Bandera (December 20, 2006)
BATTLE ROYALE by Rolando S. Luzong
CHAMPIONSHIP RING SA WSC
Sa NBA o National Basketball Association ng Amerika, maliban sa trophy na natatnggap ng champion team ay nakakatanggap din ang bawat player nit ng championship ring.
Base dito, bakit hindi magbigay din ng championship ring sa mga nagkakampiyon sa World Slasher Cup. Napakalaking bagay at napakataas na karangalan ang magkamapiyon sa World Slasher Cup, subalit di maiiwasan na makalipas ang maraming taon eh nakakalimutan na ng mga tao ang nasabing tagumpay.
Kung ang isang WSC Champion ay mabibigyan ng World Slasher Cup championship ring, maaring palagi niya itong suot at sa mga kuwentuhan at mga pagtitipon ay magiging pruweba ito ng kanyang pagkapanalo kahit pa ilang taon na ang lumipas. Mas madali at mas maginhawa sa kanya ang isuot ang isang singsing kaysa ang pagbibitibit ng kanyang trophy o cup.
Ang WSC Championship Ring ay makakadagdag din ng malaki sa rangya ng tinaguriang “Olympics of Cockfighting” at makakaakit ng mas marami pang entries.
SCBG 3-COCK DERBY
Ang SCBG (Sabungero Chatters Breeders Group) na nagkakausap araw-araw sa Sabungero.com chatrooms ay nag-iimbita sa kanilang "Chat-Chatan sa Bagong taon 3 Cock Derby" on Jan. 12, 2007 sa Angono Cockpit sa Angono, Rizal. Kasama dito sina Pareng Ric "ambucao" Suyat , Joseph (jolo), Lorenzo Donato "KingG" Clemente, Sherwin Jardinel, Rod Colegado, etc.
2007 CANDELARIA DERBY
Mas matinding paluan ang inaasahan sa susunod na taon sa 2007 edition ng Annual Nuestra SeƱora de Candelaria 7-Cock Derby sa Iloilo Colseum. P8,000,000 ang garantisadong premyo at ang entry fee ay itinakda sa P50,000.
Sa Enero 29 & 30 ay ang 4-cock elimination ng unang set ng entries at sa Enero 31 at Pebreron 1 ang labanan ng second set of entries. Ang 3-cock championship ay gagawin sa ika-2 ng Pebrero.
Ang weight limits ay 1.900 – 2.400 kgs.
Ang prestihiyosong taunang pasabong na ito ay sa pagtataguyod ng ILOILO SPORTMEN INCORPORATED na binubuo ng Board of Directors kasama sina
Chairman = Atty. Claudio Jardiolin; President & General Manager = Luis M. Tinsay, Sr.; Vice President = Luis C. Tinsay, Jr.; Asst. Manager = (Ret.) Col. Rodolfo Hermosura; Corporate Secretary & Legal Counsel = Atty. Wilredo Acebuque; Treasurer = Agustin Hallares, Jr.; Board Member = Joe Uy; Board Member = Roman “Tomic” Quising
Sa mga interesadong lumahok, maari po kayong tumawag sa ILOILO COLISEUM (Ms. Edna R. Uy) sa telepono bilang : 320-7239 * 320-7240
NAKIKIRAMAY PO ANG KOLUM NA ITO sa mga naiwan ni Jose “Mang Joe” Mojeno – dating katiwala at handler ni Don Ramon Lacson, na binawian ng buhay noong Biyernes ng umaga, matapos na maputukun ng ugat sa kanyang ulo. Kay Leon Mojeno at sa mga naulila ni mang Joe , nakikiramay po ako at si Pareng Romano Pedroche ng Australia.
No comments:
Post a Comment