Friday, April 27, 2012

SUWELDUHAN SA SABUNGAN


BANTAY-SABONG column
BANDERA  (April 27, 2012) ni Rolando S. Luzong

SUWELDUHAN SA SABUNGAN


Kakaiba sa ibang hanap-buhay katulad ng sa pabrika o sa opisina, ang pagtatarabaho po sa sabungan ay matatawag na piecemeal job o yung binabayaran ka lamang sa natrabaho mo ng araw na 'yun. Maliban sa sekretarya o kahero na maaring nagtatrabaho araw-araw, ang mga sentenciador, casador, listador, mga gater at iba pa ay may trabaho lamang kung may sabong. Ang sabungan din naman ay may kita lamang kapag may sabong at walang anuman pera ang pumapasok kapag ito ay nakasara o walang sabong.

Pagdating naman sa halaga ng dapat na ipasuweldo, nagkakaiba din po ang mga sabungan. Meron nagpapasahod ng malaki, meron din naman maliit lamang.

Ang kita ng sabungan ay nakasalalay din sa dami ng sultada, dami ng nagbayad sa pinto at sa laki ng plazada. Kapag bumagsak o humina ang mga ito, liliit din ng husto ang kita o maaring malugi pa.

Naiiba din ang mga empleado ng sabungan dahil kadalasan ay hindi naman sila binabawalan na magtrabaho o mag-sideline sa ibang sabungan.

May mga pagkakataon na maaring ang nakasanayan na ipinapasuweldo ay lumiliit o binabawasan dahil na rin sa resulta ng sabong sa araw na iyon.

Maging nung ako ay nasa Roligon Mega Cockpit pa (1991-2001) may mga pagkakataon na kalahati lamang o ¾ lamang ng dating ibinibigay ang ipinasisweldo base sa utos ng may-ari dahil nga lugi ang isang paderby na kadalasan ay hindi naman kasalanan ng sabungan kundi ng may pasabong sa araw na iyon.

Ang siniguro lamang namin noon ay may libreng pagkain ang mga empleado habang nagtatrabaho.

Minsan ay napunta ako sa isang sabungan at naabutan ko ang mga empleado na mga nagmamaktol sa labas ng opisina dahil sa liit ng kanilang suweldo. Kawawa din naman sila.

Aminin man natin o hindi, may mga nagpapatakbo ng sabungan na suumusugal din at sana naman ay hindi nadadamay ang suweldo ng mga tauhan kapag natatalo sila.

Kung may mga pagkakataon man na kailangan bawasan ang sahod ng mga empleado dahil lugi ang pasabong sa araw na iyon, sana naman ay dinadagdagan din ang sahod nila o nabibigyan sila ng bonus kapag malaki naman ang kinita ng pasabong.

Makabubuti na maipaliwanag sa mga empelado ang dahilan kapag dumating ang mga pagkakataon na kailangan magbawas ng sweldo.

Sa hirap ng buhay ngayon, siyempre ang isang nagtatrabaho ay umaasa na may maiuuwi siyang pambili ng pagkain pagkatapos ng sabong. At kung ang kanyang inaasahan na tatanggapin ay mas maliit sa kanyang natanggap natural na sumama ang loob nila. Kung ang inaasahan niyang sahod ngayon ay P300.00 at naipangutang na niya iyon sa nakaraang dalawang araw, talagang sasakit ang ulo niya kung makatanggap lamang siya ng P150.00

Mahirap na masarap magtrabaho sa sabungan. Minsan nasa empleado na rin ang diskarte. Kung iyong mga hindi empleado at nakakapasok lamang ay umuuwing may pera, ang mag empelado pa kaya.

Konting ngiti, konting bati at lubos-lubos na pag-aasikaso sa mga nagsasabong ay magreresulta ng magandang balik. Pero, hindi dapat makalimutan at mapabayaan ang tunay na tungkulin at obligasyon. Ang main line muna ang unahin bago ang sideline.

Hindi maganda na manghingi ng balato, pero kapag binibigyan ka, tanggapin mo agad at magpasalamat. Mag-ingat lamang sa mga nagbibigay ng balato dahil baka sa bandang huli ay may hilingin naman sa 'yo na maaring makasira sa trabaho mo o sa pagkatao mo.

CARREO :Bumabati ang Bantay-Sabong sa pinakabagong  babasahin sa larangan ng sabong na GAMEFOWL MAGAZINE na nakatakdang ilunsand sa linggong ito tampok ang kanilang cover story na si Rafael “Nene” Abello ng Bacolod City – isa sa mga iginagalang na sabungero sa bansa. Mabibili ang GAMEFOWL MAGAZINE sa inyong mga suking Agrivet stores.

No comments:

Post a Comment

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER