Thursday, January 29, 2009
2009 WORLD SLASHER CHAMPIONS
(From top - down) - Rodel Costales co-owner of Spoiled sa Amo entry; the CUCAMONGA team with owners Jorge Torres & Cong. Claude Bautista of Davao; the SPOILED SA AMO team of Rodel Costales & Benson Chua and the MJRG team of Rolly Gabon of Naga City and Joe Carcillar, Marti Barla & Robert Te of Dipolog City
3 ENTRIES UPSET THE STARS TO
SHARE 2009 WORLD SLASHER CROWN
The grandest edition ever, held for the first time in five days leaving the customary 3-day format and the biggest with a record participation of 207 entries…closed with three unlikely entries all scoring 7 points each to share the crown of the 2009 World Slasher Cup 8-Cock Invitational Derby at the Araneta Coliseum, hosted by Pintakasi of Champions and sponsored by Thunderbird Bexan XP and Thunderbird Platinum.
The January 24-finals proved to be a day for the dehados with dark horse entries able to hold their grounds against tougher and more popular opponents. Two of the three have already revealed that they are loyal users of Thunderbird products.
The entry MJRG put up by a group of four Pinoy cockers based in Chicago, Illinois (where new U.S. President Barack Obama comes from) was the first to score 7 points in Fight # 107 against Atty. Ed Moreno’s EM-Summit JH –MI. The MJRG team is composed of Bicolano Rolly Gabon (a.k.a Zoe Rei in sabong.net.ph) from Naga City and Martin Barla, Joe Carcillar & Robert Te (a.k.a foxtrap) – all from Dipolog City and members of the Zamboanga del Norte Gamefowl Breeders Association, who pooled in their ace cocks to be able to compete in the WSC for the first time. The Dipolog based chickens were the ones entered for the elims and semi-finals, while the Naga-bred birds were fielded in the championship. Each rooster is locally bred – offspring of different Sweater strains crossed to Hatch, Yellow-legged Claret, Roundhead and Cardinal Kelso with one of those fought during the semis being a straight Leiper Hatch.
In Fight #107, entry Alexis Farm – Germany of German Thomas Mischkus was also going for 7 points, but lost to Yellow Rose – San Lorenzo of Americans Wilbert LeBlanc & Richard Harris – both from Lousiana, but, since three years ago have established a farm in Bgy. San Lorenzo, San Pablo City. The win placed Yellow Rose – San Lorenzo (now with 6.5 points) in a position to take solo victory. Unfortunately, the duo vowed to Allan Siaco & Dong Chung’s AS-PA-DC entry in its championship fight.
In Fight # 121, entry Spoiled sa Amo of Rodel Costales a.k.a. RC Amoyong and Benson a.k.a. swallow, lorded it over EYB Sabong Sports of Elmer Baccud & Ampil Bros. for its 7th point and a share of the title. He reportedly used some Sweater Roundhead crosses.
Then, in Fight #125, California-based Jorge Torres, in partnership with former Davao Congressman Claude Baustista with their bet Cucamonga (only had 3 points going into entering the finals) prevailed over the entry JET CAT of T. Quiwa, J. Zaparte and E. Alfafara for win no. 7 and be crowned co-champion. Cucamonga reportedly unleashed Kelsos-Sweater crosses.
================================================================================
3 ENTRY KAMPIYON SA 2009 WORLD SLASHER CUP
Ang pinakamarangyang edisyon sa lahat na ginanap sa loob ng limang araw – kaiba sa nakaugaliang 3-araw na format at pinakamalaki sa naitalang 207 na kalahok…ay nagtapos kung saan tatlong di inaasahang entry ang kapwa umiskor ng tig-7 puntos upang paghatian ang korona ng 2009 World Slasher Cup 8-Cock Invitational Derby sa Araneta Coliseum, handog ng Pintakasi of Champions at itinaguyod ng Thunderbird Bexan XP at Thunderbird Platinum.
Ang Enero 24-finals ay naging araw ng mga dehado matapos mapanatili ang katatagan at malampasan ng mga di kilalang lahok ang mga mas sikat na mga lumaban sa kampeonato.
Ang entry na MJRG na binuo ng grupo ng apat na Pinoy sabuingero na nakabase sa Chicago, Illinois (kung saan galing ang bagong U.S. President Barack Obama) ang unang nakaiskor ng 7 puntos sa Fight # 107 kalaban ang kay Atty. Ed Moreno na EM-Summit JH –MI. Ang MJRG team ay binubuo nina Bicolano Rolly Gabon (alias Zoe Rei sa sabong.net.ph) mula sa Naga City kasama sina Martin Barla, Joe Carcillar & Robert Te (alias foxtrap) –kapwa mga taga Dipolog City at kasapi ng Zamboanga del Norte Gamefowl Breeders Association, na pinagsama-sam ang kanilang mga pambatong tinale upang makabuo ng lahok sa WSC sa unang pagkakataon.
Ang mga tandang galing Dipolog ang ipinangtapat sa eliminasyon at semi-finals, samantalang ang galing Naga naman ay ibinitaw sa kampeonato. Ang bawat manok na inilaban ng grupo ay mga anak ng iba-ibang lahi ng Sweater strains na inilahi sa Hatch, Yellow-legged Claret, Roundhead at Cardinal Kelso. Isa sa mga nananlo sa semis ay purong Leiper Hatch na linyada.
Sa Fight #107, ang entry na Alexis Farm – Germany ng Aleman na si Thomas Mischkus ay pa-7 puntos din, subalit natalo sa Yellow Rose – San Lorenzo ng mga Amerikanong sina Wilbert LeBlanc & Richard Harris ng Lousiana, pero, tatlong taon ng nagbi-breed ng manom sa Bgy. San Lorenzo, San Pablo City. Ang nasabing panalo ay naglagay sa Yellow Rose – San Lorenzo (nagyon ay mayroon ng 6.5 points) sa posisyon na maari nilang masolo ang korona, saubalit minalas sila sa kanilang labas sa entry na AS-PA-DC ni Allan Siaco at Dong Chung.
Sa Fight # 121, ang entry na Spoiled sa Amo ni Rodel Costales alias RC Amoyong at Benson alias swallow, ay namayani laban sa EYB Sabong Sports ni Elmer Baccud & Ampil Bros. para sa ika-pito nitong puntos at parte sa kampeonato. Ayon sa report, ang inliaban ng Spoiled sa Amo ay mga Sweater Roundhead crosses.
Matapos nito, sa Fight #125, ang California-based na si Jorge Torres, katambal si dating Congressman Claude Baustista ng Davao, sa pamamagitan ng kanilang Cucamonga entry (may 3 puntos lamang pagpasok sa finals) ay wagi laban sa JET CAT nina T. Quiwa, J. Zaparte and E. Alfafara for para sa ika-7 panalo at bilang co-champion. Ang Cucamonga ay gumamit umano ng mga Kelso-Sweater crosses.