Wednesday, March 19, 2008

PANAHON NA PARA KUMILOS

Remate (February 1, 2008)
SENYALES ni Rolando S. Luzong

BANTAY-SABONG : PANAHON PARA KUMILOS

Nagpapasalamat po ako dahil matapos na lumabas ang SENYALES kahapon kung saan nananawagan na po ang inyong lingkod ng mga volunteers para sa ating ilulunsad na BANTAY-SABONG ay may mga nagtext na po at nagpahayag ng kanilang kagustuhan na sumama sa krusada at kahandaan na kumilos kung kinakailangan.

Ilan sa mga kasapi na po ng BANTAY-SABONG ay sina Valentin Perez ng Bacoor, Cavite; Alfred C. Arca ng Naic, Cavite; Benjie Go ng San Juan at Luelito Sangalang. Patuloy po tayong mag-iipon ng lakas at puwersa upang salubungin ng harapan ang mga nais na mawala ang sabong dito sa atin bansa katulad ng PETA o People for the Ethical Treatment of Animals na nag-demostrate sa harap ng Araneta Coliseum noong nakaraang Martes, sa pagbubukas ng 2008 World Slasher Cup.

Matapos na formal na naitatag natin ang BANTAY-SABONG ay gagawa tayo ng ating sariling demonstrasyon o rally para ipamuka sa mga kalaban ng sabong na maayos ay marangal ang sabong.

Sa lahat po ng interesadong sumali sa BANTAY-SABONG, mag-text lamang sa 0920-8652755 at ibigay ang inyong kumpletong pangalan, address at contact numbers at padadalan po namin kayo ng I.D. upang maging kasapi kayo ng itatayo nating samahan upang labanan ang mga kalaban ng sabong.

Hinihiling ko din po sa inyo na magpadala ng e-mail sa mga PETAng-ina upang malaman nila na hindi uubra ang katarantaduhan nila sa Pilipinas. Ang e-mail address nila ay Info@PETAAsiaPacific.com. At ang kanilang telepono ay 02-817-5292 na maaari din natin tawagan upang ipaabot natin sa kanila na ang sabong ay bumubuhay ng daan-libo natin mga mamamayan. Iwasan lamang po natin na magbitaw ng mga hindi magandang mga pananalita. Ipakita natin na ang mga sabungero ay maginoo at marangal.

Samantala , ang kanilang address sa Pilipinas ay 176 Salcedo StreetLegaspi Village, Makati City 1229 Philippines at sa harapan ng nasabing building ay magsasagawa tayo ng ating sariling. Sila lang ba ang may karapatan.

Huwag natin payagan na ang nangyari sa Amerika kung saan natigil na ang sabong ay mangyari din diro sa atin. Sama-sama tayong mag-BANTAY-SABONG

1 comment:

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER