Ang katatapos lamang na Thunderbird Bexan XP – sponsored 2009 World Slasher Cup-2 8-Cock International Derby ay muling pinatunayan na ang World Slasher Cup ang talagang “toughest derby in the world” o pinakamatinding sabong sa buong mundo. At katuald ng pahayag ng may pasabaong na si Nene Araneta “It’s not over till it’s over”, naging final lamang ang resulta matapos ang pinakahuling sultada.
Ang entry na MTJ RSM Flash Bomba ni Marcel Julao, na may 3 puntos lamang galing sa semifinals ay nagtala ng 3 panalo at 1 tabla para sa kabuaang iskor na 6.5 points. Huli niyang nakalaban ang entry ni Sec. Ronnie Puno na Wildwing Sundance-2 sa Fight #57.
Matapos nito, pitong entry na may tig-6 na puntos ang nagtangka na makaiskor ng ika-7 puntos at maungusan ang MTJ RSM Flash Bomba subalit lahat sila ay nabigo. Ang pitong entry ay ang Dominator Mapalad ng mangpinsan Gerry Escalona at Patrick Puno; RAMMS ONIPAA ng Amerikanong si Mike Formosa, Butch Cabral at Rey Flores; Wildwing Sundance-2 ni Sec. Ronnie Puno; Karamba Ralph ni Remy Medrano; JPA Legal Eagles AKI ni Atty. H. Cappuchino; Super Dave San Lorenzo ng Thunderbird endorser na si Sonny Lagon (kasama si Kenneth Cigar) at ang AS JU Alashi ni Allan Siaco at James Uy.
Tinangka din ng isa pang Thunderbird Winning Team member na si Dr. Boy Tuazon ng Chicka Babe Balasa Max na pantayan ang 6.5 points ng MTJ RMS Flash Bomba, subalit tinalo ito ng entry na Nine Dragon sa Fight#62.
Sa huli, ang iskor na 6.5 ng MTJ RSM Flash Bomba ay naging sapat na upang ma-solo ni marcel Julao ang korona. Si Julao ay isang regular na kalahok at palagiang umiskor ng maganda sa World Slasher Cup sa nakaraang linmang taon. Siya ang nagbibi-breed ng kanyang mga inalalabang manok-panabong sa kanyang farm sa Lipa City. Siya rin mismo ang nagkukundisyon at nagtatari ng kanyang mga panlaban.
“Inabot ng 16 taon (31 pagtatanghal ng World Slasher Cup) bago muling may naka-solo champion na 6.5 point lamang ang iskor”, may pagmamalaking ipinahayag ni Nene Araneta, habang ipinagdidiinan kung gaano talaga kahirap ang manalo ng isang World Slasher Cup. Si Peping Ricafort ng PTK Country Road entry ang unang gumawa ng ganoon noong 1993.
No comments:
Post a Comment