Thursday, January 22, 2009

WORLD SLASHER CUP SEMIS NGAYON SA BIG DOME

Si Mayor JB Bernos na kumopo ng 4 na panal sa 4 na laban sa ikalawang araw ng eliminasyon noong nakaraang Mierkules ng ginaganap na 2009 World Slasher Cup 8-Cock Invitational Derby sa pamamagitan ng kanyang mga lahok na Island Red and Bulldog, ang mangunguna sa ikalawang grupo ng mga semifinalists na maglalaban sa pagpapatuloy ngayon ng prestihiyosong pambato ng Araneta Coliseum simula ika-2 ng hapon.

“Dito malalaman kung sino ang makakapasok at kukumpeto sa litahan ng mag maglalaban sa kampeonato”, pahayag ni Manny Atacador ng Araneta Center.

Ang newspaper executive at Thunderbird Power Feed star na si Rey Briones kasama si Butch Pichay (Pitchay Spartans I & II and White Spartans) ay nagpamalas din ng galing sa pagtatala ng 4 na panalo sa 6 na sultada, samantalang ang iginagalang na breeder na si Boyet Plaza ng Agusan del Sur ay nagtala ng 2 puntos sa isang entry at 1.5 puntos sa isa pa. Kapwa sila mga liyamado sa nakatakdang 85-sultadang aksiyon.

Handog ng Pintakasi of Champions, ang 5-araw 207-entry na paligsahan ng mga pinakamagagaling na lahi ng manok-panabong sa buong mundo ay inisponsor ng Thunderbird Bexan XP and Thunderbird Platinum. Ang sinuman derby fan ay maaring makapapasok at makapanood ng libre kung may madadala siyang empty pack ng Bexan at Platinum sa Red Gate.

Wala din talo ang mga entries na Thunderbird IV (Nene Araneta AJM – I (A. Mangubat), Longshore Chief (Celso Evangelista), Vice Ian Sublimity (D. Halili), EM Summit JH-MI (Edmund Yasay), EYB Sabong Sports (Elmer Baccud/Ampil Bros.), S-M-L-XL (Gerry Ramos), Binangonan T. Bird (Gov. Ito Ynares), Cucamonga (J. Torres/C. Bautista), Zabong Balck Cobra II (JV Magsaysay), Kristina Tete (Kano Daniel), MJRG (Noli Gabon), Gold Quest Champions (Osang dela Cruz), Spolied Sa Amo (R. Costales), Artnis Master LC (Raymond Velayo), R. Renegade (Rene Medina), Rian Octagon Oliver WORR (Ricki Reyes/Wilson Ong, TMP Junlip (Tady Palma), JPE Thunderbee Riverview (Art de Castro), EL Peligroso (Bagay Bros.) at Thunderbird star defending Slasher champ Cito Alberto.

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER