CASINO? MAGSABONG KA NA LANG
Makailang ulit nang naisulat ang tungkol sa mga mala-kumunoy na mga casino dito sa ating bansa na lumamon, umagaw at nagpahirap sa marami-rami na rin na mga magagaling na sabungero. Pero, ika nga, ang paalala ay gamot sa taong nakakalimot kaya muli’t muli ay sinasabi natin. Lumayo kayo sa mga casino.
Nakakalungkot din isipin na ang mga halimaw na mga casino na nagkalat na ngayon sa ating bansa ay pinipilit pang pasukin ang mga sabungan at kaladkarin ang mga sabungero upang hubaran ng kayamanan at karangalan sa kanilang mga lungga kung saan di na mabilang na mga nilalang ang di na nakabangon sa pagkakasadlak sa kahibangan.
Talaga bang kulang pa ang kinikita ng mga casino kaya’t pati ang mga sabungero ay patuloy nilang inaakit at ginagahasa. Nariyan na bulagin tayo sa mga tulong nila sa promosyon ng mga derby tulad ng mga posters, streamers, t-shirts, media support, kwarta at iba pa upang mapaniwala lamang tayo na mabuti at masarap ang mag-casino. Nariyan magpamigay sila ng mga kupon na pangtaya na mistulang mga sima na tatarak sa ating mga lalamunan upang hindi na tayo makawala tulad ng isang isa sa lawa.
Sa kabila ng mga panliligaw na ito, hindi pa nasiyahan ang mga casino hanggang sa mismong mga malalamig at maluluhong mga gusali at bulwagan na nila isinasagawa ang mga pasabong.
Sinasabi na nadodoble daw ang kita ng mga casino kapag may sabong subalit ilang sabungero kaya ang umuwi ng luhaan at ilan pa muling sabungero ang hindi makakawala sa bitag hanggang sa maisanla na ang buo niyang pagkatao.
Kung may magsasabi man sa atin na pareho lang naman na sugal ang sabong at casino ay sagutin natin sia na isa siyang mangmang o hunghang.
Ang sabong ay sugal pero ito na siguro ang pinakaparehas na sugal. Dalawa lamang na manok ang pagpipilian mo na ang bawat isa ay may likas na pagnanais na mabuhay at ipagtanggol ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-gapi sa kalaban. Bawat isa ay inalagaan, pinalaki, hinubog, sinanay at ikinundisyon upang maghatid ng tagumpay para sa kanyang amo. Dalawang manok na maglalaban gamit ang kanilang angking lakas, bilis, galing at tapang na hindi kontrolado ng tao , katulad ng karera ng kabayo at iba pang sugal. Sa pagitan ng magkatunggali ay narron lamang ang isang sentenciador na siyang magpapatupad ng mga batas at panuntunan sa harap ng daan-daan mata at panuri ng mga opisyanadong matamang nagbabantay.
Kung ihahambing sa sabong, ang sugal sa casino ay maihahantulad sa tahasang panghohold-up.
Kaya, muli’t muli, sinasabi ko sa inyo, ‘wag n’yo nang subukan ang casino. Parang shabu din ‘yan, sa una ay tikim lang hangggang sa malulong ka at di na makabangon pang muli.
Magsabong ka na lang. Kitang-kita mo pa kung paano ipaglaban ang pera mo. Maari kang sumigaw, tumili, tumalon, sumayaw, mangantiyaw, pumalakpak, magpwera o umatras basta di pa nabibitawan ang mga manok o kaya ay umayaw kung kailan mo gusto lalo na kung panalo ka na. Huwag ka lang uuwi ng may sabit ka pa dahil isasabit ka rin ng mga kapustahan mo.
Napakasarap ng sabong, bakit magka-casino ka pa? ‘Pag ginawa mo ‘yan bobo ka, kaibigan.
Gostei muito desse post e seu blog é muito interessante, vou passar por aqui sempre =) Depois dá uma passada lá no meu site, que é sobre o CresceNet, espero que goste. O endereço dele é http://www.provedorcrescenet.com . Um abraço.
ReplyDeleteANG PLASTIK MO!
ReplyDelete