Remate (December 15, 2006)
SENYALES ni Rolando S. Luzong
LGBA AWARDS NIGHT
Isang magandang awards night ang ginanap ng Luzon Gamecock Breeders Association sa Sulo Hotel noong nakaraang Mierkules ng gabi kung saan pinarangalan ang mga kasapi ng LGBA na namayani o gumawa ng outstanding record sa taong 2006, sa pangunguna ng 2006 Breeder of the Year na si John Daguio ng Ilocos Norte.
Si Corito Diaz (maybahay ni Boy Diaz) at Taz Lunasco (LGBA Secretary) ang unang sumasalubong sa mga kasapi at sa mga bisita.
Umaktong emcee ng programa si Atty. Mario Anronio, ang Director na si Romy Tan ang nagbigay ng Invocation samantalang si Romy Dalmacio naman ang nanguna sa pag-awit ng Lupang Hinirang.
Sa welcome address ng LGBA President na si Rene “Boy” Diaz, nagbigay siya ng maikling report tungkol sa kalagayan ng samahan pati na ang direksiyon na dapat tahakin ng LGBA in the future.
“We have to be stronger within”, pahayag ni Kuya Boy, kasabay ang panawagan na magkaisa (close ranks) ang lahat upang maging handa at malabanan ang mga pagsubok na hinaharap ng kanilang samahan.
“Like a rooster, we do not run from a good fight”, dagdag pa niya.
Sumunod ay ang financial report ng LGBA Teasurer na si Dr. Gil Nicolas kung saan ipinaliwanag niya kung bakit bumaba ng halos 70% ang makukuhang dividendo ng bawat kasapi sa taong ito kumpara sa natanggap nila nung 2005. Ilan sa mga inihayag na dahilan ay ang mahigit P600,000 siningil ng isang sabungan bilang electric charges. Base dito, nagkaroon ng botohan at halos 90% ng dumalo ay nagkaisa na sa ibang sabungan na lamang gagawin ang karamihan sa mga derbies ng LGBA at hindi na sa nabanggit na sabungan na kinailangan nilang bayaran ng malaking halaga.
LGBA ELECTION
Dapat sana ay mayroong eleksiyon na gaganapin subalit idineklara ni Atty. Antonio na walang quorum komo 98 lamang ang dumating na kasapi. Dahil sa pangyayari at base sa by-laws ng LGBA, sinabi ni Atty. Antonio na magpapatuloy na manungkulan ang kasalukuyan mga opisyales hanggang sa susunod na taon. Sa bandang huli, matapos ang mabilis na pag-uusap ng board members ay ipinahayag na maari ding sa awards night pagkatapos ng bullstags & cock derbies gawin ang halalan na natataon sa kalagitnaan ng taon.
MGA KABIGANG MULING NAKITA
Malaking bagay ang pagdalo namin ng Hataw Pinoy staff sa LGBA Awards Night dahil maraming mga kaibigan na matagal na ring hindi nakikita ang nakatagpo kong muli. Nanddon si Pareng Engr. Noel Zoleta ng Sariaya, Quezon; si Nancel Balibalos ng Batangas; si Pareng Biboy Enriquez at marami pang iba.
Natuwa din kami sa mga pasasalamat na natanggap namin mula sa mga naiterview na namin at naipalabas sa Hataw Pinoy. Kasama diyan sina Gerry Ramos; Edwin Ramos ng RED Farm; Ludy Lazarte at siyempre si John Dagiuo.
Marami din ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa Hataw Pinoy lalo na ang pagkaka-interview namin sa biktima ng nakawan ng manok sa Sta. Maria, Bulacan.
No comments:
Post a Comment