Bandera (June 17, 2007)
HATAW PINOY ni Rolando S. Luzong
Panibagong Asasinasyon sa Sabungan
Nakakagimbal na talaga ang mga ginagawang asasinasyon sa loob ng sabungan matapos ang panibagong insidente ng asasinasyon sa magpinsang Alfedo at Virgilio Vendivil na dapat sana ay mga bagong uupong mayor at vice mayor ng bayan ng Lupao sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Habang nasa loob ng sabungan at nanonood ng isang debry sa San Jose City Cockpit Arena sa nasabing probinsiya ay pinagbabaril ang dalawa. Maliban sa kanila ay pito pang mga tao ang mga nadamay at nasugatan din.
Itianaon ng mga salarin na magkaroon ng breaktime ang labanan at sinabayan ang konting pagkakagulo ng mga mananabong na nag-uunahan lumabas upang kumain.
Matatandaan na sa Nueva Ecija din ay nagkakroon ng katulad na pagpatay sa loob ng sabungan mga ilang buwan lamang bago mag-eleksiyon. Ilan taon lamang ang nakaraan ay pinaslang si Mayor Brillantes ng Compostella Valley sa Gallera Matina sa Davao City habang ito ay kalahok sa isang derby doon.. Ito ay sinundan ng pagpatay sa isa pang alkalde sa loob din ng sabungan.
Hindi naman po sa iminumungkahi natin na ‘wag nang magsabong ang mga politico kundi sinasabi lamang po natin na magdobleng-ingat po tayo kapag nasa loob ng sabungan.
Dapat din na mahigpit an ipatupad ang pagpapasok ng baril o anumang nakamamatay na sandata sa loob ng sabungan.
MARAMING SALAMAT PO sa lahat ng dumalo sa aming ipinatawag na pagpupulong kahapon ng mga iginagalang na mga mamamayan ng Barangka, Marikina City. Napakalaking bagay po ng inyong pagdating kahapon upang lalo pa namin pagtibayin ang aming mga layunin.
No comments:
Post a Comment