Thursday, June 21, 2007

PAANO SASALI ANG MALILIIT NA BREEDERS SA MALALAKING DERBIES

Remate (June 19, 2007)
SENYALES ni Rolando S. Luzong

PAANO SASALI ANG MALILIIT NA BREEDER
SA MALALAKING DERBY

Kooperasyon ang sikreto. Ito ang pinatunayan ng Cagayan Valley Gamefowl Breeders Association nang sila ay magkampiyon ng dalawang sunod sa una at ikalawang Bakbakan National Stag Derby. Halos walangh nakakarinig noon sa mga breeders ng Cagayan Valley pero matapos ang dalawang kampeonato, marami ang nagbigay-pugay sa kanila.

Ayos sa pahayag ng kanilang founding president na si Gerry Alivia, pagsasama at pagtutulungan ang susi nila sa tagumpay. Nag-grup ay may sampung breeders. Nagdala ng tig-sasampung piling manok ang bawat isa sa isang farm at doon ay nag-selection sila kung saan lahat ng kagrupo ay magge-grade sa bawat ibinibitaw na manok. Ang mga manok na makakakuha ng pinakamataas na iskor ang siyang ikokondsiyon at unti-unti pa rin pipilian hanggang ang sapat na dami na lamang ng panlaban ang natitira.

Isa sa mga kasunduan ay walang mapepwera sa grupo kahit pa walang mapili sa mga manok niya.

Matapos makapili ay kumuha sila ng isang handler-cpnditioner na magaling na kanilang pagkakasunduan upang ihanda ang mga manok.

Pati na ang bayad sa entry fee; ang kailangan halaga para sa minimum bet at panggastos sa transportasyon at pagkaian habang nasa sabungan ay pinagtutulungan ng bawat isa.

Nakwento pa ni Gerry na lahat ng kasali sa grupo ay pupunta sa sabungan upang sumuporta at ang isang nakakatuwang kuwento niya ay yung pagdarasal nila bago ang bawat laban.

Isa rin sa mga nalaman kong nagtagumpay sa ganitong paraan ay ang Candelaria 2006 champion Tisay Jet Ito Combine na binubuo ng apat na breeders na pinagsamasama ang kanilang mga manok upang makapagpasok ng isang team sa Candelaria.

Ang usaping ito ang topic ng usapan sa meeting ng United Cockers of Laguna na maing dinaluhan noong nakaraang Linggo. Sa pangunguna ng kanilang bagong halal na pangulo na si Oliver Valle. Ang pulong ng UCLA ay ginanap sa Star Cross Farm ni Peter Uren at ang nagging panauhing pandangal ay si Sonny Lagon.

Matapos ang eleksiyon ng mga bagong opisayles ng UCLA ay ginawa nila ang kanilang oath taking sa pangunguna ni Sonny Lagon.

Sa lahat ng kasapi ng UCLA, mabuhay po kayong lahat.


HAPPY BIRTHDAY sa aking anak na si Bam (Ma. Presentacio H. Luzong) bukas, Hunyo 20.

No comments:

Post a Comment

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER