RIZAL COCKERS (RGBA) MAGPUPULONG NGAYON SA RIVERBANKS CENTER
Ang mga kasapi ng lalo pang lumalaki at lumalakas ng Rizal Gamefowl Breeders Association ay magsasama-sama sa Riverbend Hotel sa Riverbanks Center, Marikina City sa araw na ito, Sabado Pebrero 21, para sa kanilang taunang pangkalahatang pagpupulong kung saan ang nasaing grupo na pinamumunuan ni Joey Sy ay ipagdiriwang ang isa naman matangumpay na taon bilang pinakamabilis ang paglaki na samahan ng mga nagpapalahi ng manok-panabongs a bansa.
Ang ika-1 hangang ika-6 ng hapon na programa ay kapapalooban ng isang gamefowl management seminar “From Shell To Pit” tampok si Dr.John Paul Tolentino na magbibigay-kaalaman sa pag-aalga ng sisiw at ang iginagalang na cockfighting guru na si Dr. Teddy Tanchangco ng TJT Cocking Academy na magtuturo ng “cockerel to pit care” – handog ng Thunderbird Power Feeds – tagagawa Thunderbird Platinum at Thunderbird Baby Stag Booster.
Isa sa mga batang kasapi ng National Federation of Gamefowl Breeders, ipinagmamaliaki ng RGBA na sa 138 members na nai-band ng NFGB para sa nakaraang 2008 Bakbakan 10-Stag National Derby, 116 ang lumahok na naglagay sa RGBA bilang ika-anim sa 29 na samahan na nasa ilalim ng NFGB sa pinakamataas na patisipasyon. Ilan sa mga nagwagayway ng bandila ng RGBA ay sina 9-pointers sina Robert Ty, Ferdie Bagos & Jose Valdez Andres (R&B JVA) of VM Emil Condez & Ramon Talavera (St. Jerome R T-3) at Dennis Buison (JMB Farm), gayuindin ang 8.5-point iskor nina Gen. Reynaldo Acop & Ponyet Yap (RMA CP Yap).
Pararangalan sa nasabing pagtitipon ang RGBA 2009 Breeder of the Year na si Ljay Sumulong (TGRZ Stanley SSF) kasama si Tony Cote at Col. Sonny del Rosario. Tatanggap din ng pagkilala ang Stag Fighter of the Year na si Dr. Nelson Tee (Sabong Sports Bosne) na guamamit ng mga manok mula kina Joey Sy, Doc JBT, Doc Ronnie Magbalon of Masbate at Dupher Villalon.
Pinakatampok ang pagsalubong sa 62 bagong kasapi ng RGBA na pinangungunahan nina Andy Abundo – General Manager ng Cainta Coliseum, Eric dela Rosa –operator ng Pasig Square Garden, Arman Santos, Ferdie Ducepec (Lucky Strike), Michael Anthony Sollestre – bagong UGBA champion at ang Thunderbird star na si Dr. Boy “Chikababe” Tuazon. Ang inducting officer ay si Gob. Junjun Ynares ng Rizal.
“220 na at nagbibilang pa. Malamang na umabot kami ng 260 bago magsimula ang wingbanding sa isang buwan”, pahayag ni Sy..