Thursday, December 7, 2006

3 ENTRIES NAGSALO SA BAKBAKAN

Remate (November 30, 2006)
SENYALES ni Rolando S. Luzong


3 ENTRIES ANG NAGSALO SA BAKBAKAN

Nang mapawi ang lambong ng alikabok at balahibo, tatlong entries ang nanatiling matatag hanggang sa huli upang paghatian ang korona sa katatapos lamang na 2006 Bakbakan 9-Stag national Derby na sinalihan ng 1,273 entries.

Unang nakasungkit na 9 na panalo sa 9 na laban ang Davao entry, PT PANIKI ng Tan brothers mula sa Mindanao Gamefowl Breeders Association. Ang MIGBA ang isa sa pinakamalaking kasapi ng National Federation of Gamefowl Breeders sa pangunguna ni Nitoy Nasser ay ngayon lamang nanalo ng championship. Nagpasalamat si Bobot Tan sa Ampil Brothers

Ang ikalawang nagwagi ay ang entry na ARRIVA GG RCPD ni Maj. Bobby Doromal, Gene Garcia at Manny Sazon.

Ang ikatlong nakihati sa kampeonato ay ang SUPER MIGGY entry ni Jenjen Arayata ng Cavite na naglaban din ng mga bulik na manok na ayon kay Jenjen ay mga anak ng manok na orihinal na galing kay Cong. Danny Lagbas.

Nagkaroon ng mabilisang press conference na sinundan naman ng Awarding Ceremonies sa gazebo ng Araneta Coliseum na inisponsor ng Thunderbird.


TOP BREEDER ASSOCIATIONS

Nabigyan din ng parangal ang mga top breeders associations tulad ng Cagayan Valley Gamefowl Breeders Association (CVGBA) sa kanilang pagwawagi ng championship noong 2001 at 2002 Bakbakan; ang United Ilocandia Gamefowl Breeders Association (UNIGBA) sa kanilang panalo noong 2003 at 2004 at ang Gamefowl Breeders Association of Negros (GF-BAN) sa kanilang grandslam victories noong 2005.


LIFE ACHIEVEMENT AWARD

Ang nabigyan sa taong ito ng LIFE ACHIEVEMENT AWARD ay ang iginagalang na breeder – ang yumaong si Emmannuel “Mamie” Lacson na kinilala sa kanyang naging kontribusyon sa gamefowl breeding industry at sa larong sabong. Siya ang nagtatag ng dalawang pinakauna at pinakamalaking samahan ng magmamanok sa Pilipinas – ang Negros Gamefowl Breeders Association (NGBA) at ang Gamefowl Breeders Association of Negros (GF-BAN). Ang tumaggap ng award para sa pamilya ni Mamie ay ang kanyang anak na si Joey Lacson.


SEMINAR SA INFANTA

Ang Thunderbird Feeds ay may gaganapin GAMEFOL MANAGEMENT SEMINAR sa Queen Cakes & Restaurant sa INfanta, Quezon sa ika-9 ng Disyembre mula alas-nuwebe hanggang als-onse ng umaga.

Lahat po ng breeders ng Real at Infanta sa pangunguna ni Rex Montalban ay imbitado.


HAPPY BIRTHDAY sa aking anak na is RJ (Rolando Jr,) bukas.

1 comment:

  1. jose_agravante@yahoo.comMarch 31, 2009 at 10:40 AM

    Good morning po ! I am Jose L. Agravante of Fort Pikit, Pikit, Cotabato and I am breeding an Asil Chicken for purposes of fighting without a bladed weapon use during the fight. I would like to register our association in the Philippine Asil Boxing Association (PABA). It is my pleasure if you can help me register this. This is my contack no. 0915-9513435 my email ad jose_agravante@yahoo.com. I know that you are great in helping us. Thank you very much sir and more power sa lahat.

    Jose L. Agravante
    Fort Pikit, Pikit, Cotabato
    Philippines 9406

    ReplyDelete

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER