturang bansa at naging pangunahing taga-akit ng mga turista at tagapaghatid ng malaking kita para sa kanilang mamamayan.

Mas masama kung ang aktuwal na labanan lamang ng manok sa mga sabungan ang makikita ng mga turista na siyang mangyayari kung hindi sila maiga-guide. Dapat ay maintindihan talaga nila ang kahalagahan ng pagmamanukan at sabong bilang pinagkukunan ng ikinabubuhay ng maraming Pinoy.

Pag-isipan po ninyo.

LETTERS FROM GUAM

Bandera (August 1, 2007)
HATAW PINOY by Rolando S. Luzong

LETTERS FROM GUAM

Recently, we’ve met a group of Gumanian cockers attending classes in the TJT Cocking Academy. One of them is Ernest T. and since then , we have been corresponding with each other thru emails. His last email yesterday deserves to be shared with you. Here goes…

Lando,

just fought a Pinoy Club sponsored 3 cock derby with 24 entries, winner take all. We ended up being one of three winners. Our fights lasted less than 30 seconds each. We used a Gavilan dark leg hatch, Gavilan pale leg hatch (sweater) and a yellow leg hatch. Averag age was 15 months for the three. The two Gavilans hit their opponents on the first fly. The third opponent refused to meet our bird in the air but immediately after our bird hit the ground, after the third fly, he grabbed the opponent and hit him on the side ending the fight. It was a good night.

You're probably the expert on disputes. This is how the story was told to me - I left the pit after our third fight. The deal was there was a person with his personal entry with two wins (# 1) and another person (# 2) with two wins also. # 2 was fighting bloodlines acquired from # 1. # 1 refused to fight # 2 because it was his bloodline. The referee automatically awarded the win to # 1.

This is how I feel: The fight between # 1 and # 2 had a bearing on the outcome of the derby (pot) therefore it should have been fought regardless of who owned what birds. If the owners did not want to fight in order to save the birds then that was their call but the win (portion of the pot) should not have been awarded.

The bottom line is that the two actual winners which was our birds and by the way, person # 1 scored 3 points each. The third win was bogusly awarded to person 1, whom had a final score of 2 points. Do the math.

What is your take on this situation? Let me know ASAP.


My reply was :

Dear Ernest,


The general rule is that "EVERY POINT MUST BE EARNED" So it is only proper that #1 & #2 should have fopught each other, so that there should only be one winner and there'll only be two champions including you.

On extreme cases and in times when there is really a valid reason not to fight (same bloodline or same source of roosters is not a valid reason) then, the two entries that would not fight each other should only share the prize for one champion, because, if they would fight, there is also a big possibility that their fight will end up in a draw and then you will be the only winner.

Vaild reasons not to fight are, if the owners are next of kin line father & son, brothers, uncles, cousins etc.

HAPPY BIRTHDAY TO JACK, WIFE OF MY COUSIN FREDDIE SANTOS. LIKEWISE, HAPPY BIRTHDAY TO SYAHONG ERNING ASILO YESTERDAY.

MAGHANDA TAYO

Bandera (July 22, 2007)
HATAW PINOY ni Rolando S. Luzong

MAGHANDA TAYO

Ngayon na nasakop ng lahat ng mga animal rights activist at mga anti-cockfighting forces ang kabuuang 50 states sa mainland ng Amerika,, dapat lamang na mgahanda-handa an rin tayo dito sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay medyo minamasahe na ng mga HSPCA o Humane Society for the Prevention of Cruelty to Animals ang U.S. territory na Puerto Rico kung saqan napakalaganap at sikat na sikat din ang sabong. Pag natapos nila ito ay malamang na isusunod naman nila ang Hawaii, Guam at Saipan. Palapit na ng palapit sa atin.

Huwag po kayong magulat kung sabihin ko sa inyo na andito na ang mga kalaban ng sabong. Gumagalaw na ang mga salapi nila sa mga tv networks, sa pront media, sa mga artista at maging sa kongreso at sa senado na siyang nagpanday ng Animal Welfare Act. Ang nasabing batas ang naggawad na illegal na ang pagkaian ng aso; paglalaban ng mga kabayo sa Mindanao; dog fighting at maramin pang iba na ang ilan ay matatawag na tradisyon o bahagi ng kultura. Maingat lamang sila na iniwasan muna ang sabong.

Sa mga tv programs, masisilip natin paminsan-minsan ang pagtita sa mga sabungero at sa larong sabong lalo na sa mga kiddie shows.

Huwag nating ipagmalaki at ipagyabang an hindi makakalusot dito sa atin ang mga hinayupaks komo sasabihin natin na napaksikat ng sabong dito sa atin. Mas sikat pa ba ang sabong sa Pilipinas klung ikukumpara sa Amerika noong araw. Sa Amerika, maging sa White House ay nagsasabong sila lao na kapag may bisitang pinuno ng ibang bansa bilang part eng entertrainment.

Hindi pa tayo nagkakaroon ng Presidente an sabungero pero ang mga unanag pangulo ng Amerika katulad nila George Washington, Abraham Lincoln at marami pa ay mga sabungero.

Kung nagsasabong man tayo sa Araneta Coliseum, ang mga bigtime derbies naman noon sa Amerika ay ginagawa sa Madison Square garden sa New York. O , anong masasabi n’yo. Hindi nakukuha sa yabang yan, maghanda tayo at labanan natin sila.

HAPPY 24TH WEDDING ANNIVERSARY to me and my wife Mila today.

Monday, July 23, 2007

PUERTO RICO, PUMALAG

Remate (July 21, 2007)
SENYALES by Rolando S. Luzong

PUERTO RICO, PUMALAG

Matapos na maipatigil ang sabong sa 49 states ng America at matalo pa rin ang mga sabungero ng Lousiana kung saan sinasabing hindi mawawala ang sabong (Hanggang August 2008 na lang magiging legal ang sabong sa Louisiana), ang mga anti-cockfighting forces ay nakatuon naman ang kampanya ngayon sa Puerto Rico na isang U.S. territory.

Napakalalim sa kultura ng mga Puerto Rican ang sabong na para sa kanila ay isang tradisyon na hindi maaring itigil at isang malaking negosyo na pinagkukunan ng ikinabubuhay ng maraming mamamayan. Kaya nga nagsiguro na ang lehislatura ng nasabing bayan at kalian lamang ay nagpasa sila ng batas na nagdedeklara sa sabong bilang isang “cultural heritage” o “pamana ng lahi” na nangangahulugan din na hindi ito maaring maging illegal o laban sa batas.

Ito rin ang batas na matagal na natin na ipinapanukala sa mga kongresista na ating nakakasalamuha. Ang problema nga lang ay medyo umiiwas yata sila na makilalang protector ng sabong kaya hindi sila lumalantad at kaya hanggang ngayon ay wala pa tayong batas na kahalintulad ng naipasa nila sa Puerto Rico.

Ayon sa isang news report, umaabot sa 100,000 labanan ang ginaganap sa Puerto Rico taon-taon at tinatayong may 400 milyong dolyar ang benta ng ticket pa lamang. Kaya nga sinasabi ng maraming mamamayan na dapat pa nga ay i-promote ang sabong bilang tourist attraction.
Idinagadag pa na may 50,000 tao ang direkta o hindi man na umaasa ng kanilang ikinabubuhay sa sabong. Ayon sa Sports & Recreation Department ng nasabing isla, may 1.25 milyon na mga aficionado ang nanonood at nagbabayad ng tiket taon-taon na mas higit pa sa mga fans ng baseball games.
Muli po taong nananawagan ang inyong lingkod sa ating mga kongresista na pag-isipan po natin ang pagpapasa ng batas na nagdedeklara sa sabong na bahagi n gating kultura na hindi maaring ipatigil kailanman. Iyan po ay isang hamon, lalo na sa mga kongersistang sabungero.


REWARDS SYSTEM, TANGING PARAAN

Napaka-epektibo ng rewards system ng gobyerno ng magbigay ito ng pabuya sa sinuman makapagtuturo sa mga pinaka-pusakal na kriminal sa ating bansa. Maging ang kilabot na si Abu Sabaya ay naipagkanulo ng kanyang kasama dahil sa pangakong salapi.

Kung sa 10 Most Wanted Men ay nagtagumpay ang rewards system, sa magnanakaw ng manok pa kaya. Eh, alam naman natin na ang mismong mga nasa frontline na nagbubuwis ng kanilang buhay ay mga utusan lamang na maliit na parte lamang ang naibubulsa sa kabuuang kita , samantalang ang mga financers at masterminds ay nakataas ang paa habang humihitit ng sigarilyo at hinhintay ang dating ng mga makukulimbat.

Kung magkakasundo lamang ang mga breeders, sa pangunguna ng National Federation of Gamefowl Breeders, Luzon Gamefowl Breeders Association, Mindanao Gamefowl Breeders Ass’n, Negros Gamefowl Breeders Ass’n at iba pa na magbigay ang bawat isa ng tig-iisa o tig-dadalawang maayos at magandang sasabungin, madali silang makakaipon ng 2,000 tinale.

Ang mga manok na ito ay ibebenta sa isang grand auction at kung mabibili sa average na P4,000 bawat isa ay makakaipon agad ng P8,000,000. Ang halagang ito ang pagkukunan ng magsisilbing gantimpala para sa sinuman na makapagtuturo sa mga utak, tumutustos, nagbebenta, lugar ng bentahan at mga kasabawat sa nakawan ng manok.

Alam natin na malaki na ang operasyon ng mga Sako Gang at kailangan na rin ang isang pangkalahatang pagkilos upang mapigilan ang kanilang operasyon.

Gawin na atin ngayon ito upang mapaghandaan ang tag-ulan at ang paglaki ng mga manok na ating painagpaguran. Huwag na kayong maghintay at magpabaya, dahil lahat naman ay makikinabang sa proyektong ito.

Ilunsad ang Grand Auction upang malikom ang malaking halaga ng salapi upang maisakatuparan ang Rewards System upang matigil na ang nakawan ng manok-panabong.

Thursday, July 19, 2007

Remate (July 19, 2007)
SENYALES by Rolando S. Luzong

BERONG JAVELLANA – Sentenciador

Kung nakapapanood kayo ng malalaki at mga prestihiyosong mga pasabong, marahil ay nakita na ninyo si Berong Javellana. Si Berong ang kinikala, hanggang sa ngayon na pinakamagaling at pinaka-malinis na sentenciador ng sabong sa ating bansa.

Lumaki si Berong sa loob ng sabungan na pag-aari ng kanyang ama sa Bago City, Negros Oriental. Bata pa lamang si Berong ay nakahiligan na niya ang pagsesentencia at sa pamamagitan ng kanyang matalas na mata at liksi sa pagkilos at pagdampot ng magkatunggaling manok ay nakilala ang galing ni Berong. Kumalat at hinangaan si Berong at dumating ang panahon na para bang kulang ang kinang o ang pagka-bigtiem ng isang paderby kapag wala si Berong bilang sentenciador.

Marahil dala ng kasanayan niyang tumingin ng naglalabang-manok, alam agad ni Berong kung masama ang tama ng isang tinale at agad siayng nakakalapit at nadadampot ang papatay na amnok upani-carreo ang magkalaban at masentensyahan angd ang sultada.

Mula pa noong dekada-80 ay kinilala na ang galing at pagiging tapat ni Beron sa kanyang propesyon. Sa kasalukuyan, bagama’t may kaputiana na ang mga buhok, may katabaan at medyo mabagal na kung kumilos, nanunumbalik ang kabataan at bilis ni Beron kapag nasa gitna na siya ng nagpapaluang mga tinale.

Nang una kong isulat ang istorya ni Berong noong 1990 ay sianbi ko n asana ay dumami pa ang katulad niya, subalit tila mali yata ang tinalkbo ng panahon. Sa halip, tila iba yata ang minaster ng mga bagong sibol na sentenciador – ang kung papaano boblahin, tatakutin at babakalan ang mga entry owners upang maka-delihensiya ng malaking pera.

Anim na sentenciador ng isang malaking sabungan ang sabay-sabay na tinanggal dahil sa extortion sa mga participants . Magandang balita, pero ilan pa kaya ang hindi pa nabibisto.


MGA TIPS UPANG HINDI KA MADAYA NG SENTENCIADOR

Ayon kay Pareng Benfour Nadurata, ito ang ilang mga tips upang hindi ka malamangan pagdating sa sentencia.

1. Huwag mong pakakaryo o padadampot ang mga manok kung hindi naman dapat. Halimbawang nakalalamang ka sa pwesto (ipit yung kalaban mo ) at namamalo pa ito at sa tingin mong hindi pa napapatay ang kalaban.

2. Pakaryo mo kung kinakailangan kung sa tingin mong lamang na ang iyong manok at tila patay ( o bulag na dalawang mata ) na kalaban.


3. Hindi dapat kinakaryong hawak sa pitso, o babalukagan o kahit saang parte ang manok kung hindi rin lang sasabihin ng sultador kung saang parte niya ito dapat hawakan. Generally, sa likod lang dapat.

4. Alam mo dapat kung kelan ilalayo o ilalapit ang karyo. Depende ito sa sugat ng manok mo o ng kalaban mo.


5. Dapat sabay lang ang pag-angat ( pantay lang ) at pagbagsak ng mga ito.

6. Huwag ipababad ang karyo na parang hinihintay na gumanti pa ng tuka ang kalaban.

Madalas din natitigilan ang sentensyador (kahit hindi ito sinasadya minsan ) at tila napasarap na sa panonood. Alisto ka sa ganito.

Thursday, July 12, 2007

Remate (July 12, 2007)
SENYALES ni Rolando S. Luzong

WALA – MERON

Madalas na me nagtatanong sa akin, sabungero man o hindi, kung ano ang ibig sabihin ng WALA at MERON na senyas sa magkabilang dulo ng ruweda. Mabuti po siguro ay talakayin natin sumandali ito.
Noong araw ang isa sa dalawang nagbibitaw ng magkalaban manok isang sultada ay nilalagyan ng sumbrero sa ulo upang maipaalam sa mga nanonood kung alin manok ang may mas malaking pusta o parada. Ito ay upang matiyak din ng mga pumapago kung saan sila nakapusta.
Ayon sa aking kumpare na si Fred Canumay, beteranong empleado ng maraming sabungan pati na sa Teresa Square Garden noong araw, ay noong mga huling taon ng dekada-70 nang unang ipatupad ang WALA-MERON at ang unang nag-implementa ng WALA-MERON at nag-alis ng sumbrero ay si Demy Flores na kinilala sa kanyang galing magpasabong.
Bagama't kahit sa Bisaya ay matagal na rin ginagamit ang mga senyas na AGAO-BIYA ay sumisigaw pa rin ang mga kristo ng MAY KALO at WAY KALO na ang ibig sabihin ay “may sumbrero” at “walang sumbrero”.
Isang panuntunan na ang manok na may malaking pusta ang siyang nasa MERON at ang pinapapaguhan naman ang nasa WALA.
Maliban sa paglalagay ng WALA-MERON ay kinailangan na din na may ilaw ang mga senyas na ito na kung nakabukas ang ilaw ay nagsasaad na ito ang llamado at ito ang itinatawag. Meron din naman pagkakataon na parehong nakabukas ang ilaw ng WALA at MERON kung ang magkalabang manok ay parehong itinatawag o sadyang patas ang dami ng mga nanonood o namumusta na panig sa MERON at gusto sa WALA.
Samantala, kahit na sabihin na ang ang panuntunan ay nasa MERON ang mas malaki ang pusta, me mga pagkakataon din na ang manok na may maliit na pusta ay nalalagay sa MERON. Dito pumapasok ang negosyo ng sabungan o nang llamador.kung halimbawa ay pangit ang manok na may malaking parada samantalang ubod naman ng ganda at kilala ang manok na may maliit na pusta. Ang ginagawa ng ibang mauutak na mga llamador ay ilalagay sa MERON ang may maliit na pusta at pagkatapos ay papapaguhan pa ang manok na may mataas na parada. Sa ganitong paraan ay nakakasiguro ng panalo ang llamdor kahit wala siyang puhunan.
Kung P110,000 ang parada ng pangit na manok at P33,000 lamang ang maganda at kilalang manok ay ilalarga na ito ng llamador. Dito ay lumalabas na nakapusta siya sa MERON ng P77,000. Kapag naliyamado na ang MERON sasahod ang llamador sa WALA. Kung halimbawa ay sampu-anim ang logro pwedeng isahod ang P60,000. Kapag nanalo ang MERON, kakabig ng P70,000 (bawas na ang plazada) at pagkatapos ay magbabayad ng P60,000 kaya may matitira na P10,000. Kapag nanalo naman ang WALA ay kakabig ng P100,000 at magbabayad ng P77,000 kaya may matitirang P23,000. Kahit sino manalo, kita ang llamador kahit walang puhunan. Dito rin naman nadidisgrasya o nasasabit ang llamador dahil kung hindi ma-llamado ang iniligay niya sa MERON na maliit ang parada ay magkukumahog naman siya na maipusta agad sa parehas ang dala-dala niyang pusta. Sa ganitong sitwasyon, abono ang llamador kahit sino ang ang manalo.
Kaya kung maliit ang pusta n'yo at ilagay kayo sa MERON ng llamador, alam n'yo na kung bakit. Maliwanag?


KALISKIS-PALAYOK

Apatan ang paraan nang pagbibilang sa kaliskis ng manok mula panggitnaang daliri hanggang tapat ng tahid. May katapat na kahulugan ang bawat bilang na 1-2-3-4. Kung ano ang huling kaliskis na tumapat sa tahid, iyon ang kargada o birtud na dala ng isang manok.

Ganito ang kahulugan ng bawat numero o bilang. Uno-ginto; Dos-pilak; Tres-kampit o patalim; Kuwatro-palayok.

Karaniwang bilang ng kaliskis na tumatapat sa tahid ay 26, 27, 28, 29, 30 at 31. Kung numero 26, pilak o pera ang ibig sabihin nito. Kung 27, kampit o patalim ang galing na taglay. Mahusay sa panalo ang dala ng ganitong senyales. Kung 28, palayok o dapat lang katayin ang manok dahil walang galing na ibubuga. Kapag 29 naman, ginto o malaking karangalan ang ibinabadya ng kaliskis na ito. Ang 30 ay pilak at ang 31 naman ay kampit.

Sa ganitong punto, ibig kong pansinin ang bilang na 28 o tinatawag na kaliskis-palayok sa kaliwang paa ng manok. Kamatayan ang dala nito dahil sa petsa 28 ng ipapatay ni haring Herodes ang mga sanggol sa Betlehem sa pagtatangkang lipulin ang mga batang inaakalang kinabibilangan ni Hesukristo na hinulaang hahalili sa kanyang paghahari.

Kung ang bilang ng kaliskis ay parehong 28 sa magkabilang paa, maaaring sumikat ka kung marunong kang magdala nito sa laban. Mag-ingat sa pagpili ng kalaban. Maaring patayin ng 28-28 na senyales ang makakaenkwentro pero may panganib na iwanan o ayawan nito ang kalaban. Hindi ito tutuka sa kareo. Tabla o talo sa laban ang ganitong manok. Kumbaga sa tao, naghuhugas ng ng kamay pagkatapos magdesisyon. Tumatanggi o umaayaw at nagdadalawang-isip. Ganyan ang senyales na 28-28 o kaliskis-palayok.

Kapag nakatagpo ng ganitong senyales at naipanalo sa unang laban, asahang mananalo pa sa mga susunod niyang laban ang nasabing manok.

Halaw sa Roosterman ni Totoy de la Cruz


http://sabong-news.blogspot.com/

Doon po sa mga nais mabasa ang mga nakalipas kong mga artikulo at columns, inaanyayahan ko po kayo na bisitahin ang aking blog sa http://sabong-news.blogspot.com/ at doon ay makikita n’yo ang mga write-ups ko Sa mga may nais naman pong ipaabot na mga mensahe o pabati, maari po ninyo akong padalan ng e-mail sa rluzong2000@gmail.com

Kung tungkol naman po sa tv program na Hataw Pinoy, maari po kayong mag-email sa hpinoy@gmail.com

GET WELL SOON sa katambay na si Potpot Antonio na na-confine sa Delgado Hospital dahil sa trangkaso> Pagaling ka na at birthday mo na sa Linggo, kaya kakantahan na rin kita ng (ave maria tune) “Hapi, hapi, hapi birthday to you, hapi, hapi , hapi birthday to you”.

Tuesday, July 10, 2007

click on this link to view HATAW PINOY > http://youtube.com/profile?user=1HATAWPINOY


Bandera (July 11, 2007)
HATAW PINOY ni Rolando S. Luzong

http://sabong-news.blogspot.com/

Doon po sa mga nais mabasa ang mga nakalipas kong mga artikulo at columns, inaanyayahan ko po kayo na bisitahin ang aking blog sa http://sabong-news.blogspot.com/ at doon ay makikita n’yo ang mga write-ups ko Sa mga may nais naman pong ipaabot na mga mensahe o pabati, maari po ninyo akong padalan ng e-mail sa rluzong2000@gmail.com

Kung tungkol naman po sa tv program na Hataw Pinoy, maari po kayong mag-email sa hpinoy@gmail.com

AYOS KA CONDES

Ang nai-feature po natin sa Hataw Pinoy noong June 31, 2007 na si Florante “Little Pacquiao” Condes ay binabati natin sa kanyang pagkakasungkit ng World IBF Mini-Flyweight Championship noong nakarang araw ng Linggo. Nakilala po natin si Condes sa pamamagitan ni Atty. Joey “Tagapo” Mendoza, isang isinagalang na sabungero na siyang bida sa Hataw Pinoy segment na “Rules of the Game” at nagsasabing “parerhas na laban, ipaglalaban.

Kay Condes, Manager Aljoe Jaro at Atty. Mendoza, tandaan n’yo lucky charm ang magpainterview sa Hataw Pinoy bago ang laban, kaya dapat lang na magpa-interview kayo sa amin bago kayo muling umakyat sa ruweda.

Siyempre binabati din natin ang isa pa nating kampiyon na nagwagi ilang oras lang matapos ang tagumpay ni Condes, ang bagong IBF World Flyweight Champion na si Nonito Donaire na nagpatikim ng unang pagkatalo sa sikat na si Vic Darchinyan.

RGBA GENERAL MEMBERSHIP SEMINAR


Tumawag po sa akin ang pangulo ng Rizal Gamefowl Breeders Association upang ipaabot na ang nakatakdang RGBA Gamefowl Management Seminar ay gaganapin sa Biyernes, July 20 sa Manolo M. Lopez Development Center sa Antipolo City.

Ang mga naimbitahan speakers ay sina Jezry Palmares, Lancey de la Torre at Edwin Aranez na magbibigay ng kanilang mga kaalaman at karanasan sa pagpapalhi ng manok-panabong.

Ang sinuman sa 143-members ng RGBA na dadalo ay walang babayaran subali’t ang mga hindi kasapi ay kailangan magbayad ng P300.
Bandera (July 8, 2007)
HATAW PINOY ni Rolando S. Luzong

COCKERS’ DIRECTORY

Problema n’yo ba kung paano makontak ang mga paborito ninyong mga breeders ng sasabungin-manok. O kaya ay may hinahanap kayo na bloodline at gusto n’yong malaman kung sino ang breeders na meron nito. Katulad ng ginagawa ng Hataw Pinoy (Sundays 10a.m. – 11:00 a.m. IBC-13) kung saan ina-announce namin ang contact numbers ng aming mga iniinterview, ganun din po ang naisip ng dalawang magkaibigan na nag-umpisa ng http://www.gamefarmdirectory.com

Ang pambungad na mensahe sa nasabing website ay ganito ang isinasaad :

“Welcome to Cockers’ Directory site. This site was founded by chance as two cocking enthusiasts met in a public cocker’s forum. Joel Nilo and Mon Santos, while posting in the forum, realized that they both had the same problem. They usually found listing of cockers’ or breeders’ sites in forums, but would have to constantly dig them up, as posts which are more recent would continually build up. From this simple but tedious problem, Joel and Mon’s conversation took a deeper turn. The result: Cockers’ Directory Website”

Kasalukuyang nilalaman ng nasabing website ang 251 gamefarms sa Pilipinas; 70 sa Amerika; 13 sa Mexico; 4 sa Puerto Rico at 2 sa Peru. Ang Philippine-based gameframs ay pinangungunahan ng Sonny Lagon’s Blue Blade Game Farm www.blue-blade.com at iba pang magagandang manukan.

Bisitahin po n’yo ang http://www.gamefarmdirectory.com at siguradong mag-eenjoy kayo.


HATAW PINOY NGAYON

Nakalinya po ngayon sa Hataw Pinoy (IBC-13 10 a.m.) ay sina Engr. Moises Almuete at ang Vizcaya-Ifugao Gamefowl Breeders Association, si CVGBA Breeder of the Year Randy Moreno ng Solano, Nueva Vizcaya, Kit Sendino ng Iloilo; Pol Garden ng Marikina at Mayor Bobby Turingan ng Enrile, Cagayan

CONGRATULATIONS to Cong. Ompong Plaza of Agusan del Sur and wife Shirley who are off to London to attend the graduation of their daughter Ysabel.
Remate (July 7, 2007)
SENYALES by Rolando S. Luzong

HUMATAW SI CONDES

(click the link to watch Condes’ fight) http://video.google.com/videoplay?docid=-8333411705282936509&q=florante+condes&total=1&start=0&num=10&so=0&type=search&plindex=0

Ang ipinalabas po natin sa Hataw Pinoy na si Florante “The Little Pacquiao” Condes noong June 31 ay nagwagi noong nakaraang araw ng Linggo laban kay Mohammed Rachman ng Indonesia upang tanghalin na “the only legitimate Filipino world boxing champion” sa kasalukuyan. Matatandaan na ang titulo ni Manny Pacquiao ay Peoples’ Champ lamang na isang bansag lamang bilang papuri sa kanyang gaing.
Nakunan ng Hataw Pinoy ng panayam si Condes at ang kanayang manager an si Aljoe Jaro ng bumisita sila sa Blue Mountain Sports Cockpit Arena sa Antipolo upang kausapin ang kanilang abogado na si Atty. Joey “Tagapo” Mendoza. Nang mga oras na ‘yun ay nagsu-shooting kami para sa segment ni Atty. Mendoza na Rules of the Game.
Talagang bagay na tawagin “The Little Pacquiao” si Condes dahil una ay maillit siya (min-flyweight); ikalawa kaliwete din siya; ikatlo – matindi ang knayang knock-out power dahil 20 sa 22 panalo niya ay tulog ang kalaban at ang pinakamating dahilan ay medyo may hawig siya kay Manny.
Bagama’t di (pa) sabungero si Condes na taga-Romblon ay certified cocker naman ang kanyang abogado at mahilig naman ang kanyang manager na taga-Jaro, Iloilo kung saan naroon ang Iloilo Coliseum na pinagdarausan ng taunang Candelaria derby.
Kay Condes, congratulations. Sana ay marating mo o malampasan pa ang narating ni Pacman. Mabuhay ka.

P15M NAKATAY SA BAKBAKAN 2007

Makaraang mabisita ang mahigit sa 1,400 na gamefowl farms at makapag-band ng 126,000 cockerels, handang-handa na ang 2007 edition ng taunang Bakbakan National Stag Derby.

Kung noong isang taon ay 9-stag ang labanan, ang 2007 edition ay 10-stag derby na po ang Bakbakan. Ang elimination ay 3-stag; ang semis ay 3-stag at ang championship ay 4-stag. Dahil dtto sa bagong format ay sinasabi na magakakasolohan ang resulta sa championship.

Kung talagang isa lang ang magkakampiyon, napakabuenas niya dahil para na rin siyang tumama sa lotto. Mantakin n’yo P8,000,000.00 ang maiuuwi ng champion. Kung sobra sa isa ang magkakampiyon, maghahati-hati sila sa P8 million.

P15,000 lamang po ang entry fee at ang minimum bet naman ay P5,500 lamang. Ang magkakamit ng runner-up honors ay tatanggap ng-P300,000, para sa makaka-9 points naman ay maghahati sa P1.5 million, samantalang ang maka-8 points ay magpaparte sa P3 million.

Upang mabigyan ng halaga ang makaakalampas sa eliminations at hindi pa rin matatalunan ng manok sa semifinals ang lahat ng maka-straight 6 wins mula sa fight no. 1 hanggang sa ika-6 n’yang laban ay pinaglaanan ng P2 million.

Ang Bakbakan ’07 ay mag-uumpisa sa Batac Cockpit ni Mayor Jess Naluta para sa mga kasapi ng United Ilocandia Gamefowl Breeders Association sa October 19 at matatapos naman sa championship na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Nov. 27.

Sinasabi nila NFGB President Ricoy Palmarez, na 1,500 ang estimated nilang dami ng entries para sa taong ito , pero sinagot ko siya na ang ‘fearless forecast’ ko ay mahigit sa 2,000 entries ang aabutin ng bilang ng sasali sa 2007 P15M Bakbakan 10-Stag National Derby.

HAPPY BIRTHDAY to my kumpare Marikina City Councilor Frankie Ayuson. Di ko na sasabihin ang eksatong araw at baka magalit ka pag dumatring anag maraming bisita. Mabuhay ka Pare

Monday, July 9, 2007

Remate (July 7, 2007)
SENYALES by Rolando S. Luzong

HATAW NA

Bago ang lahat, iniimbita po namin kayong lahat na manood ng aming paderby bukas sa Las Pinas Cockpit kung saan katulong po naming si mayor Nene Aguilar. Maganda po ang magiging harapan dahil may entry si Biboy Enriquez, Serge Capistrano, Raffy Prieto, Cong. Lawrence Wacnang, Vice Governor Joel Baac ng Kalinga, Engr. Tony Luga, Jr ng Isabela at marami pang iba. Mga alas-sais pa lamang po ng gabi ay umpisa na ang Bakbakan.

MGA NANALONG SABUNGERO SA
NAKARAANG HALALAN

Bagama’t may mga natalo din pero tila mas maraming pinalad na makaupo sa iba-ibang posisyon na sabungero nitong nakaraang eleksiyon. Medyo namesaker ang mga mananabong sa labanan sa senado. Natalo si Gov. Chavit Singson sa kanyang unang subok at ganun din si Cong. Butch Pichay. Ang mga kamag-anak naman ng ng mga kilalang sabungero tulad ni Chiz Escudero na anak ni Sonny Escudero ay nagwagi at kung isa pa si Migz Zubiri sakalaing tuluyang maka-ungos Koko Pimentel. Si Migz ay anak ng iginagalang na sabungero noong dekada ’90 na si Gov. Joe Zubiri ng Bukidnon.

Sa mababang kapulungan, andiyan si Cong. Tony del Rosario ng Roxas City at Capiz, si Cong. Estrella ng Pangasinan, Tony Kho ng Masbate, Ompong Plaza ng Agusan del Sur, Edelmiro Amante ng Agusan del Norte, Cong. Dodong Codilla ng Samar at marami pang iba.

Nagwagi din sina Gov. Joey Salceda ng Albay, Vice Gov. Joel Baac ng Kalinga pati na siyemre ang anak ni National Cockers Association President Ito Ynares na si Junjun.

Wagi din si Mayor Vic Amante ng San Pablo City, Mayor Bobby Clement eng Paoay, Ilocos Sur, Mayor Nene Aguilar ng Las Pinas bagama’t natalo naman ang owner ng Pasay City Cockpit na si Cong. Connie Dy sa kanyang laban para alkalde ng nasabing siyudad.

Isa sa mga nakalusot ay ang bagong mayor ng Estancia, Iloilo na si Gen. Restituto Mosqueda na owner ng RHAMM Gamefarm kung saan naroon ang TJT Cocking Academy.

Marami pa po ang mga kumandidtaong sabungero ang nagwagi at patuloy po natin aalamin ang mga ‘yan.


SABUNGERO PARTY LIST

Sa halalan sa 2010 ay malaki na ang tsansa na rumatsada na rin ang matagal ng pinaplano an party list ng mga sabungero o mga breeders ng manok-panabong. Ang proposal ko ay tagin itong AGBA o alliance of gamefowl breeders association.

Napapanahon na siguro, matapos ang halos total ban ng sabong sa Amerika ay dapat lang kumilos at magsama-sama na ang mga sabungero upang maipagtanggol natin an gating sport, libangan at industriya sa mga nais na pumigil dito.

NATIONAL SABONG PHOTO CONTEST

Ngayon po ang judging kung sino ang mananalo sa 1st National Sabong Photo Contest ng Thundebird Power Feeds sa pakikipag-ugnayan sa Federation of Filipino Phorographers Foundation kabalikat ang National Federation of Gamefowl Breeders at ang Hataw Pinoy. Isa po tayo sa mga nahilingan na mga-judeg sa nasabing patimpalak. Bayaan po ninyo at ipapa-alam ko agad sa inyo angt mga magwawagi.
Bandera (July 4, 2007)
HATAW PINOY ni Rolando S. Luzong

15M BAKBAKAN 2007 –
PAG DI KA SUMALI TALO KA

Makaraang mabisita ang mahigit sa 1,400 na gamefowl farms at makapag-band ng 126,000 cockerels, handang-handa na ang 2007 edition ng taunang Bakbakan National Stag Derby. Kung noong isang taon ay 9-stag ang labanan, sa 2007 ay 10-stag derby na po ang Bakbakan. Ang elimination ay 3-stag; ang semis ay 3-stag at ang championship ay 4-stag. Dahil ditto sa bagong format ay sinasabi na magakakasolohan ang resulta sa championship.

Kung talagang isa lang ang magkakampiyon, napakabuenas niya dahil para na rin siyang tumama sa lotto. Mantakin n’yo P8,000,000.00 ang maiuuwi ng champion. Kung sobra sa isa ang magkakampiyon, maghahati-hati sila sa P8 million.

P15,000 lamang po ang erntry fee at ang minimum bet naman ay P5,500 lamang. Ang magkakamit ng runner-up honors ay tatanggap ng-P300,000, para sa makaka-9 points naman ay maghahati sa P1.5 million, samantalanag ang maka-8 points ay magpaparte sa P3 million.

Upang mabigyan ng halaga ang makaakalampas sa eliminations at hindi pa rin matatalunan ng manok sa semifinals ang lahat ng maka-straight 6 wins mula sa fight no. 1 hanggang sa ika-6 na fight ay pinaglaanan ng P2 million.

Ang Bakbakan ’07 ay mag-uumpisa sa Batac Cockpit ni Mayor Jess Naluta para sa mga kasapi ng United Ilocandia Gamefowl Breeders Association at matatapos naman sa championship na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Nov. 27.

Sinasabi nila NFGB President Ricoy Palmarez, na 1,500 ang estimated nilang dami ng entries para sa taong ito , pero sinagot ko siya ng na ang fearless forecast ko ay mahigit sa 2,000 entries ang aabuting ng bilang ng sasali sa 2007 P15M Bakbakan 10-Stag National Derby.

HAPPY BIRTHDAY to Carl Suarez sa Firday. Si Carl ay anak ni Tambay Kay Epoy member Larry Suarex at kaisa-isang apo nui Ernie Suarez.

Tuesday, July 3, 2007

SA LUPAIN NG MGA LAWIN

REMATE – July 3, 2007
Senyales ni Rolando S. Luzong

SA LUPAIN NG MGA LAWIN

Sa kauna-unahang pagkakataon, matapos ang maraming paanyaya noon pa, ay nakarating din ako sa Crowsland Game Farm ni Cong. Lawrence Wacnang. Kitang-kita ko ang pagkasorpresa at kasiyahan sa mukha ni Cong. Wacnang ng makita ako pagbaba ko ng aming sasakyan.

Si Cong. Wacnang ay kilala sa larangan ng sabong sa kanyang regular entry name na Crowsland. Matagal ko silang naging suki (kasama ang kanyang handler-trainer na si Butchoy) nang ako pa ang General manager ng Roligon Mega Cockpit. Maraming ulit na nagkampiyon ang Crowsland sa Roligon noon. Idagdag pa rito ang kanilang pagkapanalo ng Breeder of the Year sa Laguna Gamefowl Breeders Association.

Napakaganda ng Crowsland Game Farm. Ayon kay Cong. Wacnang, tuwang-tuwa siya dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapag-produce sila ng 800 stags o tinale. Ang regular production nila ay mahigit 400 heads lamang. Maliban dito, kitang-kita ang lusog at sigla ng kanyang mga bagong palabas.

Nang biniro ko siya kung mas dapat katakutan ang mga manok niya ngayon na may panahon na siya upang direktang tumutok sa kanyang mga alaga ay natawa lamang siya. Matagal na kasing kinakatakutan ang Crowsland entry.

For the first time ay babalik sa private life si Cong. Wacnang matapos siyang matalo sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang public service at political career. Isang magaling na abogado, si Wacnang ay matagal na nagsilbi bilang fiscal at maraming terms na nanungkulan bilang Congressman at bilang Governor ng Kalinga. Nitong nakaraan eleksiyon natalo siya sa kanyang muling pagtakbo para sa posisyon ng gobernador. Napaslang ang kanyang Vice Governor ng Kalinga na ibinintang sa kanya. Nang kumandidato ang maybahay ng napatay na bise-gobernador laban kay Wacnang, namayani ang sympathy vote na naging daan ng pagkatalo ni Wacnang. Tapos na ang halalan nang sumuko ang killer at umamin na desisyon lamang niya ang pagpatay sa Vice Governor upang ipaghiganti ang kanyang tiyuhin. Umano, lahat ng kapartido ni Wacnang ay nagwagi maliban sa kanya. Maging ang kanyang Vice Governor na si betan Joel Baac ay nanalo din.

Sa iyo Cong. Larry Wacnang, maraming salamat sa mainit na pagtanggap niyo sa amin at sana’y ma-enjoy mo ang muling pagiging ordinaryong mamamayan. Kita tayo sa sabungan Cong.

RGBA GENERAL MEMBERSHIP SEMINAR


Tumawag po sa akin ang pangulo ng Rizal Gamefowl Breeders Association upang ipaabot na ang nakatakdang RGBA Gamefowl Management Seminar ay gaganapin sa Sabado, July 21 sa Manolo M. Lopez Development Center sa Antipolo City.

Ang mga naimbitahan speakers ay sina Jezry Palmares, Lancey de la Torre at Edwin Aranez na magbibigay ng kanilang mga kaalaman at karanasan sa pagpapalhi ng manok-panabong.

Ang sinuman sa 143-members ng RGBA na dadalo ay walang babayaran subali’t ang mga hindi kasapi ay kailangan magbayad ng P300.


HATAW PINOY DERBY SA LAS PIƑAS

Inaanyayahan po namin kayong lahat sa Hataw Pinoy Spl. 3-Cock Derby sa Las PiƱas Cockpit sa darating na Sabado, July 7. Katulong po namin sa nasabing pasabong si Mayor Nene Aguilar.

P350,000 po ang cash prize samantalang P5,500 ang entry fee at ang minimum bet.

Manood po kayo at magandang labanan ‘to. Maging si Cong. Wacnang at Vice Mayor Joel Baac ay may entries mula sa Kalinga.

MALIGAYANG KAARAWAN sa apo ni Pareng Ernie Suarez at anak ni Larry Siarez na si Carl sa darating na Biyernes, July 6.

MARAMING SALAMAT pos a lahat ng dumalo sa pamiting na ipinatawag ng grupong PARA SA BARANGKA noong nakaraang Linggo. Mabuhay po kayo.

Thursday, June 21, 2007

MGA ASASINASYON SA SABUNGAN

Bandera (June 17, 2007)
HATAW PINOY ni Rolando S. Luzong

Panibagong Asasinasyon sa Sabungan

Nakakagimbal na talaga ang mga ginagawang asasinasyon sa loob ng sabungan matapos ang panibagong insidente ng asasinasyon sa magpinsang Alfedo at Virgilio Vendivil na dapat sana ay mga bagong uupong mayor at vice mayor ng bayan ng Lupao sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Habang nasa loob ng sabungan at nanonood ng isang debry sa San Jose City Cockpit Arena sa nasabing probinsiya ay pinagbabaril ang dalawa. Maliban sa kanila ay pito pang mga tao ang mga nadamay at nasugatan din.

Itianaon ng mga salarin na magkaroon ng breaktime ang labanan at sinabayan ang konting pagkakagulo ng mga mananabong na nag-uunahan lumabas upang kumain.

Matatandaan na sa Nueva Ecija din ay nagkakroon ng katulad na pagpatay sa loob ng sabungan mga ilang buwan lamang bago mag-eleksiyon. Ilan taon lamang ang nakaraan ay pinaslang si Mayor Brillantes ng Compostella Valley sa Gallera Matina sa Davao City habang ito ay kalahok sa isang derby doon.. Ito ay sinundan ng pagpatay sa isa pang alkalde sa loob din ng sabungan.

Hindi naman po sa iminumungkahi natin na ‘wag nang magsabong ang mga politico kundi sinasabi lamang po natin na magdobleng-ingat po tayo kapag nasa loob ng sabungan.

Dapat din na mahigpit an ipatupad ang pagpapasok ng baril o anumang nakamamatay na sandata sa loob ng sabungan.

MARAMING SALAMAT PO sa lahat ng dumalo sa aming ipinatawag na pagpupulong kahapon ng mga iginagalang na mga mamamayan ng Barangka, Marikina City. Napakalaking bagay po ng inyong pagdating kahapon upang lalo pa namin pagtibayin ang aming mga layunin.

PAALAM ENGR. BERIN

Remate (June 21, 2007)
SENYALES ni Rolando S. Luzong

PAALAM ENGR. BERIN

Bagama’t alam natin lahat na hindi naman ang pagiging sabungero nila ang rason ay nakakalungkot na matapos ang pagpaslang sa magpinsan na Mayor-elect Alfredo Vendivil at Vice Mayor-elect Virgilio Vendivil ng bayan ng Lupao sa lalawigan ng Nueva Ecija na galling sa angkan ng mga sabungero, ay isa na naman sabungero ang binaril at napatay.

Tinambangan ang dating World Slasher champion at co-host ng World Slasher Cup an si Engr. Pacifico Berin – pinuno ng first district ng Central Luzon Regional Office ng Deaprtment of Public Works & Highways.

Isang iginagalang na mananabong na nakilala sa entry name na Mulawin (katambal si Rudy Albano ng Isabela) , binaril si Engr. Berin (Pico sa kanyang mga kaibigan) sa paglabas nito ng Lucky Restaurant sa San Miguel Village, Talavera, Nueva Ecija. Apat na lalaki na nakasakay sa dalawang motorsiklo ang ang nagtulong sa pagpatay kay Berin.

Noong ako pa ang General Mananger ng Roligon Mega Cockpit ay isa si Engr. Berin sa aking mga suking mananabong. Madalas ay nasa loob lamang siya ng opisina ko kasama si Cong. Albano para magpalamigh habang hinihintay ang oras ng kanilang susunod na laban.

Mabait at masarap kausap si Engr. Berin. Wala siyang kayabang-yabang sa katawan kahit pa kabit-kabit ang pagkakampiyon nila noon.

Isa si Central Visayas Breeders Association President Victor Sierra sa mga unang nagpahayag ng pagkalungkot sa pagkamatay ni Pico na sinasabi niyang “partner” at “malapit na kaibigan”.

Sa mga naulila ni Engr. Berin, mga kaibigan at mga kasabong, lubos pong nakikiramay ang SENYALES, ang HATAW PINOY at ang inyong lingcod sa maaganag pagyao ni Pico.

PAANO SASALI ANG MALILIIT NA BREEDERS SA MALALAKING DERBIES

Remate (June 19, 2007)
SENYALES ni Rolando S. Luzong

PAANO SASALI ANG MALILIIT NA BREEDER
SA MALALAKING DERBY

Kooperasyon ang sikreto. Ito ang pinatunayan ng Cagayan Valley Gamefowl Breeders Association nang sila ay magkampiyon ng dalawang sunod sa una at ikalawang Bakbakan National Stag Derby. Halos walangh nakakarinig noon sa mga breeders ng Cagayan Valley pero matapos ang dalawang kampeonato, marami ang nagbigay-pugay sa kanila.

Ayos sa pahayag ng kanilang founding president na si Gerry Alivia, pagsasama at pagtutulungan ang susi nila sa tagumpay. Nag-grup ay may sampung breeders. Nagdala ng tig-sasampung piling manok ang bawat isa sa isang farm at doon ay nag-selection sila kung saan lahat ng kagrupo ay magge-grade sa bawat ibinibitaw na manok. Ang mga manok na makakakuha ng pinakamataas na iskor ang siyang ikokondsiyon at unti-unti pa rin pipilian hanggang ang sapat na dami na lamang ng panlaban ang natitira.

Isa sa mga kasunduan ay walang mapepwera sa grupo kahit pa walang mapili sa mga manok niya.

Matapos makapili ay kumuha sila ng isang handler-cpnditioner na magaling na kanilang pagkakasunduan upang ihanda ang mga manok.

Pati na ang bayad sa entry fee; ang kailangan halaga para sa minimum bet at panggastos sa transportasyon at pagkaian habang nasa sabungan ay pinagtutulungan ng bawat isa.

Nakwento pa ni Gerry na lahat ng kasali sa grupo ay pupunta sa sabungan upang sumuporta at ang isang nakakatuwang kuwento niya ay yung pagdarasal nila bago ang bawat laban.

Isa rin sa mga nalaman kong nagtagumpay sa ganitong paraan ay ang Candelaria 2006 champion Tisay Jet Ito Combine na binubuo ng apat na breeders na pinagsamasama ang kanilang mga manok upang makapagpasok ng isang team sa Candelaria.

Ang usaping ito ang topic ng usapan sa meeting ng United Cockers of Laguna na maing dinaluhan noong nakaraang Linggo. Sa pangunguna ng kanilang bagong halal na pangulo na si Oliver Valle. Ang pulong ng UCLA ay ginanap sa Star Cross Farm ni Peter Uren at ang nagging panauhing pandangal ay si Sonny Lagon.

Matapos ang eleksiyon ng mga bagong opisayles ng UCLA ay ginawa nila ang kanilang oath taking sa pangunguna ni Sonny Lagon.

Sa lahat ng kasapi ng UCLA, mabuhay po kayong lahat.


HAPPY BIRTHDAY sa aking anak na si Bam (Ma. Presentacio H. Luzong) bukas, Hunyo 20.

MALIGAYANG ARAW NG KALAYAA

Remate (June 12, 2007)
SENYALES ni Rolando S. Luzong


MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN

Kahit na kahapong holiday at ngayon ay may pasok, binabati ko pa rin kayong lahat ng maligayang arw ng kalayaan. Be proud na tayo ay mga Pinoy. Sa mga hindi pa nakakarating sa ibang bansa at hindi pa naranasan makipamuhay sa ibang lahi, marami po ang magsasabi sa inyo na walang katulad ang Pinas; walang kapares sa pakisama ang mga Pinoy at walang kasing-gando at kasing-bango ang Pinay. Pinoy ka, masuwerte ka, magsaya ka, magpasalamat ka.

O balik sa sabong. Kailan lamang ay naipasa ang sariling bersiyon ng Animal Welfare sa lalawigan ng Iloilo. Huwag po kayong mag-panic dahil talaga iniwasan ang sabong. At maging kampante ang isip n’yo dahil ang sabong ay nasasakop ng sariling batas at kinikilala ng pamahalaan. Kaya nga may Cockfighting Law of the Philippines bagama’t ang ilang provisions nito ay hindi na akma sa kasalukuyan. Kaya nga hilingin po natin sa mga bago at muling halal na mga congressmen-cockers aqn silipin naman nila ang P.D. 1802 at gawin ang nararapat na mga pagbabago upang maging applicable sa ngayon.


CAPIZ GAMEFOWL BREEDERS ASSOCIATION

Napakagandang desisyon ang ginawa naming pagbisita ng Hataw Pinoy team sa lalawigan ng Capiz , particular sa lungsod ng Roxas kamakailan upang kapanayamin ang mga bumubuo ng bagong tatag na Capiz Gamefowl Breeders Association (CAGBA).

Nagulat kami sa ganda ng mga manukan doon lalo na ang mala-Shangrila na farm ni Marcu del Rosario – anak ni Congressman Tony del Rosario na nasa ituktok ng isang bundok na may 1,200 feet above sea level. Iyon na siguro ang ipinakamagandang game farm na nakita ko kung saan tanaw mo ang buong Capiz from all directions.

Ibang klase rin ang inihain sa amin na binacol (manok na niluto sa buho ng kawayan) at ang inihaw na red snapper.

Ibang klase rin ang farm ni Marlon Escolin na napakalinis at napaka-ayos. Matindi rin ang farm ni Martin Escolin na bagama’t nasa tabing dagat ay malulusog ang mga manok. Isang timbang sabaw ng buko yata ang nainom ni Havy Bagatsing doon.
Ang Roxas City po ay tinatawag na Seafoo Capital of the Philippines. Napakamura ng seafoods maging talaba, alimango, isda, scallops, posit at iba pa. Siyam kami na kumain sa tabing dagat. Busog kami lahat kasama na ang mga drinks ay P1,500 lamang ang chit namin. Ang sarap bumalik.

Sa CAGBA President na si Ramy Ignacio at sa nag-asikaso sa amin na si Nonong Andrada pati na kay Joey Sarasola, maraming-maraming salamat po.


HATAW PINOY DERBY

Inaanyayahan po naming kayo sa HATAW PINOY 3-COCK DERBY na gagawin sa July 7 sa Zapote Cockpit sa Las PiƱas City.

Ito po ay assisted ni Mayor Nene Aguilar. P5,500 po ang entry fee at P5,500 din ang minimum bet. Mayroon pong fastest win prize na P20,000.

Sa mga nais lumahok, magtext o tumawag lamang pos a Hataw Pinoy – 0920-8652755

Monday, January 8, 2007

MGA PAHAYAG NI MAYOR ASHLEY

Remate (January 9, 2007)
SENYALES ni Rolando S. Luzong

MGA PAHAYAG NI MAYOR ASHLEY

Sang-ayon ako sa mga pahayag na binitiwan ni former GAB Commissioner at Tanza, Cavite Mayor Ashley Arayata noong Linggo sa programang Hataw Pinoy. Ayon sa kanya, is ang institusyon ang World Slasher Cup sa Philippine cockfighting kaya dapat lamang na ito ay igalang ng sabungerong Pinoy. Malaki umano ang naitulong ng WSC upang mapasikat aty mapasigla ang sabong sa ating bansa.

Sa Enero 16, 18 & 20 ay muling babandera ang World Slasher Cup sa Araneta Coliseum.

Ayon kay Mayor Ashley, maging noong araw na bata pa siya ay isang karangalan na para sa isang sabungero na makasali sa World Slasher Cup at bagama’t hindi siya pinalad na maging kampiyon ay ipinagmamalaki din niya na siya ay minsang nag-runner-up.

AZBA SAP 1st 3-COCK DEBRY

AZBA SAP 1st 3-Cock Derby sa February 16 sa Tarlac Coliseum pasabong ni A-Jay & Zaidy Andrade. Ang entry ay P4,400; ang minimum bet ay P4,400 at ang maximum na pusta ay P11,000


TULONG SA BICOL

Doon po sa mga nais mag-donate ng cash para sa mga biktima ng tatlong sunod-sunod na bagyo sa Bicol, maari po ninyo itong padaanin sa Bicol Gamefowl Breeders Association (BIGBA) at ideposito sa kanilang account : BIGBA; account number 007-478-50200-8; METROBANK – Daraga, Albay Branch. Kayo naman na naiods magdonate in kind tulad ng mga damit, pagkain at ioba pa, tawagan o itext n’yo lamang po si BIGBA President John Liao. Sigurado po na makakarating sa mga talagang nangangailangan ang inyong tulong.


*****
Maligayang kaarawan bukas kay MAJ. JOJO FONTANILLA – Deputy Chief of Police ng Cabanatuan City. Isang 3-Cock Derby po ang nakatakda bukas sa Jaen, Nueva Ecija at ang lahat po ay imbitado.
HAPPY 3RD BIRTHDAY naman kay JOHN CEDRIC DE GUZMAN na apo ni Juan de Guzman ng Gapan, Nueva Ecija.

ERRATUM : Si Jenny (Hidalgo) maybahay ni Paul Antonio at ina ni Kit na nagdiwang ng kanyang 9th birthday noong nakaraang Sabado ay taga-Tiaong, Quezon at hindi Candelaria.

BUHAY SA LAWA

Bandera (January 7, 2007)
BATTLE ROYALE by Rolando S. Luzong

BUHAY SA LAWA

Hindi ko makakalimutan ang pagdalaw namin sa Talim Island at ang paglalayag namin sa Laguna de Bay ng pasyalan namain ang Tagapo Game Farm ni Atty. Joey Mendoza – runner sa Luzon Gamefowl Breeders Association Breeder of the Year race.

Napakasarap ng pritong plapla, sinigang na kanduli at ginataang biya na habang isinusubo ay nakatanaw kami sa malawak na lawa at lumalanghap ng sariwang hangin.

Nakakainggit ang mga tao doon, bagama’t hindi marahil alam ng iba kung gaano sila kasuwerte. Simpleng buhay, mababait na mga kapit-bahay, sariwang hangin at ang walang katapusang biyaya mula sa Laguna de Bay.

Lahat po ng ito ay mapapanood ninyo sa episode ngayong araw ng Linggo sa 11th episode ng Hataw Pinoy, alas-iyes ng umaga sa IBC-13, kung saan ipapalabas din po an gaming exclusive interview kay Don Mauro Prieto at ang kanyang unico hijo na si Anito.

PINOY SABUNGERO, KAILANGAN NG
BICOL ANG TULONG MO

Isang buwan nap o ang nakalipas mula ng bagyuhin ang Bicol, particular ang Albay. Kagagaling lamang po ng Hataw Pinoy doon at nakakapanlumo po ang siwasyon doon. Wala na silang bahay dahil tinangay ng hangin; wala na silang lupang pagtitirikan ng bahay dahil inanod na ng baha; wala ng mapagtataniman lupa dahil natabunan na ng mga bato at mga sunog na buhangin mula sa Mayon Volcano; wala nang niyog na kokoprahin dahil naktayo man ang mga puno ay patay na at bulok na ang mga dahon; walang makain; walang matirhan, subalit may pag-asa pa. Kailangan nila an gating tulong. Lalo ka na kaibigan sabungero.

Doon po sa mga nais mag-donate ng cash para sa mga biktima ng tatlong sunod-sunod na bagyo sa Bicol, maari po ninyo itong padaanin sa Bicol Gamefowl Breeders Association (BIGBA) at ideposito sa kanilang account : BIGBA; account number 007-478-50200-8; METROBANK – Daraga, Albay Branch. Sigurado po na makakarating sa mga talagang nangangailangan ang inyong tulong.



CYBERFRIENDS CHARITY GLOBAL
5-COCK DERBY

Sa Araneta Coliseum muling gaganapin ang CYBERFRIENDS CHARITY GLOBAL 5-Cock Derby sa January 23 & 25, 2007. P 1 MILLION ang Guaranteed Cash Prize. Ang entry ay P8,800 at ang minimum bet ay P5,500.

Ang Weight Limit ay 1.900 – 2.450 kgs. at ang submission of weights ay 1- day before the fight 2:00 pm – 9:00 pm. Sa January 23 - 2 COCK ELIMINATION at sa January 25 - 3-COCK FINALS

Beneficiary po g pasabong na ito ang HOSPICIO DE SAN JOSE IN MANILA.

Ito po ay taunang paderby ng Cyberfriends. Sa mga interesadong lumahok, maari pong kontakin ang mga sumsunod :CF REBEL - 0917-5341210; CF JOEY BRAVO - 0918-9171230; CF RITA - 0920-8584731; CF ROOSTERMAN - 0921-6918619 & CF 3RD - 0918-3372026. Maari ding tumawag sa ARANETA COLISEUM sa 911-2928

PASABONG NI KUYA JESS

Imbitado po kayong lahat, lalo na ang mga taga Tarlac at Pampanga sa 3rd Annual JDB Barkadahan 4-Cock Derby sa January 27 sa Tarlac Coliseum hosted ni Kuya Jess Beltran at mga kaibigan.

Ang entry fee at P8,800; ang minimum bet ay P6,600 at ang maximum bet ay P22,000.


HAPPY BIRTHDAY sa aming bunso na si Tatat na maglalabintatlong-taon ngayon.

WELCOME BACK sa aming kaibigan na si Chona Sotto – mula kay Irma Mashe, Antonio Brothers (Bingbing, Gilbert at Potpot) at sa ako.

CUBERFRIENDS CHARITY 5-COCK GLOBAL DERBY

Remate (January 4, 2006)
SENYALES ni Rolando S. Luzong


CYBERFRIENDS CHARITY GLOBAL
5-COCK DERBY

Sa Araneta Coliseum muling gaganapin ang CYBERFRIENDS CHARITY GLOBAL 5-Cock Derby sa January 23 & 25, 2007. P 1 MILLION ang Guaranteed Cash Prize. Ang entry ay P8,800 at ang minimum bet ay P5,500.

Ang Weight Limit ay 1.900 – 2.450 kgs. at ang submission of weights ay 1- day before the fight 2:00 pm – 9:00 pm. Sa January 23 - 2 COCK ELIMINATION at sa January 25 - 3-COCK FINALS

Beneficiary po g pasabong na ito ang HOSPICIO DE SAN JOSE IN MANILA.

Ito po ay taunang paderby ng Cyberfriends. Sa mga interesadong lumahok, maari pong kontakin ang mga sumsunod :CF REBEL - 0917-5341210; CF JOEY BRAVO - 0918-9171230; CF RITA - 0920-8584731; CF ROOSTERMAN - 0921-6918619 & CF 3RD - 0918-3372026. Maari ding tumawag sa ARANETA COLISEUM sa 911-2928

PASABONG NI KUYA JESS

Imbitado po kayong lahat, lalo na ang mga taga Tarlac at Pampanga sa 3rd Annual JDB Barkadahan 4-Cock Derby sa January 27 sa Tarlac Coliseum hosted ni Kuya Jess Beltran at mga kaibigan.

Ang entry fee at P8,800; ang minimum bet ay P6,600 at ang maximum bet ay P22,000.


TULONG PARA SA MGA BICOLANO

Doon po sa mga nais mag-donate ng cash para sa mga biktima ng tatlong sunod-sunod na bagyo sa Bicol, maari po ninyo itong padaanin sa Bicol Gamefowl Breeders Association (BIGBA) at ideposito sa kanilang account : BIGBA; account number 007-478-50200-8; METROBANK – Daraga, Albay Branch.



Senyales at Kaliskis ni San Totoy Batumbakal

‘KURINGON’ O ‘MATAMPUSA’

Kuringon ang tawag ng mga Bisaya sa senyales ng manok na ‘matampusa’ Bihirang matagpuan ang senyales na ito. Pero sa totoo lang, ibinabatay ng matalinong sabungero ang kanyang panalo base sa lagay ng mata ng manok. Ang ‘matampusa’ ay makikilatis kapag ang balintataw o pupil ng mata ng manok ay hugis patulis tulad ng sa pusa.

Maaaring isang mata lamang ang ‘matampusa’ o kaya’y pareho. Kung pagmamasdan mabuti, parang duling ang tingin mo sa ganitong uri ng mga mata. May dalang swerte ang senylaes na ito at isa sa mga kinikilalang birtud ng manok ang ‘matampusa’. Palibhasa’y may likas na pagkatakot ang manok sa pusa o musang. Ang tingin ng kaaway ay pusa ang kaharap sa labanan. Bago bitawan ng isang matalinong sabungero ang manok, pinagmamasdang mabuti kung nasa matalas na kondisyon ang manok sa pamamagitan ng lumalaki at lumiliit na pupil o balintataw nito. Kapag nagkaganito, gising ang manok sa laban. Naka-pokus at malaki ang tsansang manalo.

MGA PATOK FOR THE WEEK :

Ang mga medyo lamang sa panalo sa linggong ito ay ang mga PUTI, TALISAIN, ALIMBUYUGIN AT MAYAHIN. Mas matindi din ang mga DARK-LEGGED na tandang sa linggong ito.

Monday, January 1, 2007

THE YEAR THAT WAS

Bandera (January 3, 2006)
BATTLE ROYALE by Rolando S. Luzong


THE YEAR THAT WAS

2006 would go down in Philippine cockfighting history as the busiest year ever in terms of derbies held, both during the open season and the stag season. For one, it’s the only period when six international derbies were held, one at Roligon, two in San Juan, the two World Slasher Cup at the Big Dome and another in Cavite Coliseum. Not to mention the Candelaria derby in Iloilo, in which, despite not being an international event, was participated in by a considerable number of American gamefowl breeders.

It was also the year when the most active stag season was held, capped by the 1,273-entry 2006 Bakbakan National 9-Stag Derby which held provincial eliminations and for the first time regional semis with the championship staged at the Araneta Coliseum. For the first time in 6 years, the Mindanao Gamefowl Breeders Association entered the roster of champions thru the PT Paniki entry of the Tan Brothers of Davao. The Batangas Breeders Club also made its mark with the perfect performance of Jenjen Arayata thru his Super Miggy entry winning the finals with his signature bulik (doms).

Partners Bobby Doromal and Gene Garcia bagged five stag championships in a span of two months (September to November) topped by a share of the top honors in the 2006 Bakbakan.

The National Federation of Gamefowl Breeders ballooned from 11 to 18 member-associations.

Mariles Romulo – daughter of Gen. Carlos P. Romulo and mother of distinguished cocker-breeder Mike Romulo passed away. Mariles was the publisher of the highly-acclaimed cockfighting book Tahor.

Mang Carding Ng of Calooocan, known for his CMS entry and one of Manila’s most active derby fighter died, while, cocker-politician Cong. Chito Bersamin of Abra was assassinated before Christmas.

A new sabong and gamefowl breeding tv program Hataw Pinoy was launched and immediately stirred the cocking populace. The new show is aired every Sunday from 10:00 a.m. to 11:00 p.m. via IBC – 13.


SALAMAT BIGBA

Pumasyal ang ang Team Hataw Pinoy sa Bicol bago magbagong taon (Disyembre 29-31) para makapanayam ang mga kasapi ng Bicol Gamefowl Breeders Association at makita first hand ang pagbibigay tulong ng nasabing grupo sa nga nasalanta ng sunod-sunod na bagyong Milenyo, Reming at Senyang sa Camarines Sur at Albay.

Nakakaawa po ang kalagayan ng mga kababayan natin sa Bicol, patikular ang mga taga-Albay. Kung nababagabag po kayo sa mga napapanood ninyo sa telebisyon, mas kikilabutan po kayo kung makikita ninyo rin ng personal ang mga naksaksihan namin. Hindi lamang po bahay ang inanod ng baha kundi pati ang lupang kinatatayuan ng mga bahay kaya wala na talagang mababalikan ang mga pamilyang sa kasalukuyan ay nasa mga evacuation centers pa.

Salamat sa mga umalalay sa amin na sina John Liao – BIGBA President; si Boy Salire, Boy Magno, Val Lopez, Boyet Samson, Bong Aspe, July Sy, Father Greg NuƱez, Jr. at sa lahat ng bumubuo ng BIGBA…MABUHAY KAYO SA INYONG GINAGAWANG PAGTULONG SA INYONG MA KABABAYAN.

HAPPY NEW YEAR to everyone especially to my wife Mila, my daughters Lora & Bam and my sons RJ & Kyle.

HAPPY BIRTHDAY last December 31 to Direk Ed Bulaong of Hataw Pinoy. Mabuhay ka Direk from Francis Afable, Havy Bagatsing, Princess Naldo and me.

HATAW BIGBA, HATAW BICOL, HATAW PINOY

Remate (January 2, 2006)
SENYALES ni Rolando S. Luzong

HATAW BIGBA, HATAW BICOL,
HATAW PINOY

Nang mabalitaan namin na may mga relief operations na ginagawa ang mga kasapi ng Bicol Gamefowl Breeders Association ay nagdesisyon kami ni Director Ed Bulaong ng Hataw Pinoy na pumunta sa Bicol, particular sa Albay, upang mai-cover namin ang ginagawang pagtulong ng mga sabungerong-Bicolano sa kanilang mga kababayan. Nang masaksihan namin ang pagsasakripisyo ng mga BIGBA members ay parang lalo kaming naging proud na kami ay sabungero o nasa mundo ng sabong.

Ang mismong pondo po ng BIGBA ay ginamit nila upang ibili ng mga gamot para sa mga biktima ng bagyo. Kinansela nila ang kanilang Christmas Party at sa halip ay isinama na rin sa pangtulong ang pondo para dito. Ang P100,000 ng BIGBA ay tinapatan naman ng National Federation of Gamefowl Breeders (P50,000) at B-meg (P50,000). Nagpadala ng mga gamot ang Lakpue Drug, samantalang ang Thunderbird Power Feeds naman ang nagfacilitate upang makabili ang BIGBA ng gamot sa Unilab sa napakababang halaga, parti an ang pagpapadala ng mga gamot sa Bicol. Isa sa mga pinakamalaking donor ay ang Sonic Steel na nagbigay ng mahigit sa 13,000 iron sheets sa pakikipag-ugnayan ng BIGBA President na si John Liao.

Nakakapanlumo po ang kalagayan ng ating mga kababayan sa buong Albay at sa ilang bayan ng Camarines Sur katulad ng bayan ng Bula na dalawang buwan ng nakalubog sa baha, ayun sa kanilang parish priest na si Fr. Greg Vega NuƱez, Jr.

Sa Gogon Elementary School po ay may mahigit na 400 na pamilya pa ang nakatira at nakakaawa po ang kanilang kalagayan. Parang sinabugan ng atomic bomb ang buong Albay na wala pa rin koryente hanggang sa ngayon. Umaasa lamang ang mga tao sa mga relief at hindi sila masisisi dahil talagang wala silang choice. Hindi lamang ang bahay nila ang tinangay ng baha kundi pati na ang lupa na tinitirikan ng kanilang bahay ay inanod ng tubig at may mga lugar na nahukay ng hanggang 20 feet at naging mga bagong ilog.

Tulungan po natin ang mga kababayan nating Bicolano. Pinipilit po nilang lumaban subalit kailangan nila ang ating mga tulong upang sila ay makabangon.

Salamat sa mga umalalay sa amin na sina John Liao – BIGBA President; si Boy Salire, Val Lopez, Boy Magno, Boyet Samson, Bong Aspe, July Sy, Father Greg NuƱez, Jr. at sa lahat ng bumubuo ng BIGBA…MABUHAY KAYO SA INYONG GINAGAWANG PAGTULONG SA INYONG MA KABABAYAN.




PASABONG NG MGA CHATTERS

Ang kauna-unahang SCBG 3- COCK DERBY ay gaganapin Angono Cockpit Arena - Angono, Rizal sa January 26, 2007 (Friday) at hindi na po sa January 12, as previously announced upang magbigay daan sa pasabong ng Cyberfriends sa Araneta Coliseum sa January 23 & 25.
Ang entry fee sa SCBG 3-Cocker ay P 4,400.00 at ang minimum bet ay P 3,300.00. P 300,000.00 Cash Prize, ang champion handler ay tatanggap ng P 20,000.00 at ang top gaffer ay P15,000.00 Mayroon din pong FASTEST WIN ( lahat kasali ) sa last fight. Sa pinakamabilis- P 30,000.00 at sa pangalawa - P 20,000.00 Pasabong poi to ng ng SCBG (SABUNGERO CHATRUM BREEDERS GROUP) na binubuo ng mga magkakaibigang sabungero mula sa iba-ibang na nagkakausap araw-araw sa chatroom ng www.sabungero.com kasama sina Pareng Donato Clemente, Pareng Ric Suyat, Sherwin Jardinel, Rod Colegado at marami pang iba.

Doon pos a nais na lumahok kontakin lamang sina ARMANDO BULARIN & JOLO LOZAƑES (0918-4943767) o ang Angono Cockpit (02-2967271).


CYBERFRIENDS CHARITY GLOBAL
5-COCK DERBY

Sa Araneta Coliseum muling gaganapin ang CYBERFRIENDS CHARITY GLOBAL 5-Cock Derby sa January 23 & 25, 2007. P 1 MILLION ang Guaranteed Cash Prize. Ang entry ay P8,800 at ang minimum bet ay P5,500.

Ang Weight Limit ay 1.900 – 2.450 kgs. at ang submission of weights ay 1- day before the fight 2:00 pm – 9:00 pm. Sa January 23 - 2 COCK ELIMINATION at sa January 25 - 3-COCK FINALS

Benefieciary po g pasabong na ito ang HOSPICIO DE SAN JOSE IN MANILA.

Ito po ay taunang paderby ng Cyberfriends. Sa mga interesadong lumahok, maari pong kontakin ang mga sumsunod :CF REBEL - 0917-5341210; CF JOEY BRAVO - 0918-9171230; CF RITA - 0920-8584731; CF ROOSTERMAN - 0921-6918619 & CF 3RD - 0918-3372026. Maari ding tumawag sa ARANETA COLISEUM - 911-2928


HAPPY BIRTHDAY kay DIREK ED BULAONG ng Hataw Pinoy noong nakaraang Linggo - December 31.

HAPPY FIESTA kahapon sa Sto. Nino, Marikina lalo na kay Pareng Jun at Mareng Remy Teves.

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER