Remate (July 7, 2007)
SENYALES by Rolando S. Luzong
HATAW NA
Bago ang lahat, iniimbita po namin kayong lahat na manood ng aming paderby bukas sa Las Pinas Cockpit kung saan katulong po naming si mayor Nene Aguilar. Maganda po ang magiging harapan dahil may entry si Biboy Enriquez, Serge Capistrano, Raffy Prieto, Cong. Lawrence Wacnang, Vice Governor Joel Baac ng Kalinga, Engr. Tony Luga, Jr ng Isabela at marami pang iba. Mga alas-sais pa lamang po ng gabi ay umpisa na ang Bakbakan.
MGA NANALONG SABUNGERO SA
NAKARAANG HALALAN
Bagama’t may mga natalo din pero tila mas maraming pinalad na makaupo sa iba-ibang posisyon na sabungero nitong nakaraang eleksiyon. Medyo namesaker ang mga mananabong sa labanan sa senado. Natalo si Gov. Chavit Singson sa kanyang unang subok at ganun din si Cong. Butch Pichay. Ang mga kamag-anak naman ng ng mga kilalang sabungero tulad ni Chiz Escudero na anak ni Sonny Escudero ay nagwagi at kung isa pa si Migz Zubiri sakalaing tuluyang maka-ungos Koko Pimentel. Si Migz ay anak ng iginagalang na sabungero noong dekada ’90 na si Gov. Joe Zubiri ng Bukidnon.
Sa mababang kapulungan, andiyan si Cong. Tony del Rosario ng Roxas City at Capiz, si Cong. Estrella ng Pangasinan, Tony Kho ng Masbate, Ompong Plaza ng Agusan del Sur, Edelmiro Amante ng Agusan del Norte, Cong. Dodong Codilla ng Samar at marami pang iba.
Nagwagi din sina Gov. Joey Salceda ng Albay, Vice Gov. Joel Baac ng Kalinga pati na siyemre ang anak ni National Cockers Association President Ito Ynares na si Junjun.
Wagi din si Mayor Vic Amante ng San Pablo City, Mayor Bobby Clement eng Paoay, Ilocos Sur, Mayor Nene Aguilar ng Las Pinas bagama’t natalo naman ang owner ng Pasay City Cockpit na si Cong. Connie Dy sa kanyang laban para alkalde ng nasabing siyudad.
Isa sa mga nakalusot ay ang bagong mayor ng Estancia, Iloilo na si Gen. Restituto Mosqueda na owner ng RHAMM Gamefarm kung saan naroon ang TJT Cocking Academy.
Marami pa po ang mga kumandidtaong sabungero ang nagwagi at patuloy po natin aalamin ang mga ‘yan.
SABUNGERO PARTY LIST
Sa halalan sa 2010 ay malaki na ang tsansa na rumatsada na rin ang matagal ng pinaplano an party list ng mga sabungero o mga breeders ng manok-panabong. Ang proposal ko ay tagin itong AGBA o alliance of gamefowl breeders association.
Napapanahon na siguro, matapos ang halos total ban ng sabong sa Amerika ay dapat lang kumilos at magsama-sama na ang mga sabungero upang maipagtanggol natin an gating sport, libangan at industriya sa mga nais na pumigil dito.
NATIONAL SABONG PHOTO CONTEST
Ngayon po ang judging kung sino ang mananalo sa 1st National Sabong Photo Contest ng Thundebird Power Feeds sa pakikipag-ugnayan sa Federation of Filipino Phorographers Foundation kabalikat ang National Federation of Gamefowl Breeders at ang Hataw Pinoy. Isa po tayo sa mga nahilingan na mga-judeg sa nasabing patimpalak. Bayaan po ninyo at ipapa-alam ko agad sa inyo angt mga magwawagi.
No comments:
Post a Comment