Remate (January 2, 2006)
SENYALES ni Rolando S. Luzong
HATAW BIGBA, HATAW BICOL,
HATAW PINOY
Nang mabalitaan namin na may mga relief operations na ginagawa ang mga kasapi ng Bicol Gamefowl Breeders Association ay nagdesisyon kami ni Director Ed Bulaong ng Hataw Pinoy na pumunta sa Bicol, particular sa Albay, upang mai-cover namin ang ginagawang pagtulong ng mga sabungerong-Bicolano sa kanilang mga kababayan. Nang masaksihan namin ang pagsasakripisyo ng mga BIGBA members ay parang lalo kaming naging proud na kami ay sabungero o nasa mundo ng sabong.
Ang mismong pondo po ng BIGBA ay ginamit nila upang ibili ng mga gamot para sa mga biktima ng bagyo. Kinansela nila ang kanilang Christmas Party at sa halip ay isinama na rin sa pangtulong ang pondo para dito. Ang P100,000 ng BIGBA ay tinapatan naman ng National Federation of Gamefowl Breeders (P50,000) at B-meg (P50,000). Nagpadala ng mga gamot ang Lakpue Drug, samantalang ang Thunderbird Power Feeds naman ang nagfacilitate upang makabili ang BIGBA ng gamot sa Unilab sa napakababang halaga, parti an ang pagpapadala ng mga gamot sa Bicol. Isa sa mga pinakamalaking donor ay ang Sonic Steel na nagbigay ng mahigit sa 13,000 iron sheets sa pakikipag-ugnayan ng BIGBA President na si John Liao.
Nakakapanlumo po ang kalagayan ng ating mga kababayan sa buong Albay at sa ilang bayan ng Camarines Sur katulad ng bayan ng Bula na dalawang buwan ng nakalubog sa baha, ayun sa kanilang parish priest na si Fr. Greg Vega Nuñez, Jr.
Sa Gogon Elementary School po ay may mahigit na 400 na pamilya pa ang nakatira at nakakaawa po ang kanilang kalagayan. Parang sinabugan ng atomic bomb ang buong Albay na wala pa rin koryente hanggang sa ngayon. Umaasa lamang ang mga tao sa mga relief at hindi sila masisisi dahil talagang wala silang choice. Hindi lamang ang bahay nila ang tinangay ng baha kundi pati na ang lupa na tinitirikan ng kanilang bahay ay inanod ng tubig at may mga lugar na nahukay ng hanggang 20 feet at naging mga bagong ilog.
Tulungan po natin ang mga kababayan nating Bicolano. Pinipilit po nilang lumaban subalit kailangan nila ang ating mga tulong upang sila ay makabangon.
Salamat sa mga umalalay sa amin na sina John Liao – BIGBA President; si Boy Salire, Val Lopez, Boy Magno, Boyet Samson, Bong Aspe, July Sy, Father Greg Nuñez, Jr. at sa lahat ng bumubuo ng BIGBA…MABUHAY KAYO SA INYONG GINAGAWANG PAGTULONG SA INYONG MA KABABAYAN.
PASABONG NG MGA CHATTERS
Ang kauna-unahang SCBG 3- COCK DERBY ay gaganapin Angono Cockpit Arena - Angono, Rizal sa January 26, 2007 (Friday) at hindi na po sa January 12, as previously announced upang magbigay daan sa pasabong ng Cyberfriends sa Araneta Coliseum sa January 23 & 25.
Ang entry fee sa SCBG 3-Cocker ay P 4,400.00 at ang minimum bet ay P 3,300.00. P 300,000.00 Cash Prize, ang champion handler ay tatanggap ng P 20,000.00 at ang top gaffer ay P15,000.00 Mayroon din pong FASTEST WIN ( lahat kasali ) sa last fight. Sa pinakamabilis- P 30,000.00 at sa pangalawa - P 20,000.00 Pasabong poi to ng ng SCBG (SABUNGERO CHATRUM BREEDERS GROUP) na binubuo ng mga magkakaibigang sabungero mula sa iba-ibang na nagkakausap araw-araw sa chatroom ng www.sabungero.com kasama sina Pareng Donato Clemente, Pareng Ric Suyat, Sherwin Jardinel, Rod Colegado at marami pang iba.
Doon pos a nais na lumahok kontakin lamang sina ARMANDO BULARIN & JOLO LOZAÑES (0918-4943767) o ang Angono Cockpit (02-2967271).
CYBERFRIENDS CHARITY GLOBAL
5-COCK DERBY
Sa Araneta Coliseum muling gaganapin ang CYBERFRIENDS CHARITY GLOBAL 5-Cock Derby sa January 23 & 25, 2007. P 1 MILLION ang Guaranteed Cash Prize. Ang entry ay P8,800 at ang minimum bet ay P5,500.
Ang Weight Limit ay 1.900 – 2.450 kgs. at ang submission of weights ay 1- day before the fight 2:00 pm – 9:00 pm. Sa January 23 - 2 COCK ELIMINATION at sa January 25 - 3-COCK FINALS
Benefieciary po g pasabong na ito ang HOSPICIO DE SAN JOSE IN MANILA.
Ito po ay taunang paderby ng Cyberfriends. Sa mga interesadong lumahok, maari pong kontakin ang mga sumsunod :CF REBEL - 0917-5341210; CF JOEY BRAVO - 0918-9171230; CF RITA - 0920-8584731; CF ROOSTERMAN - 0921-6918619 & CF 3RD - 0918-3372026. Maari ding tumawag sa ARANETA COLISEUM - 911-2928
HAPPY BIRTHDAY kay DIREK ED BULAONG ng Hataw Pinoy noong nakaraang Linggo - December 31.
HAPPY FIESTA kahapon sa Sto. Nino, Marikina lalo na kay Pareng Jun at Mareng Remy Teves.
No comments:
Post a Comment