Bandera (May 4, 2012)
BANTAY-SABONG ni Rolando S. Luzong
BAHALA NA SI BATMAN
Kadalasan na kapag ang isang
manok-panabong ay natalo, maraming mga sisihan at kantyawan. Ilan sa mga
dahilan kapag natalo ang isang manok na inilabana, lalo na ‘yung maraming
samang-parada ay ang mga sumsunod :
1) Ang laki daw kasi ng nakalaban.
2) Masuwerte daw kasi sa araw na ‘yun ang kulay ng nakalaban.
3) Malas daw sa araw na ‘yun ang kulay ng natalong manok.
4) Maganda daw ang senyales ng kalaban.
5) Di daw marunong ang nagtare at wala sa sipat ang tare.
6) Mali daw ang
bitaw ng sultador kasi masyadong malayo. Eh, kung malapit naman, mali din ‘yun ‘pag natalo
kasi masyadong malapit.
7) May buwisit daw na kasama kasi hindi pa napapalaban ang manok eh
nanghihingi na ng balato o kaya ay talunan.
8) Malas daw ang kulay ng suot na damit; me nadaanan daw kasing libing;
inaway daw kasi ng asawa bago umalis papuntang sabungan at maraming pang iba.
Napakaraming excuse talaga kapag ang manok ay natalo, kasi
minsan, iniaasa na lamang sa swerte. Madalas nga ay hindi ang manok ang
kinukundisyon kundi ang bulsa. Kapag nakatihan na maglaban komo may pamusta
kahit pa hindi naman naikondisyon ang manok ng maayos, sige na. Bahala na si
Batman…ika nga.
Andiyan naman iniaasa sa posisyon ng buwan, Kapag kabilugan daw
ng buwan ay buwenas ang mga puti o yung may light color feathers at kung
tagdilim naman daw ay yung mga alimbuyugin o mga dark colored naman.
Ang daming pinagbabasehan at swerte o agimat o senyales na
inaasahan. Sabi nag ng isang beteranong sabungero, “Malapit ang buwenas sa
magaling at kundisyon na manok”.
PAGSUBO NG MANOK, DI DAPAT
Natural sa sabong na gawin nang isang lumalaban ang lahat ng paraan upang makalamang komo nga hindi lang manok ang pinaglalaban kundi ang pusta lalo pa kung malaki.
Sa aktuwal na
pagbibitaw ng manok, may ilan diyan na
may masamang ugali na isinusubo ang kanilang tinale. Sa ganitong gawi ay nasisira ang diskarte nang
kalabang soltador na minsan ay dahil sa pagkagulat ay nahuhuli sa pagbitaw ng manok niya. Madalas na nananalo ang isinusubong manok dahil bago makaporma ang kalaban ay naka-angat na ang isinubong manok.
kalabang soltador na minsan ay dahil sa pagkagulat ay nahuhuli sa pagbitaw ng manok niya. Madalas na nananalo ang isinusubong manok dahil bago makaporma ang kalaban ay naka-angat na ang isinubong manok.
Ang hindi
maganda sa ganitong istayl ay hindi lamang
‘yung dahil sa nalalamangan ang kalaban kundi
ang katotohanan na napakadelikado rin ito dahil
marami nang beses na ang hindi pa nabibitawan manok ay nililipad ng isinubong manok sa kamay mismo ng kalabang soltador. Dahil dito , ilang beses na rin na may mga taong nasaktan, nasugatan o namatay pa nga.
marami nang beses na ang hindi pa nabibitawan manok ay nililipad ng isinubong manok sa kamay mismo ng kalabang soltador. Dahil dito , ilang beses na rin na may mga taong nasaktan, nasugatan o namatay pa nga.
Bagama’t may
mga sabungan na sa ngayon ang may mga
regulasyon at parusa o penalty laban sa mga nagsusbo ng manok, dapat siguro na mas matindi pang
kaparusahan ang igawad sa mga violators tulad halimbawa ng pag-sususpinde sa kanya na makapasok sa sabungan o kaya at total ban.
kaparusahan ang igawad sa mga violators tulad halimbawa ng pag-sususpinde sa kanya na makapasok sa sabungan o kaya at total ban.
Dapat na rin
na lahat ng sabungan ay mahigpit na ipatupad ang
ganitong regulasyon.
Dapat din na
mas iatras pa o paglayuin ang guhit sa
gitna ng ruweda kung saan hindi maaring lumampas
ang manok bibitawan.
Gawin natin
ito for the spirit of fair play o
parehas na laban at upang maproteksiyonan ang bawat isa sa loob ng ruweda.
No comments:
Post a Comment