Kabilang ang 10 walang-talong (tig-4 puntos); 6 na may tig-3.5 puntos at 31 na may tig-3 panalo, isang matinding labanan ang mapapanood sa finals ng 207-entry 2009 World Slasher Cup 8-Cock Invitational Derby na raratsada ngayon sa Araneta Coliseum simula ng ika-11 ng umaga kung saan mahigit 100 kapana-panabik na suktada ang nakalinya.
Handog ng Pintakasi of Champions, ang 5-araw na sabong Olympics ay sa pakikipagtulungan ng Thunderbird Platinum at Thunderbird Bexan XP. Ang mga backyard breeders ay inaanyayahan dumalo sa Thunderbird Bigtime Seminar na gaganapin mula ika-8 ng umaga sa Mandarin Oriental Suites, 4th Level, Gateway Mall sa Araneta Center tampok ang mga pangunahing Thunderbird endorsers at si Dr. Teddy Tanchangco bilang mga guest speaker. Ang mga naisd dumalo ay magdala lamang ng tig-isang basyo ng Platinum at Bexan XP.
Nangunguna si Jezry Palmares ng Iloilo (kasama si T. RaƱola) na umiskor ng 4 pts. sa kanyang entry na Cherokee Archangel at 3.5 pts. sa ikalawa - JP Cherokee Kumul.
Pinantayan an gang iskor ni Palmares ng tambalan Ricky Reyes & Wilson Ong sa pamagitan ng kanila Rian Octagon Oliver WORR (4 pts) at Rian Octagon Tienvo HNRR na may 3.5 pts.
Samantala, isang kasaysayan na naman ang napipintong maganap kapag ang sabungera na si Ms. Osang dela Cruz (Gold Quest Champions) na mayroon din 4-0 nalo-talo na kartada, ay masungkit ang titulo.
May tig-4 na panalo din sina German Thomas Mischkus (Alexis Farm – Germany), Max Roxas (Paniqui Max Feb 22 5-Cock and Jun Cuello/Gov. Plaza (EPJC Public Demand). A. Mangubat (AJM-I); Noli Gabon (MJRG); Elmer Baccud/Ampil Bros. (EYB Sabong Sports) at Rodelio Costales (Spoiled sa Amo).
Nagbabanta naman ang mga lahok na may tig-3 panalo at 1 tabla na pinangungunahan ni Thunderbird top endorser Sonny Lagon Aquarius Blue Blade Farm SPC gamit ang kanyang mga Sweaters; Atty. H. Capuchino (JPA Happy Birthday Kid Aki); Edmund Yasay/Atty. Ed Moreno (EM –Summit JH-MI) at ang tambalan Wilbert LeBlanc & Richard Harris (Yellow Rose –San Lorenzo).