Thursday, June 21, 2007

MALIGAYANG ARAW NG KALAYAA

Remate (June 12, 2007)
SENYALES ni Rolando S. Luzong


MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN

Kahit na kahapong holiday at ngayon ay may pasok, binabati ko pa rin kayong lahat ng maligayang arw ng kalayaan. Be proud na tayo ay mga Pinoy. Sa mga hindi pa nakakarating sa ibang bansa at hindi pa naranasan makipamuhay sa ibang lahi, marami po ang magsasabi sa inyo na walang katulad ang Pinas; walang kapares sa pakisama ang mga Pinoy at walang kasing-gando at kasing-bango ang Pinay. Pinoy ka, masuwerte ka, magsaya ka, magpasalamat ka.

O balik sa sabong. Kailan lamang ay naipasa ang sariling bersiyon ng Animal Welfare sa lalawigan ng Iloilo. Huwag po kayong mag-panic dahil talaga iniwasan ang sabong. At maging kampante ang isip n’yo dahil ang sabong ay nasasakop ng sariling batas at kinikilala ng pamahalaan. Kaya nga may Cockfighting Law of the Philippines bagama’t ang ilang provisions nito ay hindi na akma sa kasalukuyan. Kaya nga hilingin po natin sa mga bago at muling halal na mga congressmen-cockers aqn silipin naman nila ang P.D. 1802 at gawin ang nararapat na mga pagbabago upang maging applicable sa ngayon.


CAPIZ GAMEFOWL BREEDERS ASSOCIATION

Napakagandang desisyon ang ginawa naming pagbisita ng Hataw Pinoy team sa lalawigan ng Capiz , particular sa lungsod ng Roxas kamakailan upang kapanayamin ang mga bumubuo ng bagong tatag na Capiz Gamefowl Breeders Association (CAGBA).

Nagulat kami sa ganda ng mga manukan doon lalo na ang mala-Shangrila na farm ni Marcu del Rosario – anak ni Congressman Tony del Rosario na nasa ituktok ng isang bundok na may 1,200 feet above sea level. Iyon na siguro ang ipinakamagandang game farm na nakita ko kung saan tanaw mo ang buong Capiz from all directions.

Ibang klase rin ang inihain sa amin na binacol (manok na niluto sa buho ng kawayan) at ang inihaw na red snapper.

Ibang klase rin ang farm ni Marlon Escolin na napakalinis at napaka-ayos. Matindi rin ang farm ni Martin Escolin na bagama’t nasa tabing dagat ay malulusog ang mga manok. Isang timbang sabaw ng buko yata ang nainom ni Havy Bagatsing doon.
Ang Roxas City po ay tinatawag na Seafoo Capital of the Philippines. Napakamura ng seafoods maging talaba, alimango, isda, scallops, posit at iba pa. Siyam kami na kumain sa tabing dagat. Busog kami lahat kasama na ang mga drinks ay P1,500 lamang ang chit namin. Ang sarap bumalik.

Sa CAGBA President na si Ramy Ignacio at sa nag-asikaso sa amin na si Nonong Andrada pati na kay Joey Sarasola, maraming-maraming salamat po.


HATAW PINOY DERBY

Inaanyayahan po naming kayo sa HATAW PINOY 3-COCK DERBY na gagawin sa July 7 sa Zapote Cockpit sa Las PiƱas City.

Ito po ay assisted ni Mayor Nene Aguilar. P5,500 po ang entry fee at P5,500 din ang minimum bet. Mayroon pong fastest win prize na P20,000.

Sa mga nais lumahok, magtext o tumawag lamang pos a Hataw Pinoy – 0920-8652755

1 comment:

  1. Nong Lando kailan kayo ulit bibisita ng roxas city? maraming salamat po sa inyo and sa Hataw pinoy for giving me the oppurtunity to be featured in your famous sabong show.. More power and See you again in roxas city..

    ReplyDelete

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER