Remate (December 23, 2006)
SENYALES ni Rolando S. Luzong
ARAW-ARAW ISIP-PASKO
Kapag parating ang Pasko, madalas nating marinig sa ibang tao ang ganito, “Ano kaya ang ibibigay ko kay ganun o kay ganito?”. “Ano kaya ang maari kong ibigay para sumaya si ganun o si ganito?” Napakagandang bagay komo sa halip na ang ating sariling kapakanan ay ang kabutihan ng kapwa ang ating iniisip. Kaya nga pag Pasko ay masaya ang mga tao, hindi lamang dahil sa nakakatanggap sila ng regalo kundi buo din sa loob nila ang magbigay ng regalo.
Kung magiging isip-Pasko lamang ang mga tao sa buong taon, buong taon din marahil ang kasayahan.
May mga araw na kumakain tayo subalit sobra-sobra naman ang natitira at nauuwi lamang sa kaning-baboy . Ang hindi natin alam, ang mga pagkaing ating pinagsawaan at itinapon ay buhay na para sa iba. May mga pagkakataon din na tayo ay nag-iinuman at minsan kahit mga lasing na tayo ay tuloy pa rin ang pagbili ng beer o alak kahit na natatapon na lamang, natitira o isinusuka din naman. Ang nakakaligtaan natin, ang halaga ng isnag boteng beer na P17.00 ay maghapon ng pang-ulam ng isang hirap na pamilya.
Maganda at tama lang ang magsaya, pero may mga pagkakataon na ang sobrang pagsasaya ay nauuwi na rin sa kalungkutan na dala ng hirap ng katawan, sakit ng ulo, ubo, aksidente, away at iba pa. Kaya sa susunod na tayo ay magsaya, maari siguro nating isipin kung tama na ang kasayahan at sa halip na magpakasobra tayo ay ibahagi naman natin sa ibang nangangailangan ang ating pinagsawaan at itatapon lamang.
Subukan po natin na mag-isip Pasko araw-araw at kahit pa napakaganda kung lahat tayo ay gagawin ito ay alam natin na mahirap itong mangyari kaya sa halip na hintayin natin ang iba na gawin din ang ganoon, mauna na po tayo.
MALIGAYANG PASKO PO SA INYONG LAHAT.
SONNY LAGON SA HATAW PINOY
Bukas po ay isang magandang panayam kay multi-awarded gamefowl breeder Sonny Lagon – owner ng Blue Blade Game Farm, ang tampok sa Christmas presentation ng top-rating sabong tv program na Hataw Pinoy na mapapanood tuwing araw ng Linggo, 10:00 a.m. to 11:00 a.m. sa IBC-13.
Mapapanood din ang iginagalang na cocker-breeder at cockpit operator na si Bong Artajos na barangay captain ng Bgy. Pagburnayan, Vigan, Ilocos Sur.
MERRY CHRISTMAS sa lahat ng mga Tambay kay Epoy. Maraming salamt kay Pareng Sonny Lagon, kay Pareng Bingbing Antonio at sa aking best friend na si Princess Naldo.
No comments:
Post a Comment