Tuesday, August 14, 2007

IKINAKAHIYA BA ANG SABONG?

Remate (July 24, 2007)
SENYALES ni Rolando S. Luzong

IKINAKAHIYA BA ANG SABONG?

Ang dami nang umupo bilang Kalihim ng Kagawaran ng Turismo, subali’t sa aking pagkakantanda ay wala pa ni isa na nagbigay ng sapat na pansin at pagpapahalaga sa potensyal ng sabong bilang isang maganda at natatanging tourist attraction ng ating bansa.

Ano ba ang iniiwasan o kinatatakutan nang mga tourism officials natin at parang bantulot sila na isulong ang sabong upang makahatak ng mga turista. Ikinakahiya nila pero sa kabila nito ay hindi naman nawawala ang larawan ng mga manok-panabong sa mga pamphlets at brochures na ipinamimigay nila sa mga sa mga dayuhan sa mga airports at hotels. Para silang mga bakla na ayaw magladlad.

Alam kaya ng mga taga Department of Tourism na maraming turista ang kusang gumagawa ng paraan upang makabisita sa isang sabungan at makapanood ng sultada dahil nais nilang makaranas nang isang bagay na hinid nila nasusumpunga sa kanilang mga sariling bayan o sa iba mang lugar na kanilang napupuntahan.

Kung ako ang tatanungin, dapat nga na sa mga airports pa lamang ay ipino-promote na natin ang sabong katulad halimbawa ng mga brochures na may comprehensive introduction ng Pinoy sabong. Dapat sa una pa lamang ay maipamukha na natin sa mga dayuhan kung gaano kahalaga ang sabong sa Pilipinas’ gaano ito kalaganap; gaano kalaki ang natutulong nito sa ekonomiya at gaano karami ang nabubuhay sa sabong.

Di hamak na mas brutal ang bull-fighting sa Espanya at sa Mexico dahil ilang tao ang kalaban ng isang walang muwang na toro, subalit mabunying ipinagmalaki ito ng mga naturang bansa at naging pangunahing taga-akit ng mga turista at tagapaghatid ng malaking kita para sa kanilang mamamayan.

Mas masama kung ang aktuwal na labanan lamang ng manok sa mga sabungan ang makikita ng mga turista na siyang mangyayari kung hindi sila maiga-guide. Dapat ay maintindihan talaga nila ang kahalagahan ng pagmamanukan at sabong bilang pinagkukunan ng ikinabubuhay ng maraming Pinoy.

Pag-isipan po ninyo.

No comments:

Post a Comment

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER