Remate (December 21, 2006)
SENYALES ni Rolando S. Luzong
MAGNANAKAW AT BUYER
KULONG PAREHO
Isang magnanakaw ng manok at ang buyer ng manok na kanyang ninakaw ang parehong nakakulong ngayon sa Muntinlupa City Jail matapos na ipa-aresto sila ng may-ari ng manok at amo ng magnanakaw.
Isang kinuhang breeder ng manok mula sa probinsiya ang nabisto ng kanyang amo na nagnanakaw ng mga manok. Naipakulong ang magnanakaw pero matapos humingi ng tawad ay hindi na itinuloy ng amo ang demanda. Pinalaya ang magnanakaw at bingyan pa ng pamasahe ng amo upang umuwi na lamang sa kanyang lalawigan. Ang siste, matapos na pakawalan ang magnanakaw nung umaga, pagdating ng gabi ay muling nagnakaw ito sa farm ng kanyang amo.
Muling tumawag ng pulis ang amo at nahuli ang magnanakaw sa isang inuman malapit lamang sa farm. Nadakip din ang bumili ng manok na ninakaw. Ngayon ay parehong naghihimas ng malamig na bakal ang magnanakaw at ang bumili ng nakaw. Kung mamalasin, malamang na sa kulungan na magpa-Pasko at magba-bagong taon ang magkasabwat.
KAPITAN BOMBER, OK KA
Nagpapasalamat po ang Hataw Pinoy ng napakalaki kay Kapitan Bomber Pamiloza ng Bgy. Bomber Zone 463 sa knayang mainit na pagtanggap sa amin sa kanyang nasasakupan kaugnay ng ginawang pa-seminar ng Hataw Pinoy, in cooperation with Thunderbird Power Feeds noong nakaraang Martes.
Mahigit na isang daan sabungero ang dumalo sa nasabing pa-seminar kung saan naging main speaker ang Hataw Pinoy host na si Francis “Prof” Afable at moderator naman si Havy “Habagat” Bagatsing.
Tuwang-tuwa ang mga umattend dahil maliban sa giveaways, pa-merienda at mga pa-premyo ng Thunderbird ay nagpa-raffle din ang ama ni Havy na si dating Congressman Dondon Bagatsing ng limang inahen na mga Oakgrove at Bruce Barnett lines.
Ipinagmamalaki ng Bgy. Bomber na doon sa kanila, particular sa L & M Gym, unang pinasok ni Manny “Pacman” Pacquiao ang mundo ng boksing, kaya nga kailan lamang ay binili ni Manny ang nasabing gym dahil may malaking bahagi iyon sa kanyang buhay.
Ayon kay Kap, sinisiguro ni Pacquiao na dumaan muna sa nasabing gym bago siya tumuloy sa kanyang o sa airport kung sa abroad naman ang laban.
Mabuhay ka Kapitan Bomber at maraming salamat pong muli sa inyo at sa inyong maybahay.
NAGPAPASALAMAT din po ng marami ang Hataw Pinoy sa marangyang pag-aasikaso sa a in ni Atty. Joey “Tagapo” Mendoza kahapon sa pagbisita namin sa kanyang magandang manukan sa isla ng Talim, sa gitna ng Laguna de Bay. Si Atty. ang 1st Runner-Up sa Luzon Gamefowl Breeder of the Year. Mabuhay ka Atty. Mendoza.
No comments:
Post a Comment