Thursday, July 19, 2007

Remate (July 19, 2007)
SENYALES by Rolando S. Luzong

BERONG JAVELLANA – Sentenciador

Kung nakapapanood kayo ng malalaki at mga prestihiyosong mga pasabong, marahil ay nakita na ninyo si Berong Javellana. Si Berong ang kinikala, hanggang sa ngayon na pinakamagaling at pinaka-malinis na sentenciador ng sabong sa ating bansa.

Lumaki si Berong sa loob ng sabungan na pag-aari ng kanyang ama sa Bago City, Negros Oriental. Bata pa lamang si Berong ay nakahiligan na niya ang pagsesentencia at sa pamamagitan ng kanyang matalas na mata at liksi sa pagkilos at pagdampot ng magkatunggaling manok ay nakilala ang galing ni Berong. Kumalat at hinangaan si Berong at dumating ang panahon na para bang kulang ang kinang o ang pagka-bigtiem ng isang paderby kapag wala si Berong bilang sentenciador.

Marahil dala ng kasanayan niyang tumingin ng naglalabang-manok, alam agad ni Berong kung masama ang tama ng isang tinale at agad siayng nakakalapit at nadadampot ang papatay na amnok upani-carreo ang magkalaban at masentensyahan angd ang sultada.

Mula pa noong dekada-80 ay kinilala na ang galing at pagiging tapat ni Beron sa kanyang propesyon. Sa kasalukuyan, bagama’t may kaputiana na ang mga buhok, may katabaan at medyo mabagal na kung kumilos, nanunumbalik ang kabataan at bilis ni Beron kapag nasa gitna na siya ng nagpapaluang mga tinale.

Nang una kong isulat ang istorya ni Berong noong 1990 ay sianbi ko n asana ay dumami pa ang katulad niya, subalit tila mali yata ang tinalkbo ng panahon. Sa halip, tila iba yata ang minaster ng mga bagong sibol na sentenciador – ang kung papaano boblahin, tatakutin at babakalan ang mga entry owners upang maka-delihensiya ng malaking pera.

Anim na sentenciador ng isang malaking sabungan ang sabay-sabay na tinanggal dahil sa extortion sa mga participants . Magandang balita, pero ilan pa kaya ang hindi pa nabibisto.


MGA TIPS UPANG HINDI KA MADAYA NG SENTENCIADOR

Ayon kay Pareng Benfour Nadurata, ito ang ilang mga tips upang hindi ka malamangan pagdating sa sentencia.

1. Huwag mong pakakaryo o padadampot ang mga manok kung hindi naman dapat. Halimbawang nakalalamang ka sa pwesto (ipit yung kalaban mo ) at namamalo pa ito at sa tingin mong hindi pa napapatay ang kalaban.

2. Pakaryo mo kung kinakailangan kung sa tingin mong lamang na ang iyong manok at tila patay ( o bulag na dalawang mata ) na kalaban.


3. Hindi dapat kinakaryong hawak sa pitso, o babalukagan o kahit saang parte ang manok kung hindi rin lang sasabihin ng sultador kung saang parte niya ito dapat hawakan. Generally, sa likod lang dapat.

4. Alam mo dapat kung kelan ilalayo o ilalapit ang karyo. Depende ito sa sugat ng manok mo o ng kalaban mo.


5. Dapat sabay lang ang pag-angat ( pantay lang ) at pagbagsak ng mga ito.

6. Huwag ipababad ang karyo na parang hinihintay na gumanti pa ng tuka ang kalaban.

Madalas din natitigilan ang sentensyador (kahit hindi ito sinasadya minsan ) at tila napasarap na sa panonood. Alisto ka sa ganito.

No comments:

Post a Comment

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER