Matapos na makumpleto kagabi ang listahan ng mga maglalaban para sa kampeonato, handang-handa na ang pinakahihintay na pagtatanghal ng finlas ng record-breaking 2009 World Slasher Cup 8-Cock Invitational Derby na nilahukan ng 207 entry – pinakamalaki sa lahat.
Handog ng Pintakasi of Champions, ang 5-araw na cocking Olympics ay itinataguyod ng Thunderbird Platinum at Thunderbird Bexan XP. Ang sinuman derby fan ay maaring makapapasok at makapanood ng libre kung may madadala siyang tig-isang basyo ng Bexan at Platinum sa Red Gate.
Habang sinusulat ang balitang ito ay ginaganap pa ang ikalawang araw ng semis. Samantala, ang unang araw ng semifinals ay nagresulta ng apat na 4-pointers, 4 na may 3.5 points at 12 na may tig-3 panalo at 1 talo.
Nangunguna sa lahat ang dating Mayor ng Passi City, Iloilo na is Jezry Palmares (kapartner si T. RaƱola) na umiskor ng 4 pts. sa kanyang entry na Cherokee Archangel at 3.5 pts. sa JP Cherokee Kumul.
Matindi rin ang ipinakita ang ipinakita ng mga lahok nila German Thomas Mischkus (Alexis Farm – Germany), Max Roxas (Paniqui Max Feb 22 5-Cock) atn Cuello/Gov. Plaza (EPJC Public Demand) na kapwa nagtala ng tig-apat na panalo.
Samantala, ang pambatong endorser ng Thunderbird na si Sonny Lagon gamit ang kanyang sikat na linyada ng mga Sweater ay nakapalista ng 6 na panalo, 1 tabla at 1 talo matapos ang 8 laban sa pamamagitan ng kanyang mga entry na Aquarius Blue Blade Farm SPC at Team Blue Blade Farm SPC.
May tig 3.5 puntos din sina Atty. H. Capuchino (JPA Happy Birthday Kid Aki) at the team of Wilbert LeBlanc & Richard Harris (Yellow Rose –San Lorenzo).