Thursday, December 7, 2006

HATAW NGAYON

Bandera (December 3, 2006)
BATTLE ROYALE ni Rolando S. Luzong

HATAW NGAYON

Ngayong araw na ito ay ipapalabas sa Hataw Pinoy ang mga nagkampiyon sa 2006 Bakbakan 9-Stag National Derby at ang mga sidelights ng record-breaking na pasabong ng National Federation of Gamefowl Breeders. Mapapanood ang HATAW PINOY tuwing Linggo 10:00 a.m. to 11:00 a.m. sa IBC – Channel 13. Pakitanong na lamang pos a inyong mga cable providers kung anung Channel ang IBC sa inyong locality.


MGA ANOMALYA SA “ULUTAN”

Usong-uso ang mga 3-cock ulutan; 2-cock ulutan at 1-cock ulutan.

Ang mga 3-cock at 2-cock ulutan ay nagbibigay ng magandang premyo para sa mga nagkakampiyon kung saan ang mga nauuna ay mas malaki ang tinatanggap.

Ang mga 1-cock naman ay pabilisan ng panalo ang pinaglalabanan, kung saan nag-iiba ang gantimpala para sa unang sampu na pinakamabilis. Maliban dito, may mga awtomatikong giveaway din sa mga unang maglalaban ng manok at mananalo.

Maganda ang ganitong mga pa-gimik. Ang masama, naging talamak na din ang mga pagmamanipula at mga pamamaraan ng mga operators ng sabungan upang mas mapalaki ang kanilang kita at mabawasan ang premyo na kinakailangan ipamahagi.

Silipin natin ang kanilang mga istayl, katulad ng mga sumusunod :

1) Kahit maaga kang dumating sa sabungan upang mapalaban agad para mas malaki ang iyong maging premyo kung manalo ka, ay magtataka ka dahil kahit pangtatlong sultada pa lamang ang nasa rueda ay mataas na ang numero na makukuha mo kapag nagpalista kayo ng inyong kalaban. Bakit? Dahil, itinatago na ng may-ari o operator o mga empleado ng sabungan ang mga una o mababang numero para sa kanya o sa kanyang mga kaibigan o suki. Minsan naman, ang mga empleado mismo ang nagtatago ng mga numero upang ibigay sa kanilang mga amo pagdating nito sa sabungan. Kung dayo ka at walang kilala, kawawa ka.

2) Komo hindi naman ibinabase sa dami ng entry ang premyo, ang ginagawa ng ibang operators ay magpapasok ng maraming entries. Maaring sarili niyang manok o kaya para makatipid ay uupa siya na kung minsan ay pareho niyang uupahan ang dalawang magkalabang manok kaya kahit alin ang manalo ay sigurado na na may isang entry siya na may one point. Sa ikalawang sultada, papasukan naman niya ng pambato niyang manok o kaya ay lalabanan din niya ang mahinang manok na galing sa bayong.

3) Ipinagbabawal na din sa ibang sabungan na maglaban ang parehong pa-champion. Ang problema sa ganitong patakaran ay mahihirapan ka naman maulot sa isang may talo na o sa bagong entry lalo na’t alam nila na nanalo ka na.

4) Kapag naman napaulot ka na sa isang bagong entry o isang may talo na, gumagawa ng paraan ang management na maitaboy o mapauwi na ang kalaban mo sa pamamagitan ng pakisuap o suhol upang hindi na mapalaban ang ikalawa o pakampiyon mong manok.

5) Minsan, hindi man nais nang sentenciador ay napipilitan ang mga ito dahil sa kanilang mga Boss upang gawan ng paraan ang sultada para lamang ‘wag makalusot ang pakampiyon at nang hindi na madagdagan ang babayaran ng premyo.

6) Ang pinakamasama, dahil sa talagang minsan ay napapasubo ang mga operators o promoter at natatalo ng husto, napipilitan silang gumawa ng sultada o nagpapalusot ng tiyope. Isang bukas na lihim ang ganitong gawi ng maraming operators kaya hindi na tayo maglinis-linisan pagdating. Hindi po naman natin sinasabing lahat. Ang kadalasan na gaumagaw nito ay ‘yung mga umuupa lamang dahil sa upa pa lamang ay talo na sila na kung minsan ay ang may-ari na lamng ng sabungan ang kanilang ipinag-hahanapbuhay.


HAPPY BIRTHDAY to my wife Mila tomorrow December 1.

No comments:

Post a Comment

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER