Tuesday, August 14, 2007

MABUHAY VIGBA

Remate (August 11, 2007)
SENYALES by Rolando S. Luzong

MABUHAY VIGBA

Sa mga oras na binabasa ninyo ang kolum na ito ay nasa Nueva Vizcaya po ang inyong lingkod bilang isa sa mga guest speakers sa ginaganap na selebrasyon para sa ikalawang-taon ng anibersaryo ng Vizcaya-Ifugao Gamefowl. Kasama kop o ang dalawa sa mga iginagalang na mga nilalang na nasa liko ng tagumpay ng National Federation of Gamefowl Breeders (kung saan kasapi ang VIGBA) na si NFGB Secretary & concurrent President ng Batanags Breeders Club na si Fred Katigbak at ang Executive Director ng NFGB na si Arnel AƱonuevo na isa rin sa mga may-ari ng KAAGPAS Poultry Supply.

Dapat lamang po na mag-celebrate ang VIGBA dahil sa maikling panahon ay dumami ng husto ang kanilang kasapi na marahil ay inspired ng pagkapanalo ng kanilang mga kasama sa Cagayan Valley Gamefowl Breeders Association. Ang kanilang pangulo na si Engr. Moises Almuete ang nagkamit ng runner-up honors samantalang ang VIGBA Treasure na si Randy Moreno ang nakasungkit ng CVGBA Breeder of the Year Award.

Simple lang ang grupo pero hindi maikakaila na pagdating sa pagpili at pagbili ng mga breeding stocks ay mukahng hindi sila kayang sabayan ng ibang samahan. Maliban sa pagkuha sa mga kilala at sikat na mga breeders ng bansa katulad nila Sonny Lagon, Biboy Enriquez, Palmares atbp. Madalas din na nag-iimport ng mga manok mula sa Amerika ang ilan sa kanila kasama ni si Archie Lacson.

Sa lahat ng bumubuo ng VIGBA, isang madiin na pagbati ang ipinaparating ng SENYALES at ng HATAW PINOY team sa inyong lahat. Sana’y lalo pang lumakas ang inyong grupo at matupad sana ang inyong layunin na makuha ang kampeonato ng Bakbakan 2007.


2007 VIGBA STAG WARS

Ang VIGBA Stag Wars po ay mahahati sa dalawang yugto. Ang 1st leg 6-stag derby ay may ganitong schedule : ELIM.: 3-STAG SEPT. 22, 2007 @ VILLA VERDE SPORTS ARENA ; FINALS (0-1 ½ PTS.): 3-STAG SEPT. 29, 2007 @ NEW SOLANO COCKPIT. Ang championship (2-3 PTS.): 3-STAG OCT. 6, 2007 @ VILLA VERDE SPORTS ARENA

Ang 2nd LEG 6-STAG DERBY naman ay :
ELIM.: 3-STAG OCT. 13, 2007 @ BAYOMBONG SPORTS COMPLEX
FINALS (0-1 ½ PTS.): 3-STAG OCT. 20, 2007 @ VILLA VERDE SPORTS ARENA
chmapionship (2-3 PTS.): 3-STAG NOV. 3, 2007 @ NEW SOLANO COCKPIT.

Ang entry fee ay P5,500 , samantalang ang minimum bet ay P3,300. Ang weight limits ay mula sa 1.700 hanggang 2.100 kgs.

Ang pagsusumite ng timbang at wingband numbers ng mga manok ay mula ika-walo ng umaga hanggang ika-lima ng hapon , isang araw bago ang araw ng laban. Ang derby ay mag-uumpisa ng ika-2 ng hapon.


NFGB 10-STAG BAKBAKAN ELIMINATION

Ang 3-stag elimination round para sa mg akasapi ng VIGBA para sa 2007 Bakbakan National 10-Stag National Derby, kung saan may nakatayng guaranteed cash prize na P15 million, ay sa Oktubre 26, 2007 sa BAYOMBONG SPORTS COMPLEX. Para sa iba pang detalye , ang mga kasapi ay maaring tumawag sa 0927-3685898

WELCOME BACK to Pareng Nanding Suarez.

HUWAG NATIN SILANG BIGYAN NG DAHILAN

Remate (August 4, 2007)
SENYALES by Rolando S. Luzong

HUWAG NATIN SILANG BIGYAN
NG DAHILAN

Sa kasalukuyan ay malaganap, masigla at maunlad ang sabong sa Pilipinas. Walang masyadong nakikialam sa atin na ibang bansa dahil malayo naman tayo at hindi naman natin naiimpluwensiyahan sila, bagama’t tulad nang mga naisulat ko na noon ay pailalim at tahimik na gumagalaw ang mga galamay ng mga kalaban ng sabong upang kunin ang loob at hubugin ang isip nang ating mga anak at ang mga parating na henerasyon upang paniwalain sila na masama ang sabong.

Aminin natin na malaki, matindi, makapangyarihan at masalapi ang Humane Society for the Prevention of Cruelty to Animals at ang People for the Ethical Treatment of Animals. Sa tuwing manonood tayo ng mga Hollywood movies, mapupuna ninyo sa ending ang paalaala na “The HSPCA certifies that no animals were hurt during the making of this movie”. Isang halimbawa lamang ‘yan ng kanilang lakas. Paano lumabas ang mga batas na laban sa sabong sa Amerika? Gumastos ng malaking lobby money at nagbitaw ng milyong-dolyar na media campaign funds ang mga anti-cockfighting forces para dito.

Sa ngayon ay nasa aktuwal na pagbatikos at pagdepensa sa sabong pa lamang ang labanan ditto sa atin. Sa ganitong tunggalian, kung magbabantay lamang tayo nang mabuti ay mahihirapan silang manalo.

Ang tanong : Kung magpapatuloy ang kasalukuyang pagpapalabas nang Philippine cockfighting ng live sa internet at dumating na sa punto na mapagbibintangan at pag-iisipan tayo ng Amerika at ng mga bansa sa Europa na ine-export natin ang sabong at mabuo sa utak nila na maaring maimpluwenshiyahan din ang kanilang mga mamamayan, hindi kaya sila kumilos upang ikondena rin tayo at ating bansa. Huwag na nating hintayin ito.

Lubhang napaka-makapangyarihan at napakayaman nang mga kalaban ng sabong sa Amerika at sa Europa, alam nating lahat yan. Huwag nating sabihin na hindi nila tayo kaya dahil sa talagang matindi ang sigla ng Philippine cockfighting. Pero, alam ba ninyo kung gaano kapopular ang American cockfighting noon? Ang tandang; gamebird o rooster ay natalo lamang nang isang puntos sa bald eagle bilang national bird ng Estados Unidos. Mismong sa White House ay ipiniprisinta ang sabong ng mga unang presidente ng Amerika upang aliwin ang kanilang mga dayuhan bisita. Mas titindi pa ba tayo doon?

Huwag nating ipilit ang internet cockfighting para lamang sa ating pansariling pakinabang at kasiyahan. Baka sa pagpipilit natin ay sirain pa natin ang ating bansa sa international community.

Paano kung dahil sa mga internet cockfighting ay i-project tayo nang mga kalaban ng sabong bilang mga taong walang-awa; barbaric at sugarol. Paano kung kumbinsihin nila ang kanilang mga mamamayan na huwag nang pumunta sa Pilipinas para magturista?

Ayos na ang Philippine cockfighting. Masaya, masigla, malakas, maunlad, marami ang binubuhay at walang nakikialam na ibang bansa. Tama na ito. Huwag na tayong magsisigaw at baka magising pa ang mga kalaban at huwag na rin tayong magtatalon dahil baka matapakan pa natin ang bahay nang mga “langgam”.

BUMABATI PO ang Team Hataw Pinoy kay Councilor Tony Tabora ng Baguio City at kay Dan Castillo ng Elizabeth Inn. Gayundin nagpapasalamat kami kay Sir Jet Fernando sa mainit na pagtanggap niya sa amin sa kanyang farm sa Tanay, Rizal.

TUMAKBO ANG MANOK MO?

Remate (August 2, 2007)
SENYALES ni Rolando S. Luzong

TUMAKBO ANG MANOK MO?

Kung tumakbo man ang manok mo sa gitna ng laban, huwag kang malungkot dahil hindi lang sa iyo nangyari ‘yan. Maliit o bigtime na breeder o cocker man ay kahit papaano ay nakaranas na tumakbo o umayaw ang isang manok na inilaban.

Natatandaan ko pa nang minsang sumali ang isang kinikilalang sabungero na dating mataas na opisyal ng gobyerno. Isang mayor ang handler ng kanyang manok at balitang-balita na ang dating ambassador na amo ay dadating.

Tumawag pa ang sekretarya ng nasabing Big Boss at nagpareserba ng sampung ringside seats.

Dumating ang entourage ng entry owner mga dalawang sultada bago ang aktuwal na laban ng kanilang manok, bagama’t hindi sila umupo sa ringside at dumerecho na lamang sa itaas na corridor ng Roligon Mega Cockpit.

Siyempre pa, llamadong-llamado ang manok ni Bosing, e biruin mo naman, sa yaman niya ay talagang lahat na ng pinakamagagandang breeding stocks ay pwede niyang mabili. Kaya din niya na bilin ang lahat ng pinakamasustansiyang patuka , bitamina at gamot para sa kanyang mga manok, apt na ang serbisyo ng pinakabatikang mga handlers at mananari.

Hayun, matapos ang matagal-tagal na tawagan ng pusta at pagpapainit sa dalawang magkatungggaling manok pumorma na.

Eh di binatawan na. Nagpormahan. Nagsukatan. Nagsalpukan. Hindi nagkatamaan. Nagsalpukan ulit. Hindi pa rin nagkatamaan, pero ang manok ni Bosing, lintik ang bilis ng takbo.

Halos hindi pa tapos masentensiyahan ang sultada ay mabilis pa sa alas kuwatro lumakad palabas ng sabungan ang sikat na owner kasunod ang kanyang mga alalay.

Diyan nagkakaparehas ang mga sabungero at iyan ang isang dahilan kung bakit patuloy na dumadami ang pumapaloob sa mundo ng sabong. Ang katotohanan na sinuman ay maaring talunin ninuman ay isang hindi nakasulat na batas na hindi mabubura sa larangan ng sabong.


BAKIT TUMATAKBO AT UMAAYAW
ANG ISANG MANOK-PANABONG?
.

Suriin natin ang ilang mga bagay na maaaring dahilan ng ganitong pangyayari :

a) Lahing duwag ang manok.
b) Wala sa tamang timbang (fighting weight)
c) Kulang sa alaga o payat
d) Nasaksak ng tari ang bayag.
e) Nasobrahan sa gamot na pampakilos
f) Labis o bugbog sa ensayo (sparring)
g) Wala sa tamang gulang ng ilaban
h) Inbred ang pagkakapalahi
i) Nasugatan o nasaksak ang bituka at nabulahaw ang mga bulate
j) Lumiit ang bayag sa labis na saksak ng steroids at hormones
k) Maaaring tinamaan ng CRD at pollorum ang manok
l) Nakdama ng labis na stress
m) Biktima ng Mycoplasma Gallisepticum Bacterium
n) Tinamaan ng garol ng tari ang ulo at nawalan ng ulirat.
o) Nabugbog sa range ng maliit pa.

THEMISTOCLES (524-460 B.C.)

Remate (July 31, 2007)
SENYALES ni Rolando S. Luzong


THEMISTOCLES (524-460 B.C.)
Athenian Politician and Naval Strategist

Noong 480 B.C. si Themistocles ay pinamunuan ang Greek navy at – kahit kaunti lamang sila – ay madali nilang tinalo ang hukbo ng Persia sa makasaysayan giyera ng Salamis. Ayon sa Greek dramatist na si Aeschylus (525-456 B.C.) sa kanyang sikat na komedya na, Persae o (The Persians), habang naghahanda diumano para sa isang parating na laban ay napuna ng Greek commander ang dalawan tandang na naglalaban. Nang maisip niya na magandang pagkakataon iyon upang buhayin ang loob ng kanyang mga tauhan, ipinatigil ni Themistocles ang lahat ng gawain at habang naturo sa naglalabang mga manok, sinabi niya sa kanyang mga tauhan : “Pagmasdan ninyo sila, hindi sila lumalaban parta sa kanilang bayan, maging para sa kanilang Diyos o sa kanilang mga idolo, o para sa kanilang kalayaan; tanging ang kanilang pagmamahal sa sarili at karangalan ang nagtutulak sa kanila upang lumaban habang ang aliman sa kanila ay nanaisin na tumanggap ng pagkatalo, at kayo – na napakaraming dapat ipagtanggol, hindi ba dapat lang na maging katulad din kayo nila”

Bilang pagkilala sa bahaging ginampanan ng mga sasabungin manok sa sumunod na tagumpay ng mga Griyego, ang sabong ay ginanap na taon-taon sa Athens, noong una ay bilang alay lamang sa mga espirito ng mga yumaong bayani at mga diyos-diosyan, pero nang kalaunan ay ginawa na rin dahil sa pagmamahal at pagkahilig sa larong sabong.

Bagama’t ang organisadong pagsasabong ay totoong naipakilala sa lungsod ng Athens dahil sa mga nabanggit na kadahilanan 450 taon bago pa ipinanganank si Kristo, naisulat din ng Graeco-Roman historian na si Plutarch sa kanyang aklat na The Lives of the Noble Grecians and Romans (nasulat mga 100 A.D.) inilarawan niya kung paano ang mga batang mga kalalakihan na kinikuha upang maging sundalo ay nag-aalaga ng manok-panabong sa panahon ng Spartan lawgiver. Si Lycurgus na nabuhay sa panahon ng 800 B.C. ay isinulat na “Ang sinuman lalaki na inaalok ng mga manok-panabong na namatay, ay nagsasabi na hindi ang mga manok na mamamatay ang kanyang nais, kundi ang mga manok na nabubuhay at mananalo pang muli.”




MGA AGIMAT O PAMPALAKAS-LOOB SA SABONG
ni San Totoy Batumbakal

“BUHOK NG SANGGOL”

Lingid sa kaalaman ng marami, ang buhok ng sanggol na lalake ay masuwerteng birtud sa pagsasabong. Tiyakin lamang na panganay ang sanggol. Bumunot ng ilang hibla (baka naman makalbo) ng buhok ng sanggol na hindi pa napapliguan mula ng ipanganak ito. Itago ang buhok at idikit ito sa gagamitinng sapin sa oras na tatarian na nag manok.

IKINAKAHIYA BA ANG SABONG?

Remate (July 24, 2007)
SENYALES ni Rolando S. Luzong

IKINAKAHIYA BA ANG SABONG?

Ang dami nang umupo bilang Kalihim ng Kagawaran ng Turismo, subali’t sa aking pagkakantanda ay wala pa ni isa na nagbigay ng sapat na pansin at pagpapahalaga sa potensyal ng sabong bilang isang maganda at natatanging tourist attraction ng ating bansa.

Ano ba ang iniiwasan o kinatatakutan nang mga tourism officials natin at parang bantulot sila na isulong ang sabong upang makahatak ng mga turista. Ikinakahiya nila pero sa kabila nito ay hindi naman nawawala ang larawan ng mga manok-panabong sa mga pamphlets at brochures na ipinamimigay nila sa mga sa mga dayuhan sa mga airports at hotels. Para silang mga bakla na ayaw magladlad.

Alam kaya ng mga taga Department of Tourism na maraming turista ang kusang gumagawa ng paraan upang makabisita sa isang sabungan at makapanood ng sultada dahil nais nilang makaranas nang isang bagay na hinid nila nasusumpunga sa kanilang mga sariling bayan o sa iba mang lugar na kanilang napupuntahan.

Kung ako ang tatanungin, dapat nga na sa mga airports pa lamang ay ipino-promote na natin ang sabong katulad halimbawa ng mga brochures na may comprehensive introduction ng Pinoy sabong. Dapat sa una pa lamang ay maipamukha na natin sa mga dayuhan kung gaano kahalaga ang sabong sa Pilipinas’ gaano ito kalaganap; gaano kalaki ang natutulong nito sa ekonomiya at gaano karami ang nabubuhay sa sabong.

Di hamak na mas brutal ang bull-fighting sa Espanya at sa Mexico dahil ilang tao ang kalaban ng isang walang muwang na toro, subalit mabunying ipinagmalaki ito ng mga naturang bansa at naging pangunahing taga-akit ng mga turista at tagapaghatid ng malaking kita para sa kanilang mamamayan.

Mas masama kung ang aktuwal na labanan lamang ng manok sa mga sabungan ang makikita ng mga turista na siyang mangyayari kung hindi sila maiga-guide. Dapat ay maintindihan talaga nila ang kahalagahan ng pagmamanukan at sabong bilang pinagkukunan ng ikinabubuhay ng maraming Pinoy.

Pag-isipan po ninyo.

LETTERS FROM GUAM

Bandera (August 1, 2007)
HATAW PINOY by Rolando S. Luzong

LETTERS FROM GUAM

Recently, we’ve met a group of Gumanian cockers attending classes in the TJT Cocking Academy. One of them is Ernest T. and since then , we have been corresponding with each other thru emails. His last email yesterday deserves to be shared with you. Here goes…

Lando,

just fought a Pinoy Club sponsored 3 cock derby with 24 entries, winner take all. We ended up being one of three winners. Our fights lasted less than 30 seconds each. We used a Gavilan dark leg hatch, Gavilan pale leg hatch (sweater) and a yellow leg hatch. Averag age was 15 months for the three. The two Gavilans hit their opponents on the first fly. The third opponent refused to meet our bird in the air but immediately after our bird hit the ground, after the third fly, he grabbed the opponent and hit him on the side ending the fight. It was a good night.

You're probably the expert on disputes. This is how the story was told to me - I left the pit after our third fight. The deal was there was a person with his personal entry with two wins (# 1) and another person (# 2) with two wins also. # 2 was fighting bloodlines acquired from # 1. # 1 refused to fight # 2 because it was his bloodline. The referee automatically awarded the win to # 1.

This is how I feel: The fight between # 1 and # 2 had a bearing on the outcome of the derby (pot) therefore it should have been fought regardless of who owned what birds. If the owners did not want to fight in order to save the birds then that was their call but the win (portion of the pot) should not have been awarded.

The bottom line is that the two actual winners which was our birds and by the way, person # 1 scored 3 points each. The third win was bogusly awarded to person 1, whom had a final score of 2 points. Do the math.

What is your take on this situation? Let me know ASAP.


My reply was :

Dear Ernest,


The general rule is that "EVERY POINT MUST BE EARNED" So it is only proper that #1 & #2 should have fopught each other, so that there should only be one winner and there'll only be two champions including you.

On extreme cases and in times when there is really a valid reason not to fight (same bloodline or same source of roosters is not a valid reason) then, the two entries that would not fight each other should only share the prize for one champion, because, if they would fight, there is also a big possibility that their fight will end up in a draw and then you will be the only winner.

Vaild reasons not to fight are, if the owners are next of kin line father & son, brothers, uncles, cousins etc.

HAPPY BIRTHDAY TO JACK, WIFE OF MY COUSIN FREDDIE SANTOS. LIKEWISE, HAPPY BIRTHDAY TO SYAHONG ERNING ASILO YESTERDAY.

MAGHANDA TAYO

Bandera (July 22, 2007)
HATAW PINOY ni Rolando S. Luzong

MAGHANDA TAYO

Ngayon na nasakop ng lahat ng mga animal rights activist at mga anti-cockfighting forces ang kabuuang 50 states sa mainland ng Amerika,, dapat lamang na mgahanda-handa an rin tayo dito sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay medyo minamasahe na ng mga HSPCA o Humane Society for the Prevention of Cruelty to Animals ang U.S. territory na Puerto Rico kung saqan napakalaganap at sikat na sikat din ang sabong. Pag natapos nila ito ay malamang na isusunod naman nila ang Hawaii, Guam at Saipan. Palapit na ng palapit sa atin.

Huwag po kayong magulat kung sabihin ko sa inyo na andito na ang mga kalaban ng sabong. Gumagalaw na ang mga salapi nila sa mga tv networks, sa pront media, sa mga artista at maging sa kongreso at sa senado na siyang nagpanday ng Animal Welfare Act. Ang nasabing batas ang naggawad na illegal na ang pagkaian ng aso; paglalaban ng mga kabayo sa Mindanao; dog fighting at maramin pang iba na ang ilan ay matatawag na tradisyon o bahagi ng kultura. Maingat lamang sila na iniwasan muna ang sabong.

Sa mga tv programs, masisilip natin paminsan-minsan ang pagtita sa mga sabungero at sa larong sabong lalo na sa mga kiddie shows.

Huwag nating ipagmalaki at ipagyabang an hindi makakalusot dito sa atin ang mga hinayupaks komo sasabihin natin na napaksikat ng sabong dito sa atin. Mas sikat pa ba ang sabong sa Pilipinas klung ikukumpara sa Amerika noong araw. Sa Amerika, maging sa White House ay nagsasabong sila lao na kapag may bisitang pinuno ng ibang bansa bilang part eng entertrainment.

Hindi pa tayo nagkakaroon ng Presidente an sabungero pero ang mga unanag pangulo ng Amerika katulad nila George Washington, Abraham Lincoln at marami pa ay mga sabungero.

Kung nagsasabong man tayo sa Araneta Coliseum, ang mga bigtime derbies naman noon sa Amerika ay ginagawa sa Madison Square garden sa New York. O , anong masasabi n’yo. Hindi nakukuha sa yabang yan, maghanda tayo at labanan natin sila.

HAPPY 24TH WEDDING ANNIVERSARY to me and my wife Mila today.

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER