"Thunderbird Bexan XP , Panalo" - Engr. Sonny Magtibay
Ang mapanalunan ang 2,417-entry Bakbakan 10-Stag National Derby ay mahirap kahit isipin lamang at ang makopo ang kampeonato ng 240-entry 2010 World Slasher Cup 8-Cock International Derby ay isang bagay na sa maraming mananabong ay mananatiling panaginip lang, subalit ang 33-anyos na si Electrical Engineer Sonny Magtibay ay nagawa ang imposible – nasungkit niya ang dalawang prestihiyosong titulo sa loob lamang ng 50 araw. At mula sa pagiging isang di kilalang sabungero, si Magtibay ngayon pinakamainit na paksa sa mga kuwetuhang sabungero sa bawat sulok ng bansa.
Ang lahok ni Magtibay na, RM Red Cobra Farm, ay umiskor ng perpektong 8 panalo sa 8 laban upang madomina ang pinakamalaki at pinakamatinding pagtatanghal ng World Slasher Cup sa kasaysayan.
Sa pagbisita sa kanyang manukan noong nakaraang Mierkules bago pa ang nakatakdang panayam sa kanya ng number-1 sabong tele-magazine program na Tukaan, ipinagmamalaking ipinahayag ni Magtibay na malaking bahagi ng pagkukundisyon ng kanyang mga manok ang Thunderbird Bexan - XP.
"Gumagalaw ng maganda ang mga manok ko kapag naka-Thunderbird Bexan XP" - pahayag ni Magtibay.
"Thunderbird Bexan XP, panalo" - dadag pa ni Engr. Sonny.
Ang Thunderbird BEXAN XP ay ang kauna-unahang injectable B-complex vitamins na pinatibay ng liver extract na mayaman sa Vit. B12 at folic acid para sa matinding lakas-panlaban. Ang LIVER EXTRACT ay para sa kondisyon ng dugo, samantalang ang FOLIC ACID naman ay para sa pagiging handa at listo ng manok sa aktuwal na laban.
Ang Thunderbird Bexan-XP ay ini-ineksiyon sa pecho (pectoral muscles) ng mga manok na gagamitin sa breeding. Turukan sila ng 0.25 mL, 2 beses sa isang linggo, sa pagitan ng 3 araw.
Ang Thunderbird BEXAN XP ay doble ang B12 na tumutulong ng malaki sa maayos na sirkulasyon ng dugo na nagreresulta sa pamumula ng mukha, palong at lambi na siyang porma ng isang manok-panabong na nakakondisyon.
No comments:
Post a Comment