Monday, July 23, 2007

PUERTO RICO, PUMALAG

Remate (July 21, 2007)
SENYALES by Rolando S. Luzong

PUERTO RICO, PUMALAG

Matapos na maipatigil ang sabong sa 49 states ng America at matalo pa rin ang mga sabungero ng Lousiana kung saan sinasabing hindi mawawala ang sabong (Hanggang August 2008 na lang magiging legal ang sabong sa Louisiana), ang mga anti-cockfighting forces ay nakatuon naman ang kampanya ngayon sa Puerto Rico na isang U.S. territory.

Napakalalim sa kultura ng mga Puerto Rican ang sabong na para sa kanila ay isang tradisyon na hindi maaring itigil at isang malaking negosyo na pinagkukunan ng ikinabubuhay ng maraming mamamayan. Kaya nga nagsiguro na ang lehislatura ng nasabing bayan at kalian lamang ay nagpasa sila ng batas na nagdedeklara sa sabong bilang isang “cultural heritage” o “pamana ng lahi” na nangangahulugan din na hindi ito maaring maging illegal o laban sa batas.

Ito rin ang batas na matagal na natin na ipinapanukala sa mga kongresista na ating nakakasalamuha. Ang problema nga lang ay medyo umiiwas yata sila na makilalang protector ng sabong kaya hindi sila lumalantad at kaya hanggang ngayon ay wala pa tayong batas na kahalintulad ng naipasa nila sa Puerto Rico.

Ayon sa isang news report, umaabot sa 100,000 labanan ang ginaganap sa Puerto Rico taon-taon at tinatayong may 400 milyong dolyar ang benta ng ticket pa lamang. Kaya nga sinasabi ng maraming mamamayan na dapat pa nga ay i-promote ang sabong bilang tourist attraction.
Idinagadag pa na may 50,000 tao ang direkta o hindi man na umaasa ng kanilang ikinabubuhay sa sabong. Ayon sa Sports & Recreation Department ng nasabing isla, may 1.25 milyon na mga aficionado ang nanonood at nagbabayad ng tiket taon-taon na mas higit pa sa mga fans ng baseball games.
Muli po taong nananawagan ang inyong lingkod sa ating mga kongresista na pag-isipan po natin ang pagpapasa ng batas na nagdedeklara sa sabong na bahagi n gating kultura na hindi maaring ipatigil kailanman. Iyan po ay isang hamon, lalo na sa mga kongersistang sabungero.


REWARDS SYSTEM, TANGING PARAAN

Napaka-epektibo ng rewards system ng gobyerno ng magbigay ito ng pabuya sa sinuman makapagtuturo sa mga pinaka-pusakal na kriminal sa ating bansa. Maging ang kilabot na si Abu Sabaya ay naipagkanulo ng kanyang kasama dahil sa pangakong salapi.

Kung sa 10 Most Wanted Men ay nagtagumpay ang rewards system, sa magnanakaw ng manok pa kaya. Eh, alam naman natin na ang mismong mga nasa frontline na nagbubuwis ng kanilang buhay ay mga utusan lamang na maliit na parte lamang ang naibubulsa sa kabuuang kita , samantalang ang mga financers at masterminds ay nakataas ang paa habang humihitit ng sigarilyo at hinhintay ang dating ng mga makukulimbat.

Kung magkakasundo lamang ang mga breeders, sa pangunguna ng National Federation of Gamefowl Breeders, Luzon Gamefowl Breeders Association, Mindanao Gamefowl Breeders Ass’n, Negros Gamefowl Breeders Ass’n at iba pa na magbigay ang bawat isa ng tig-iisa o tig-dadalawang maayos at magandang sasabungin, madali silang makakaipon ng 2,000 tinale.

Ang mga manok na ito ay ibebenta sa isang grand auction at kung mabibili sa average na P4,000 bawat isa ay makakaipon agad ng P8,000,000. Ang halagang ito ang pagkukunan ng magsisilbing gantimpala para sa sinuman na makapagtuturo sa mga utak, tumutustos, nagbebenta, lugar ng bentahan at mga kasabawat sa nakawan ng manok.

Alam natin na malaki na ang operasyon ng mga Sako Gang at kailangan na rin ang isang pangkalahatang pagkilos upang mapigilan ang kanilang operasyon.

Gawin na atin ngayon ito upang mapaghandaan ang tag-ulan at ang paglaki ng mga manok na ating painagpaguran. Huwag na kayong maghintay at magpabaya, dahil lahat naman ay makikinabang sa proyektong ito.

Ilunsad ang Grand Auction upang malikom ang malaking halaga ng salapi upang maisakatuparan ang Rewards System upang matigil na ang nakawan ng manok-panabong.

No comments:

Post a Comment

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER