SONNY LAGON NG THUNDERBIRD UNA SA 80-FIGHT WORLD SLASHER SEMIS NGAYON SA ARANETA
Ang pambato ng Thunderbird na si Sonny Lagon at ang kanyang sikat na Blue Blade Sweater na linyada ang mangunguna sa laban ng mga Pinoy sa 80-sultadang semifinals ngayon sa makasaysayan 207-entry World Slasher Cup 8-Cock Invitational Derby sa Araneta Colisum. Ang dalawang lahok ni Lagon (Aquarius Blue Blade Farm SPC & Hawaiian Cigar SPC – II) ay namayani sa mga kalaban nito noong nakaraang Lunes ng unang magbukas ang Slasher, samantalang ang mga Kano na sina Wilbert LeBlanc & Richard Harris (Yellow Rose San Lorenzo) ng Louisiana ay nagpakitang-gilas din upang itayo ang bandila ng mga dayuhan.
Kapwa matitindi din ang ipinamalas ng Aleman na si Thomas Mischkus (Alexis Farm – Germany), ; R. Mook kasama sina C. Torres & Wilvin Sy (JLW 5566), Nene Araneta (Thunderbird – II Hatchet), at ang “Pampamga’s best” Jomar Hizon (Jo Gary Joe – I & Jo Gary Joe - II).
Handog ng Pintakasi of Champions, ang 5-araw na international derby ay iniisponsor ng Thunderbird Platinum at Thunderbird Bexan XP. Ilalatag ang 80 mahahalagang sultada na sisipa magmula ika-2 ng hapon.
Maaring makapanood ng libre ang sinuman na makakapagdala ng 1 basyo ng Thunderbird Bexan XP at 1 empty pack ng Thunderbird Platinum.
Mga umiskor din ng 2 panalo sa 2 laban din sina Atty. A. Astorga – (Steve Paningkamot) B. Evangelista (BJ Tagle Spl.), Dong Chung & Allan Siaco (DC AS PA Liberty), Boy Lechon (D’Buen – I), Gen. Marino Filart (ETM/MLF Kingfisher), Gengen Arayata (Agilahas), Nene Araneta Jun Cuello/Gov. Plaza (EPJC Public Demand), Atty. Jun Mendoza (Lucky Charm), Max Roxas (Paniqui Max Feb 22 5-Cock, Boy Lechon/Patrick Antonio (PABL Sagupaan Mitefree), J. Melendrez/R. Peñalosa (Wildfoot) pati na ang sikat na breeder ng Iloilo na si Jezry Palmares & T. Rañola (Cherokee Archangel).
Ang semis naman ng mga naglaban kahapon na ikalawang batch ng entries ay gagawin bukas, Enero 22.