Tuesday, December 26, 2006

SALAMAT PO

Bandera (December 24, 2006)
BATTLE ROYALE by Rolando S. Luzong

SALAMAT PO

Sa pagsalubong natin sa Pasko at muling pag-alaala sa paghahandog sa atin ng Panginoon ng kanyang anak na si Jesus, dapat lamang na ang Kapaskuhan ay maging araw din nang pagpapasalamat, hindi lamang sa mga material na bagay kundi maging sa mga simple at pang-araw-araw ng grasyang ating natatanggap tulad ng mga sumusunod :

· Salamat po sa gutom, dahil lalong sumasarap ang pagkain;
· Salamat po sa paminsan-minsang kalungkutan, dahil mas nadadama ang tuwa kapag dumarating naman ang kaligayahan;
· Salamat po sa kalusugan at maayos na pangangatawan;
· Salamat po sa mga mabubuti at mapag-arugang mga magulang;
· Salamat po sa mababait at masunuring mga anak;
· Salamat po sa mga mapang-unawa at matulunging mga kaibigan;
· Salamat po sa hanapbuhay;
· Salamat po sa mga tawanan;
· Salamat po sa tahimik at simpleng buhay;

PASABONG NI DODONG

Iniimbita po kayong lahat ng aming kaibigan na si Dodong Farmers sa kanyang 1-COCK SUPER ULUTAN – PASALUBONG SA BAGONG TAON PART-II sa Disyembre 30 – Sabado sa Texas Cockpit Arena sa Bgy. Mayamot, Antipolo City. P350,000 ang total cash prize. Ang entry fee ay P1,300 at ang minimum bet ay P3,300.

Ang 1st prize (fastest win) ay P100,000; 2nd – P40,000; 3rd prize – P20,000; 4th prize P15,000 at 5th prize – P10,000.

Alas-siyete pa lamang po ng umaga ay Bakbakan na, ayon kay Dodong. Maganda pong salihan ito kung sulit na labanan din lamang ang hanap n’yo. Pag ito nadale n’yo malamang lechon-baka ang media noche n’yo.

NGAYON SA HATAW PINOY

Itatampok po ang originator ng mga phenomenal na Blue Blade Sweaters na si Engr. Sonny Lagon sa Christmas episode ng Hataw Pinoy (Sundays 10 a.m. sa IBC-13) ngayong araw na ito. Ipapasyal po kayo ni Francis Afable sa magarang Blue Blade Farm at mapapanood n’yo ang galing ng mga pambihirang Sweaters, Kelsos at Gilmores ni Sonny.

Ipapalabas din today ang interview sa 1993 World Slasher Champion Francis Lumunsad, samantalang ipapakit naman ang paggawa ng drift wood furniture sa Real, Quezon.

Sasamantalahin ko na rin pong magpasalamat sa mga nagbigay ng pagkakataon sa Hataw Pinoy upang sila ay aming mabisita at makapanayam, tulad nila : Mayor Juancho Aguiire, Al Garcia, Ricoy Palmares, Jessie Ledesma, Jezry Palmares, Mayor Jess Nalupta, Victor Sierra, Bebot Monsanto, Sonny Lagon, Dicky Lim, Ompong Plaza, Alex Bauan, Dr. Teddy Tanchangco, Dexter Guce, Peter Uy, Joey Sy, Club Red Game Farm, John Daguio of Red Star Farm,

Raffy Campos & Edwin AraƱes of RED Farm, Gerry Escalona, Atty. Joey Mendoza, Rainier Kau, Vizacaya-Ifugao Gamefowl Breeders Ass’n, United Gamefowl Breeders of Tarlac, Mayor Ceasar Dy, Gerry Alivia, Vice Gov. Oscar Lambino, Vice Gov. Windell Chua, Bong Artajos, Mayor Jun Favis, Bining Ong, Mayor Bobby Clemente, Robert Yu, Lope Dorado, Boy Ang, Alvin Villaluna, Henry Tan, Biboy Enriquez, William Go, Francis Lumunsad, Fred Tarrosa, Atoy Visda, Rita Huerta, Quezon Cockers & Breeders Association, United Backyard Breeders Ass’n, Mauro Prieto, Mike Romulo, Mar Jabagat, Bondo Tan; Rex, Meliton & Tony Montalban; Patchie Cruz ng Sabong Star Magasin, Manny Berbano ng Pit Games at Wilvin Sy ng Cockfights Magazine.

Of course, kay Stephanie J. Castillo sa kanyang Cockfighters : The Interviews.


HAPPY 1ST BIRTHDAY to my inaanak John Patrick “kenken” Cantero bukas.

MERRY CHRISTMAS to Pareng Ompong (Cong. Plaza) & Mareng Shirley and to their children Isabel, Paula, Ricca, RJ & Paulo.

NAKIKIRAMAY PO ang column na ito sa pinaslang na Congressman Chito Bersamin ng Abra. Mayor pa lamang siya ng Bangued ay suki na namin siya noon sa Roligon Mega Cockpit. Isa siya sa mga hinahangaan at iginagalang na sabungero ng bansa. Paalam Cong. Chito.

No comments:

Post a Comment

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER