Bandera (July 22, 2007)
HATAW PINOY ni Rolando S. Luzong
MAGHANDA TAYO
Ngayon na nasakop ng lahat ng mga animal rights activist at mga anti-cockfighting forces ang kabuuang 50 states sa mainland ng Amerika,, dapat lamang na mgahanda-handa an rin tayo dito sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan ay medyo minamasahe na ng mga HSPCA o Humane Society for the Prevention of Cruelty to Animals ang U.S. territory na Puerto Rico kung saqan napakalaganap at sikat na sikat din ang sabong. Pag natapos nila ito ay malamang na isusunod naman nila ang Hawaii, Guam at Saipan. Palapit na ng palapit sa atin.
Huwag po kayong magulat kung sabihin ko sa inyo na andito na ang mga kalaban ng sabong. Gumagalaw na ang mga salapi nila sa mga tv networks, sa pront media, sa mga artista at maging sa kongreso at sa senado na siyang nagpanday ng Animal Welfare Act. Ang nasabing batas ang naggawad na illegal na ang pagkaian ng aso; paglalaban ng mga kabayo sa Mindanao; dog fighting at maramin pang iba na ang ilan ay matatawag na tradisyon o bahagi ng kultura. Maingat lamang sila na iniwasan muna ang sabong.
Sa mga tv programs, masisilip natin paminsan-minsan ang pagtita sa mga sabungero at sa larong sabong lalo na sa mga kiddie shows.
Huwag nating ipagmalaki at ipagyabang an hindi makakalusot dito sa atin ang mga hinayupaks komo sasabihin natin na napaksikat ng sabong dito sa atin. Mas sikat pa ba ang sabong sa Pilipinas klung ikukumpara sa Amerika noong araw. Sa Amerika, maging sa White House ay nagsasabong sila lao na kapag may bisitang pinuno ng ibang bansa bilang part eng entertrainment.
Hindi pa tayo nagkakaroon ng Presidente an sabungero pero ang mga unanag pangulo ng Amerika katulad nila George Washington, Abraham Lincoln at marami pa ay mga sabungero.
Kung nagsasabong man tayo sa Araneta Coliseum, ang mga bigtime derbies naman noon sa Amerika ay ginagawa sa Madison Square garden sa New York. O , anong masasabi n’yo. Hindi nakukuha sa yabang yan, maghanda tayo at labanan natin sila.
HAPPY 24TH WEDDING ANNIVERSARY to me and my wife Mila today.
i would to make a comment about this world slasher videos ...ive seen the 2006 film w/c i borrowed to a friend of a friend ...my comments are
ReplyDelete-OUTRAGEOUS PRICE
-EMOY AND DIAZ ARE BAD COMBO OF DOIN THE PLAY BY PLAY
-BAD PRODUCTION MANAGEMENT
-LOW BUDGET FILM FOR THE ASKING PRICE/VIDEO
-NO STATISTICS ARE GIVEN ON EVERY FIGHTS BY THIS 2 IDIOT WANNA BE ANNOUNCERS
-2 UNREALIABLE ANNOUNCERS WITH NO BACKDROUND OR PROPER TRAINING ON BROADCASTING AND RELATED ISSUES
-I RATE THIS VIDEO VERY POOR IN ALL ASPECTS
hi po sa lahat ng mga sabungero lalo n po sa mga antigong ma nanabong gusto ko lang po ipa alam na ang tatay ko si jr agoncillo ang sentenciador na pinaka magaling at tapat sa larangan ng pag judge kilala po siya ng mga antigong big time siya lang po ang naka gawa na mag sentensya n mag isa sa 4cock derby 120 entry sa sikat n marulas valenzuela at siya ang nag bukas sa karamihan na sabungan pag me bagong bukas na sabungan nag papasalamat ako sa god up to now buhay p siya at malakas salamat po sa mag nag basa at sa sabong news ay nasabi ko ang ginawa ng tatay ko sa larangan ng sabong kami ay mag kakapatid ay naka pag aral maraming salamat po.
ReplyDelete