Wednesday, December 20, 2006

TROPHY NAMAN

Remate (December 11, 2006)
SENYALES ni Rolando S. Luzong

TROPHY NAMAN

Sa isang cocking seminar na naimbita ako ay marami ang humiling na sana ay isulat ko naman na ang mga ulutan at derby promoters ay siguruhin na may trophies sila na ibibigay para may remembrance naman ang mga nagtsa-champion.

Ooo nga naman, mga promoters, magkano lang naman ang trophy. Diyos ko po, eh ang laki naman ng kinikita n’yo, yan ba naman wala pang isang libong piso na trophy eh hindi pa kayo makapagbigay. Mahiya naman kayo sa balat n’yo.

Ang napanalunang salapi ngayon, maaring maubos o matalo ulit bukas, subalit ang trophy ay walang bang maka-aangkin.

HATAW NG HATAW

Nitong nakaraan Linggo ay nafeature sa Hataw Pinoy (10 a.m. every Sunday sa IBC – 13) ang may-ari ng farm sa Camangayan, Sta, Maria, Bulacan kung saan 53 na manok ang nanakaw at isang 15 years old. na tauhan ang pinatay ng mga magnanakaw. Inanunsiyo din po ang $2,000 (P100,000.00) na reward na offer ng may-ari para sa sinuman na makapagbibigay ng impormasyon sa ikadadakip ng mga salarin. Ang sinuman na may nalalaman tungkol dito ay maaring tumawag o magtext sa cell phone numbers 0920-5415931 o 0927-7929744.

Inilabas din po ang bagong feedback numbers ng Hataw Pinoy (0921-5473272) at heto po ang lan sa mga text messages :

Nanunood po me Hataw Pinoy. Maganda mga fatures nila. Bilib me sa abilidad ng palabas nila. Complete and accurate, napapanahon mga fatures nila. Lage ko sinisigaw ang Hataw Pinoy dito sa DARASA. Gud am – Alvin Ablao ng Batangas.


Sir, thanks you your program and all your staff , ang ganda ng inyong mga mensahe sa mga nanunuod na sabungero, good luck Sir. God bless – Randy Moreno of Nueva Vizcaya.


Tnx for the preview of PABA. Sa tingin ko very succesful. Marami ang interested to join. Lookin forward to see you again. Ang daming nagtetext., sana start na ito para ma-expose ang mga asil fighting sa Phil. – Philippine Asil Boxing Association President Engr. Venustiano Martinez ng Laguna

Ang cute ng long hair na host. Ano name n'ya? Mas cute siya pag nakatali buhok niya – Mitch A. ng Manila

Magandang araw po madalas po akong manood ng programa n'yo. Ask ko lang po kung nagtuturo kayo magtare ng manok kc me mga alaga din akong manok at ngsasabong din. Gusto ko sanang ma22 magtare. Ang inyong lingkod - Mr. Virgonian ng Cavite

Gud morning po. I'm, 16 years old. Oliver po name ko . Mahilig din po sa mga manok. Kung may sipon po ang manok ano po ang magandasng gamot – Oliver ng Marisol, Angeles City.


We would like to be featured in your Hataw Pinoy. I represent the Laguna Cockers Club – Gil Lemi

Gud am. Maganda lay-out ng show at bakground music – Gerry Escalona

Magandang umagapo. Napanuod ko po ang programa n'yo at patok ito, sana marami pa akong makuhang tips sa inyo. – from Zamboanga City

Magandang umaga po Sir, ako si Ric Amistad isa ring backyard breeder. San po ba makakakuha ng quality broodcocks at hens. Gusto ko sana Sweater at Lemon. Isa po akong taxi driver. Maraming salamat po at sana tumagal pa ang Hataw Pinoy kc marami po kayong natutulungan lalo na ang mga baguhan na katulad ko. – Ric Amistad

Magandang umaga po Hataw Pinoy, ako po co Carl Maganito 14 taong gulang na mahilig sa manok n katulad nyo. Nais ko lang mlman na katulad po ba ng itlog ng buaya ang itlog ng manok? Dahil sa buaya po , pag sobrang init ng itlog lalaki pag malamg babae. Katulad po ba yan sa manok? – Carl Maganito


Maraming nagrespond sa text ko na nanonood cla ng Hataw Pinoy. Okay daw ang advocacy n’yo. Congrats, keep it up. – Joey Sy

MALIGAYANG BATI at maraming salamat kay Tony Montalban ng Real, Quezon at Miag-ao, Iloilo.

No comments:

Post a Comment

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER