Sunday, June 26, 2011
RGBA MILK & HONEY KAMPIYON SA THUNDERBIRD PALAWAN CHALLENGE 4-COCK ALL-STAR DERBY
RGBA NAGHARI SA PALAWAN : Ang tambalan Joey Sy at Pros Antonio ng Rizal Gamefowl Breeders Association ang tinanghal na solong kampiyon sa nakaraang Thunderbird Palawan Challenge 4-Cock All-Star Derby. Tinanggap ng kanilang magaling na handler na si Boodie ang tropeo mula kay Gob. Baham Mitra at Thunderbird Consultant Lando Luzong
“THUNDERBIRD PALAWAN CHALLENGE DERBY NAGING BAGONG BAROMETRO
NG SABONG SA PALAWAN” – PALAWAN COCKERS
RGBA TEAM NAKASOLO
Tulad ng inaasahan, napamangha ng mga Thunderbird Sabongnation Stars ang mga sabungero ng Palawan nang ganapin sa Palawan Royal Cockpit Arena sa Aborlan, Palawan ang pinakahiintay nilang Thunderbird Palawan Challenge 4-Cock All-Star Derby noong nakaraang Hunyo 19.
“Ang gagaling ng mga manok. Ang titibay” ito ang sambit ng isa sa mahigit dalawang libong opisyonado na sumaksi sa kakaibang labanan na noon lamang nangyari sa matanawing isla na isa sa mga pangunahin destinasyon ng mga turista na bumibisita sa Pilipinas.
“Gusto mo man mangantiyaw kapag lamang na ang manok na kinampihan mo, pero hindi pwede kasi kahit dapa na, nakakaganti at nananalo pa.
Halos lahat ng sultada ay pinapalakpakan ng mga lubos na nasiyahan mga Palaweño habang manaka-naka ay isinisigaw ni Thunderbird Consultant Rolando Luzong (nagsilbing llamador) na “Kung gusto po ninyo na maging ganyan kalakas, kabilis at katibay ang manok ninyo, Thunderbird feeds po ang ibigay ninyo sa kanila.”
Sa 26 na lumahok na kapwa mga endorsers ng Thunderbird, may lima na naka-3 panalo at 1-tabla ang nakaabang at umaasang matalo sana ang huling laban ng RGBA Milk & Honey entry ng tambalang Joey Sy at Pros Antonio na nagtagumpay naman sa ika-apat nitong laban upang makuha ang solong kampeonato.
Umiskor ng tigatlong panalo at isang talo sina Nestor Vendivil (Oliver), Otec Geroso (Mambucal BGT), Winnie Codilla (Wonders of Ormoc Bulik), Pao Malvar (Sunhaven Paniqui) at Bong Gazmen (Go-Go-Go BIGBA Go).
Sa isang tawag sa telepono, limang araw matapos ang nasabing derby, inireport ng Grop of Palawan Gamefowl Breeders, Inc. Vice President Jun Ortega ang ganito “Sa ngayon ay naging barometro na ang Thunderbird Palawan Challenge sa pagkilatis sa mga manok dito sa Palawan. Kapag hindi maganda at hindi maayos lumaban, ang biruan ang ‘pwede na ‘yang panuka sa Thunderbird Palawan Challenge. Kapag nanalo naman at maganda ang inilaro, sinasabi na ‘pwede na ‘yan sa Palawan Challenge’.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment