Monday, July 23, 2007

PUERTO RICO, PUMALAG

Remate (July 21, 2007)
SENYALES by Rolando S. Luzong

PUERTO RICO, PUMALAG

Matapos na maipatigil ang sabong sa 49 states ng America at matalo pa rin ang mga sabungero ng Lousiana kung saan sinasabing hindi mawawala ang sabong (Hanggang August 2008 na lang magiging legal ang sabong sa Louisiana), ang mga anti-cockfighting forces ay nakatuon naman ang kampanya ngayon sa Puerto Rico na isang U.S. territory.

Napakalalim sa kultura ng mga Puerto Rican ang sabong na para sa kanila ay isang tradisyon na hindi maaring itigil at isang malaking negosyo na pinagkukunan ng ikinabubuhay ng maraming mamamayan. Kaya nga nagsiguro na ang lehislatura ng nasabing bayan at kalian lamang ay nagpasa sila ng batas na nagdedeklara sa sabong bilang isang “cultural heritage” o “pamana ng lahi” na nangangahulugan din na hindi ito maaring maging illegal o laban sa batas.

Ito rin ang batas na matagal na natin na ipinapanukala sa mga kongresista na ating nakakasalamuha. Ang problema nga lang ay medyo umiiwas yata sila na makilalang protector ng sabong kaya hindi sila lumalantad at kaya hanggang ngayon ay wala pa tayong batas na kahalintulad ng naipasa nila sa Puerto Rico.

Ayon sa isang news report, umaabot sa 100,000 labanan ang ginaganap sa Puerto Rico taon-taon at tinatayong may 400 milyong dolyar ang benta ng ticket pa lamang. Kaya nga sinasabi ng maraming mamamayan na dapat pa nga ay i-promote ang sabong bilang tourist attraction.
Idinagadag pa na may 50,000 tao ang direkta o hindi man na umaasa ng kanilang ikinabubuhay sa sabong. Ayon sa Sports & Recreation Department ng nasabing isla, may 1.25 milyon na mga aficionado ang nanonood at nagbabayad ng tiket taon-taon na mas higit pa sa mga fans ng baseball games.
Muli po taong nananawagan ang inyong lingkod sa ating mga kongresista na pag-isipan po natin ang pagpapasa ng batas na nagdedeklara sa sabong na bahagi n gating kultura na hindi maaring ipatigil kailanman. Iyan po ay isang hamon, lalo na sa mga kongersistang sabungero.


REWARDS SYSTEM, TANGING PARAAN

Napaka-epektibo ng rewards system ng gobyerno ng magbigay ito ng pabuya sa sinuman makapagtuturo sa mga pinaka-pusakal na kriminal sa ating bansa. Maging ang kilabot na si Abu Sabaya ay naipagkanulo ng kanyang kasama dahil sa pangakong salapi.

Kung sa 10 Most Wanted Men ay nagtagumpay ang rewards system, sa magnanakaw ng manok pa kaya. Eh, alam naman natin na ang mismong mga nasa frontline na nagbubuwis ng kanilang buhay ay mga utusan lamang na maliit na parte lamang ang naibubulsa sa kabuuang kita , samantalang ang mga financers at masterminds ay nakataas ang paa habang humihitit ng sigarilyo at hinhintay ang dating ng mga makukulimbat.

Kung magkakasundo lamang ang mga breeders, sa pangunguna ng National Federation of Gamefowl Breeders, Luzon Gamefowl Breeders Association, Mindanao Gamefowl Breeders Ass’n, Negros Gamefowl Breeders Ass’n at iba pa na magbigay ang bawat isa ng tig-iisa o tig-dadalawang maayos at magandang sasabungin, madali silang makakaipon ng 2,000 tinale.

Ang mga manok na ito ay ibebenta sa isang grand auction at kung mabibili sa average na P4,000 bawat isa ay makakaipon agad ng P8,000,000. Ang halagang ito ang pagkukunan ng magsisilbing gantimpala para sa sinuman na makapagtuturo sa mga utak, tumutustos, nagbebenta, lugar ng bentahan at mga kasabawat sa nakawan ng manok.

Alam natin na malaki na ang operasyon ng mga Sako Gang at kailangan na rin ang isang pangkalahatang pagkilos upang mapigilan ang kanilang operasyon.

Gawin na atin ngayon ito upang mapaghandaan ang tag-ulan at ang paglaki ng mga manok na ating painagpaguran. Huwag na kayong maghintay at magpabaya, dahil lahat naman ay makikinabang sa proyektong ito.

Ilunsad ang Grand Auction upang malikom ang malaking halaga ng salapi upang maisakatuparan ang Rewards System upang matigil na ang nakawan ng manok-panabong.

Thursday, July 19, 2007

Remate (July 19, 2007)
SENYALES by Rolando S. Luzong

BERONG JAVELLANA – Sentenciador

Kung nakapapanood kayo ng malalaki at mga prestihiyosong mga pasabong, marahil ay nakita na ninyo si Berong Javellana. Si Berong ang kinikala, hanggang sa ngayon na pinakamagaling at pinaka-malinis na sentenciador ng sabong sa ating bansa.

Lumaki si Berong sa loob ng sabungan na pag-aari ng kanyang ama sa Bago City, Negros Oriental. Bata pa lamang si Berong ay nakahiligan na niya ang pagsesentencia at sa pamamagitan ng kanyang matalas na mata at liksi sa pagkilos at pagdampot ng magkatunggaling manok ay nakilala ang galing ni Berong. Kumalat at hinangaan si Berong at dumating ang panahon na para bang kulang ang kinang o ang pagka-bigtiem ng isang paderby kapag wala si Berong bilang sentenciador.

Marahil dala ng kasanayan niyang tumingin ng naglalabang-manok, alam agad ni Berong kung masama ang tama ng isang tinale at agad siayng nakakalapit at nadadampot ang papatay na amnok upani-carreo ang magkalaban at masentensyahan angd ang sultada.

Mula pa noong dekada-80 ay kinilala na ang galing at pagiging tapat ni Beron sa kanyang propesyon. Sa kasalukuyan, bagama’t may kaputiana na ang mga buhok, may katabaan at medyo mabagal na kung kumilos, nanunumbalik ang kabataan at bilis ni Beron kapag nasa gitna na siya ng nagpapaluang mga tinale.

Nang una kong isulat ang istorya ni Berong noong 1990 ay sianbi ko n asana ay dumami pa ang katulad niya, subalit tila mali yata ang tinalkbo ng panahon. Sa halip, tila iba yata ang minaster ng mga bagong sibol na sentenciador – ang kung papaano boblahin, tatakutin at babakalan ang mga entry owners upang maka-delihensiya ng malaking pera.

Anim na sentenciador ng isang malaking sabungan ang sabay-sabay na tinanggal dahil sa extortion sa mga participants . Magandang balita, pero ilan pa kaya ang hindi pa nabibisto.


MGA TIPS UPANG HINDI KA MADAYA NG SENTENCIADOR

Ayon kay Pareng Benfour Nadurata, ito ang ilang mga tips upang hindi ka malamangan pagdating sa sentencia.

1. Huwag mong pakakaryo o padadampot ang mga manok kung hindi naman dapat. Halimbawang nakalalamang ka sa pwesto (ipit yung kalaban mo ) at namamalo pa ito at sa tingin mong hindi pa napapatay ang kalaban.

2. Pakaryo mo kung kinakailangan kung sa tingin mong lamang na ang iyong manok at tila patay ( o bulag na dalawang mata ) na kalaban.


3. Hindi dapat kinakaryong hawak sa pitso, o babalukagan o kahit saang parte ang manok kung hindi rin lang sasabihin ng sultador kung saang parte niya ito dapat hawakan. Generally, sa likod lang dapat.

4. Alam mo dapat kung kelan ilalayo o ilalapit ang karyo. Depende ito sa sugat ng manok mo o ng kalaban mo.


5. Dapat sabay lang ang pag-angat ( pantay lang ) at pagbagsak ng mga ito.

6. Huwag ipababad ang karyo na parang hinihintay na gumanti pa ng tuka ang kalaban.

Madalas din natitigilan ang sentensyador (kahit hindi ito sinasadya minsan ) at tila napasarap na sa panonood. Alisto ka sa ganito.

Thursday, July 12, 2007

Remate (July 12, 2007)
SENYALES ni Rolando S. Luzong

WALA – MERON

Madalas na me nagtatanong sa akin, sabungero man o hindi, kung ano ang ibig sabihin ng WALA at MERON na senyas sa magkabilang dulo ng ruweda. Mabuti po siguro ay talakayin natin sumandali ito.
Noong araw ang isa sa dalawang nagbibitaw ng magkalaban manok isang sultada ay nilalagyan ng sumbrero sa ulo upang maipaalam sa mga nanonood kung alin manok ang may mas malaking pusta o parada. Ito ay upang matiyak din ng mga pumapago kung saan sila nakapusta.
Ayon sa aking kumpare na si Fred Canumay, beteranong empleado ng maraming sabungan pati na sa Teresa Square Garden noong araw, ay noong mga huling taon ng dekada-70 nang unang ipatupad ang WALA-MERON at ang unang nag-implementa ng WALA-MERON at nag-alis ng sumbrero ay si Demy Flores na kinilala sa kanyang galing magpasabong.
Bagama't kahit sa Bisaya ay matagal na rin ginagamit ang mga senyas na AGAO-BIYA ay sumisigaw pa rin ang mga kristo ng MAY KALO at WAY KALO na ang ibig sabihin ay “may sumbrero” at “walang sumbrero”.
Isang panuntunan na ang manok na may malaking pusta ang siyang nasa MERON at ang pinapapaguhan naman ang nasa WALA.
Maliban sa paglalagay ng WALA-MERON ay kinailangan na din na may ilaw ang mga senyas na ito na kung nakabukas ang ilaw ay nagsasaad na ito ang llamado at ito ang itinatawag. Meron din naman pagkakataon na parehong nakabukas ang ilaw ng WALA at MERON kung ang magkalabang manok ay parehong itinatawag o sadyang patas ang dami ng mga nanonood o namumusta na panig sa MERON at gusto sa WALA.
Samantala, kahit na sabihin na ang ang panuntunan ay nasa MERON ang mas malaki ang pusta, me mga pagkakataon din na ang manok na may maliit na pusta ay nalalagay sa MERON. Dito pumapasok ang negosyo ng sabungan o nang llamador.kung halimbawa ay pangit ang manok na may malaking parada samantalang ubod naman ng ganda at kilala ang manok na may maliit na pusta. Ang ginagawa ng ibang mauutak na mga llamador ay ilalagay sa MERON ang may maliit na pusta at pagkatapos ay papapaguhan pa ang manok na may mataas na parada. Sa ganitong paraan ay nakakasiguro ng panalo ang llamdor kahit wala siyang puhunan.
Kung P110,000 ang parada ng pangit na manok at P33,000 lamang ang maganda at kilalang manok ay ilalarga na ito ng llamador. Dito ay lumalabas na nakapusta siya sa MERON ng P77,000. Kapag naliyamado na ang MERON sasahod ang llamador sa WALA. Kung halimbawa ay sampu-anim ang logro pwedeng isahod ang P60,000. Kapag nanalo ang MERON, kakabig ng P70,000 (bawas na ang plazada) at pagkatapos ay magbabayad ng P60,000 kaya may matitira na P10,000. Kapag nanalo naman ang WALA ay kakabig ng P100,000 at magbabayad ng P77,000 kaya may matitirang P23,000. Kahit sino manalo, kita ang llamador kahit walang puhunan. Dito rin naman nadidisgrasya o nasasabit ang llamador dahil kung hindi ma-llamado ang iniligay niya sa MERON na maliit ang parada ay magkukumahog naman siya na maipusta agad sa parehas ang dala-dala niyang pusta. Sa ganitong sitwasyon, abono ang llamador kahit sino ang ang manalo.
Kaya kung maliit ang pusta n'yo at ilagay kayo sa MERON ng llamador, alam n'yo na kung bakit. Maliwanag?


KALISKIS-PALAYOK

Apatan ang paraan nang pagbibilang sa kaliskis ng manok mula panggitnaang daliri hanggang tapat ng tahid. May katapat na kahulugan ang bawat bilang na 1-2-3-4. Kung ano ang huling kaliskis na tumapat sa tahid, iyon ang kargada o birtud na dala ng isang manok.

Ganito ang kahulugan ng bawat numero o bilang. Uno-ginto; Dos-pilak; Tres-kampit o patalim; Kuwatro-palayok.

Karaniwang bilang ng kaliskis na tumatapat sa tahid ay 26, 27, 28, 29, 30 at 31. Kung numero 26, pilak o pera ang ibig sabihin nito. Kung 27, kampit o patalim ang galing na taglay. Mahusay sa panalo ang dala ng ganitong senyales. Kung 28, palayok o dapat lang katayin ang manok dahil walang galing na ibubuga. Kapag 29 naman, ginto o malaking karangalan ang ibinabadya ng kaliskis na ito. Ang 30 ay pilak at ang 31 naman ay kampit.

Sa ganitong punto, ibig kong pansinin ang bilang na 28 o tinatawag na kaliskis-palayok sa kaliwang paa ng manok. Kamatayan ang dala nito dahil sa petsa 28 ng ipapatay ni haring Herodes ang mga sanggol sa Betlehem sa pagtatangkang lipulin ang mga batang inaakalang kinabibilangan ni Hesukristo na hinulaang hahalili sa kanyang paghahari.

Kung ang bilang ng kaliskis ay parehong 28 sa magkabilang paa, maaaring sumikat ka kung marunong kang magdala nito sa laban. Mag-ingat sa pagpili ng kalaban. Maaring patayin ng 28-28 na senyales ang makakaenkwentro pero may panganib na iwanan o ayawan nito ang kalaban. Hindi ito tutuka sa kareo. Tabla o talo sa laban ang ganitong manok. Kumbaga sa tao, naghuhugas ng ng kamay pagkatapos magdesisyon. Tumatanggi o umaayaw at nagdadalawang-isip. Ganyan ang senyales na 28-28 o kaliskis-palayok.

Kapag nakatagpo ng ganitong senyales at naipanalo sa unang laban, asahang mananalo pa sa mga susunod niyang laban ang nasabing manok.

Halaw sa Roosterman ni Totoy de la Cruz


http://sabong-news.blogspot.com/

Doon po sa mga nais mabasa ang mga nakalipas kong mga artikulo at columns, inaanyayahan ko po kayo na bisitahin ang aking blog sa http://sabong-news.blogspot.com/ at doon ay makikita n’yo ang mga write-ups ko Sa mga may nais naman pong ipaabot na mga mensahe o pabati, maari po ninyo akong padalan ng e-mail sa rluzong2000@gmail.com

Kung tungkol naman po sa tv program na Hataw Pinoy, maari po kayong mag-email sa hpinoy@gmail.com

GET WELL SOON sa katambay na si Potpot Antonio na na-confine sa Delgado Hospital dahil sa trangkaso> Pagaling ka na at birthday mo na sa Linggo, kaya kakantahan na rin kita ng (ave maria tune) “Hapi, hapi, hapi birthday to you, hapi, hapi , hapi birthday to you”.

Tuesday, July 10, 2007

click on this link to view HATAW PINOY > http://youtube.com/profile?user=1HATAWPINOY


Bandera (July 11, 2007)
HATAW PINOY ni Rolando S. Luzong

http://sabong-news.blogspot.com/

Doon po sa mga nais mabasa ang mga nakalipas kong mga artikulo at columns, inaanyayahan ko po kayo na bisitahin ang aking blog sa http://sabong-news.blogspot.com/ at doon ay makikita n’yo ang mga write-ups ko Sa mga may nais naman pong ipaabot na mga mensahe o pabati, maari po ninyo akong padalan ng e-mail sa rluzong2000@gmail.com

Kung tungkol naman po sa tv program na Hataw Pinoy, maari po kayong mag-email sa hpinoy@gmail.com

AYOS KA CONDES

Ang nai-feature po natin sa Hataw Pinoy noong June 31, 2007 na si Florante “Little Pacquiao” Condes ay binabati natin sa kanyang pagkakasungkit ng World IBF Mini-Flyweight Championship noong nakarang araw ng Linggo. Nakilala po natin si Condes sa pamamagitan ni Atty. Joey “Tagapo” Mendoza, isang isinagalang na sabungero na siyang bida sa Hataw Pinoy segment na “Rules of the Game” at nagsasabing “parerhas na laban, ipaglalaban.

Kay Condes, Manager Aljoe Jaro at Atty. Mendoza, tandaan n’yo lucky charm ang magpainterview sa Hataw Pinoy bago ang laban, kaya dapat lang na magpa-interview kayo sa amin bago kayo muling umakyat sa ruweda.

Siyempre binabati din natin ang isa pa nating kampiyon na nagwagi ilang oras lang matapos ang tagumpay ni Condes, ang bagong IBF World Flyweight Champion na si Nonito Donaire na nagpatikim ng unang pagkatalo sa sikat na si Vic Darchinyan.

RGBA GENERAL MEMBERSHIP SEMINAR


Tumawag po sa akin ang pangulo ng Rizal Gamefowl Breeders Association upang ipaabot na ang nakatakdang RGBA Gamefowl Management Seminar ay gaganapin sa Biyernes, July 20 sa Manolo M. Lopez Development Center sa Antipolo City.

Ang mga naimbitahan speakers ay sina Jezry Palmares, Lancey de la Torre at Edwin Aranez na magbibigay ng kanilang mga kaalaman at karanasan sa pagpapalhi ng manok-panabong.

Ang sinuman sa 143-members ng RGBA na dadalo ay walang babayaran subali’t ang mga hindi kasapi ay kailangan magbayad ng P300.
Bandera (July 8, 2007)
HATAW PINOY ni Rolando S. Luzong

COCKERS’ DIRECTORY

Problema n’yo ba kung paano makontak ang mga paborito ninyong mga breeders ng sasabungin-manok. O kaya ay may hinahanap kayo na bloodline at gusto n’yong malaman kung sino ang breeders na meron nito. Katulad ng ginagawa ng Hataw Pinoy (Sundays 10a.m. – 11:00 a.m. IBC-13) kung saan ina-announce namin ang contact numbers ng aming mga iniinterview, ganun din po ang naisip ng dalawang magkaibigan na nag-umpisa ng http://www.gamefarmdirectory.com

Ang pambungad na mensahe sa nasabing website ay ganito ang isinasaad :

“Welcome to Cockers’ Directory site. This site was founded by chance as two cocking enthusiasts met in a public cocker’s forum. Joel Nilo and Mon Santos, while posting in the forum, realized that they both had the same problem. They usually found listing of cockers’ or breeders’ sites in forums, but would have to constantly dig them up, as posts which are more recent would continually build up. From this simple but tedious problem, Joel and Mon’s conversation took a deeper turn. The result: Cockers’ Directory Website”

Kasalukuyang nilalaman ng nasabing website ang 251 gamefarms sa Pilipinas; 70 sa Amerika; 13 sa Mexico; 4 sa Puerto Rico at 2 sa Peru. Ang Philippine-based gameframs ay pinangungunahan ng Sonny Lagon’s Blue Blade Game Farm www.blue-blade.com at iba pang magagandang manukan.

Bisitahin po n’yo ang http://www.gamefarmdirectory.com at siguradong mag-eenjoy kayo.


HATAW PINOY NGAYON

Nakalinya po ngayon sa Hataw Pinoy (IBC-13 10 a.m.) ay sina Engr. Moises Almuete at ang Vizcaya-Ifugao Gamefowl Breeders Association, si CVGBA Breeder of the Year Randy Moreno ng Solano, Nueva Vizcaya, Kit Sendino ng Iloilo; Pol Garden ng Marikina at Mayor Bobby Turingan ng Enrile, Cagayan

CONGRATULATIONS to Cong. Ompong Plaza of Agusan del Sur and wife Shirley who are off to London to attend the graduation of their daughter Ysabel.
Remate (July 7, 2007)
SENYALES by Rolando S. Luzong

HUMATAW SI CONDES

(click the link to watch Condes’ fight) http://video.google.com/videoplay?docid=-8333411705282936509&q=florante+condes&total=1&start=0&num=10&so=0&type=search&plindex=0

Ang ipinalabas po natin sa Hataw Pinoy na si Florante “The Little Pacquiao” Condes noong June 31 ay nagwagi noong nakaraang araw ng Linggo laban kay Mohammed Rachman ng Indonesia upang tanghalin na “the only legitimate Filipino world boxing champion” sa kasalukuyan. Matatandaan na ang titulo ni Manny Pacquiao ay Peoples’ Champ lamang na isang bansag lamang bilang papuri sa kanyang gaing.
Nakunan ng Hataw Pinoy ng panayam si Condes at ang kanayang manager an si Aljoe Jaro ng bumisita sila sa Blue Mountain Sports Cockpit Arena sa Antipolo upang kausapin ang kanilang abogado na si Atty. Joey “Tagapo” Mendoza. Nang mga oras na ‘yun ay nagsu-shooting kami para sa segment ni Atty. Mendoza na Rules of the Game.
Talagang bagay na tawagin “The Little Pacquiao” si Condes dahil una ay maillit siya (min-flyweight); ikalawa kaliwete din siya; ikatlo – matindi ang knayang knock-out power dahil 20 sa 22 panalo niya ay tulog ang kalaban at ang pinakamating dahilan ay medyo may hawig siya kay Manny.
Bagama’t di (pa) sabungero si Condes na taga-Romblon ay certified cocker naman ang kanyang abogado at mahilig naman ang kanyang manager na taga-Jaro, Iloilo kung saan naroon ang Iloilo Coliseum na pinagdarausan ng taunang Candelaria derby.
Kay Condes, congratulations. Sana ay marating mo o malampasan pa ang narating ni Pacman. Mabuhay ka.

P15M NAKATAY SA BAKBAKAN 2007

Makaraang mabisita ang mahigit sa 1,400 na gamefowl farms at makapag-band ng 126,000 cockerels, handang-handa na ang 2007 edition ng taunang Bakbakan National Stag Derby.

Kung noong isang taon ay 9-stag ang labanan, ang 2007 edition ay 10-stag derby na po ang Bakbakan. Ang elimination ay 3-stag; ang semis ay 3-stag at ang championship ay 4-stag. Dahil dtto sa bagong format ay sinasabi na magakakasolohan ang resulta sa championship.

Kung talagang isa lang ang magkakampiyon, napakabuenas niya dahil para na rin siyang tumama sa lotto. Mantakin n’yo P8,000,000.00 ang maiuuwi ng champion. Kung sobra sa isa ang magkakampiyon, maghahati-hati sila sa P8 million.

P15,000 lamang po ang entry fee at ang minimum bet naman ay P5,500 lamang. Ang magkakamit ng runner-up honors ay tatanggap ng-P300,000, para sa makaka-9 points naman ay maghahati sa P1.5 million, samantalang ang maka-8 points ay magpaparte sa P3 million.

Upang mabigyan ng halaga ang makaakalampas sa eliminations at hindi pa rin matatalunan ng manok sa semifinals ang lahat ng maka-straight 6 wins mula sa fight no. 1 hanggang sa ika-6 n’yang laban ay pinaglaanan ng P2 million.

Ang Bakbakan ’07 ay mag-uumpisa sa Batac Cockpit ni Mayor Jess Naluta para sa mga kasapi ng United Ilocandia Gamefowl Breeders Association sa October 19 at matatapos naman sa championship na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Nov. 27.

Sinasabi nila NFGB President Ricoy Palmarez, na 1,500 ang estimated nilang dami ng entries para sa taong ito , pero sinagot ko siya na ang ‘fearless forecast’ ko ay mahigit sa 2,000 entries ang aabutin ng bilang ng sasali sa 2007 P15M Bakbakan 10-Stag National Derby.

HAPPY BIRTHDAY to my kumpare Marikina City Councilor Frankie Ayuson. Di ko na sasabihin ang eksatong araw at baka magalit ka pag dumatring anag maraming bisita. Mabuhay ka Pare

Monday, July 9, 2007

Remate (July 7, 2007)
SENYALES by Rolando S. Luzong

HATAW NA

Bago ang lahat, iniimbita po namin kayong lahat na manood ng aming paderby bukas sa Las Pinas Cockpit kung saan katulong po naming si mayor Nene Aguilar. Maganda po ang magiging harapan dahil may entry si Biboy Enriquez, Serge Capistrano, Raffy Prieto, Cong. Lawrence Wacnang, Vice Governor Joel Baac ng Kalinga, Engr. Tony Luga, Jr ng Isabela at marami pang iba. Mga alas-sais pa lamang po ng gabi ay umpisa na ang Bakbakan.

MGA NANALONG SABUNGERO SA
NAKARAANG HALALAN

Bagama’t may mga natalo din pero tila mas maraming pinalad na makaupo sa iba-ibang posisyon na sabungero nitong nakaraang eleksiyon. Medyo namesaker ang mga mananabong sa labanan sa senado. Natalo si Gov. Chavit Singson sa kanyang unang subok at ganun din si Cong. Butch Pichay. Ang mga kamag-anak naman ng ng mga kilalang sabungero tulad ni Chiz Escudero na anak ni Sonny Escudero ay nagwagi at kung isa pa si Migz Zubiri sakalaing tuluyang maka-ungos Koko Pimentel. Si Migz ay anak ng iginagalang na sabungero noong dekada ’90 na si Gov. Joe Zubiri ng Bukidnon.

Sa mababang kapulungan, andiyan si Cong. Tony del Rosario ng Roxas City at Capiz, si Cong. Estrella ng Pangasinan, Tony Kho ng Masbate, Ompong Plaza ng Agusan del Sur, Edelmiro Amante ng Agusan del Norte, Cong. Dodong Codilla ng Samar at marami pang iba.

Nagwagi din sina Gov. Joey Salceda ng Albay, Vice Gov. Joel Baac ng Kalinga pati na siyemre ang anak ni National Cockers Association President Ito Ynares na si Junjun.

Wagi din si Mayor Vic Amante ng San Pablo City, Mayor Bobby Clement eng Paoay, Ilocos Sur, Mayor Nene Aguilar ng Las Pinas bagama’t natalo naman ang owner ng Pasay City Cockpit na si Cong. Connie Dy sa kanyang laban para alkalde ng nasabing siyudad.

Isa sa mga nakalusot ay ang bagong mayor ng Estancia, Iloilo na si Gen. Restituto Mosqueda na owner ng RHAMM Gamefarm kung saan naroon ang TJT Cocking Academy.

Marami pa po ang mga kumandidtaong sabungero ang nagwagi at patuloy po natin aalamin ang mga ‘yan.


SABUNGERO PARTY LIST

Sa halalan sa 2010 ay malaki na ang tsansa na rumatsada na rin ang matagal ng pinaplano an party list ng mga sabungero o mga breeders ng manok-panabong. Ang proposal ko ay tagin itong AGBA o alliance of gamefowl breeders association.

Napapanahon na siguro, matapos ang halos total ban ng sabong sa Amerika ay dapat lang kumilos at magsama-sama na ang mga sabungero upang maipagtanggol natin an gating sport, libangan at industriya sa mga nais na pumigil dito.

NATIONAL SABONG PHOTO CONTEST

Ngayon po ang judging kung sino ang mananalo sa 1st National Sabong Photo Contest ng Thundebird Power Feeds sa pakikipag-ugnayan sa Federation of Filipino Phorographers Foundation kabalikat ang National Federation of Gamefowl Breeders at ang Hataw Pinoy. Isa po tayo sa mga nahilingan na mga-judeg sa nasabing patimpalak. Bayaan po ninyo at ipapa-alam ko agad sa inyo angt mga magwawagi.
Bandera (July 4, 2007)
HATAW PINOY ni Rolando S. Luzong

15M BAKBAKAN 2007 –
PAG DI KA SUMALI TALO KA

Makaraang mabisita ang mahigit sa 1,400 na gamefowl farms at makapag-band ng 126,000 cockerels, handang-handa na ang 2007 edition ng taunang Bakbakan National Stag Derby. Kung noong isang taon ay 9-stag ang labanan, sa 2007 ay 10-stag derby na po ang Bakbakan. Ang elimination ay 3-stag; ang semis ay 3-stag at ang championship ay 4-stag. Dahil ditto sa bagong format ay sinasabi na magakakasolohan ang resulta sa championship.

Kung talagang isa lang ang magkakampiyon, napakabuenas niya dahil para na rin siyang tumama sa lotto. Mantakin n’yo P8,000,000.00 ang maiuuwi ng champion. Kung sobra sa isa ang magkakampiyon, maghahati-hati sila sa P8 million.

P15,000 lamang po ang erntry fee at ang minimum bet naman ay P5,500 lamang. Ang magkakamit ng runner-up honors ay tatanggap ng-P300,000, para sa makaka-9 points naman ay maghahati sa P1.5 million, samantalanag ang maka-8 points ay magpaparte sa P3 million.

Upang mabigyan ng halaga ang makaakalampas sa eliminations at hindi pa rin matatalunan ng manok sa semifinals ang lahat ng maka-straight 6 wins mula sa fight no. 1 hanggang sa ika-6 na fight ay pinaglaanan ng P2 million.

Ang Bakbakan ’07 ay mag-uumpisa sa Batac Cockpit ni Mayor Jess Naluta para sa mga kasapi ng United Ilocandia Gamefowl Breeders Association at matatapos naman sa championship na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Nov. 27.

Sinasabi nila NFGB President Ricoy Palmarez, na 1,500 ang estimated nilang dami ng entries para sa taong ito , pero sinagot ko siya ng na ang fearless forecast ko ay mahigit sa 2,000 entries ang aabuting ng bilang ng sasali sa 2007 P15M Bakbakan 10-Stag National Derby.

HAPPY BIRTHDAY to Carl Suarez sa Firday. Si Carl ay anak ni Tambay Kay Epoy member Larry Suarex at kaisa-isang apo nui Ernie Suarez.

Tuesday, July 3, 2007

SA LUPAIN NG MGA LAWIN

REMATE – July 3, 2007
Senyales ni Rolando S. Luzong

SA LUPAIN NG MGA LAWIN

Sa kauna-unahang pagkakataon, matapos ang maraming paanyaya noon pa, ay nakarating din ako sa Crowsland Game Farm ni Cong. Lawrence Wacnang. Kitang-kita ko ang pagkasorpresa at kasiyahan sa mukha ni Cong. Wacnang ng makita ako pagbaba ko ng aming sasakyan.

Si Cong. Wacnang ay kilala sa larangan ng sabong sa kanyang regular entry name na Crowsland. Matagal ko silang naging suki (kasama ang kanyang handler-trainer na si Butchoy) nang ako pa ang General manager ng Roligon Mega Cockpit. Maraming ulit na nagkampiyon ang Crowsland sa Roligon noon. Idagdag pa rito ang kanilang pagkapanalo ng Breeder of the Year sa Laguna Gamefowl Breeders Association.

Napakaganda ng Crowsland Game Farm. Ayon kay Cong. Wacnang, tuwang-tuwa siya dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapag-produce sila ng 800 stags o tinale. Ang regular production nila ay mahigit 400 heads lamang. Maliban dito, kitang-kita ang lusog at sigla ng kanyang mga bagong palabas.

Nang biniro ko siya kung mas dapat katakutan ang mga manok niya ngayon na may panahon na siya upang direktang tumutok sa kanyang mga alaga ay natawa lamang siya. Matagal na kasing kinakatakutan ang Crowsland entry.

For the first time ay babalik sa private life si Cong. Wacnang matapos siyang matalo sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang public service at political career. Isang magaling na abogado, si Wacnang ay matagal na nagsilbi bilang fiscal at maraming terms na nanungkulan bilang Congressman at bilang Governor ng Kalinga. Nitong nakaraan eleksiyon natalo siya sa kanyang muling pagtakbo para sa posisyon ng gobernador. Napaslang ang kanyang Vice Governor ng Kalinga na ibinintang sa kanya. Nang kumandidato ang maybahay ng napatay na bise-gobernador laban kay Wacnang, namayani ang sympathy vote na naging daan ng pagkatalo ni Wacnang. Tapos na ang halalan nang sumuko ang killer at umamin na desisyon lamang niya ang pagpatay sa Vice Governor upang ipaghiganti ang kanyang tiyuhin. Umano, lahat ng kapartido ni Wacnang ay nagwagi maliban sa kanya. Maging ang kanyang Vice Governor na si betan Joel Baac ay nanalo din.

Sa iyo Cong. Larry Wacnang, maraming salamat sa mainit na pagtanggap niyo sa amin at sana’y ma-enjoy mo ang muling pagiging ordinaryong mamamayan. Kita tayo sa sabungan Cong.

RGBA GENERAL MEMBERSHIP SEMINAR


Tumawag po sa akin ang pangulo ng Rizal Gamefowl Breeders Association upang ipaabot na ang nakatakdang RGBA Gamefowl Management Seminar ay gaganapin sa Sabado, July 21 sa Manolo M. Lopez Development Center sa Antipolo City.

Ang mga naimbitahan speakers ay sina Jezry Palmares, Lancey de la Torre at Edwin Aranez na magbibigay ng kanilang mga kaalaman at karanasan sa pagpapalhi ng manok-panabong.

Ang sinuman sa 143-members ng RGBA na dadalo ay walang babayaran subali’t ang mga hindi kasapi ay kailangan magbayad ng P300.


HATAW PINOY DERBY SA LAS PIÑAS

Inaanyayahan po namin kayong lahat sa Hataw Pinoy Spl. 3-Cock Derby sa Las Piñas Cockpit sa darating na Sabado, July 7. Katulong po namin sa nasabing pasabong si Mayor Nene Aguilar.

P350,000 po ang cash prize samantalang P5,500 ang entry fee at ang minimum bet.

Manood po kayo at magandang labanan ‘to. Maging si Cong. Wacnang at Vice Mayor Joel Baac ay may entries mula sa Kalinga.

MALIGAYANG KAARAWAN sa apo ni Pareng Ernie Suarez at anak ni Larry Siarez na si Carl sa darating na Biyernes, July 6.

MARAMING SALAMAT pos a lahat ng dumalo sa pamiting na ipinatawag ng grupong PARA SA BARANGKA noong nakaraang Linggo. Mabuhay po kayo.

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER