Si Marcel Julao (MTJ – RSM Flash Bomba), sa isang pambihirang pagkakapanalo, ang nakasungkit ng solong kampeonato sa katatapos na 2009 World Slasher Cup-2 8-Cock International Derby, matapos na umiskor ng 6.5 puntos na sinundan naman ng pagkabigo ng pitong entry para makapagtala ng 7 points.
"Nakuha sa tiyaga", pahayag ni Julao na sa nakaraang ilang taon ay lumalahok sa World Slasher Cup at palagian naman na umiiskor ng maganda, subalit kulang para makapanalo ng kampeonato.
“We used 5 Sweater-Lemons; 1 McLean/Lemon-Sweater Kelso; 1 8-year old Kabayo Hatch/Lemon and 1 Grey/Lemon”, ayon kay Marcel.
Sa isang paghahayag niya sa sikat na cocking website na sabong.net.ph, pinasalamatan ni Marcel ang kanayang buwenas na kapartner na si Rey Morla,; ang kanyang matiyagang handler na si Jeffrey Aligato; ang kanyang maybahay na si Dana at ang tatlo nilang anak; ang kanyang ama, si Papa Boy - na nagturo sa kanya ng sabong ; ang kanyang Kuya Jun na kasama niyang nag-umpisa at isa sa bumubuo ng sikat na entry name na MTJ Bros. at sa kanyang ina na si Mama Susie.
“Sa totoo lang, Thunderbird Bexan XP pang ginamit ko”, inamin ni Marcel sa isang telephone interview. Maliban sa pagbi-breed ng manok-panabong ay kanya rin pinapamahalaan ang kanyang MTJ Poultry Supply sa N. Domingo, San Juan City.
AngThunderbird BEXAN XP ay ang kauna-unahang injectable B-complex vitamins na pinatibay ng liver extract na mayaman sa Vit. B12 at folic acid para sa matinding lakas-panlaban. Ang LIVER EXTRACT ay para sa kondisyon ng dugo, samantalang ang FOLIC ACID naman ay para sa pagiging handa at listo ng manok sa aktuwal na laban.
Ang Thunderbird Bexan-XP ay ini-ineksiyon sa pecho (pectoral muscles) ng mga manok na gagamitin sa breeding. Turukan sila ng 0.25 mL, 2 beses sa isang linggo, sa pagitan ng 3 araw.
Ang Thunderbird BEXAN XP ay doble ang B12 na tumutulong ng malaki sa maayos na sirkulasyon ng dugo na nagreresulta sa pamumula ng mukha, palong at lambi na siyang porma ng isang manok-panabong na nakakondisyon.
No comments:
Post a Comment