Wednesday, March 19, 2008

KILALANIN NATIN ANG MGA KALABAN NG SABONG

Remate (February 2, 2008)
SENYALES ni Rolando S. Luzong

KILALANIN NATIN ANG MGA KALABAN
NG SABONG

Mula sa website na http://www.activistcash.com/, nalaman natin ang mga impormasyon na ito tungkol sa Humane Society of the United States ng 2100 L Street, NW, Washington, DC 20037 at may phone number na 001-202-452-1100 Fax 001-202-258-3051 at Email wpacelle@hsus.org
Ayon sa nasabing report :
“Despite the words “humane society” on its letterhead, the Humane Society of the United States (HSUS) is not affiliated with your local animal shelter. Despite the omnipresent dogs and cats in its fundraising materials, it’s not an organization that runs spay/neuter programs or takes in stray, neglected, and abused pets. And despite the common image of animal protection agencies as cash-strapped organizations dedicated to animal welfare, HSUS has become the wealthiest animal rights organization on earth.”

Dahil sa magagaling na campaign strategies na madaling makabulag ng pananaw ng marami, nakakakalap ng milyon-milyong dolyar na pondo ang HSUS. Maraming insidente na ang isang mayaman sa Amerika na walang pamilya ay idino-donate ang kanilang yaman sa HSUS. Misan naman, ang alagang aso o pusa ng isang milyonaryo ang pamamanahan ng kanyang yaman at ang HSUS ang ginagawan tagapamahala.
“HSUS is big, rich, and powerful, a “humane society” in name only. And while most local animal shelters are under-funded and unsung, HSUS has accumulated $113 million in assets and built a recognizable brand by capitalizing on the confusion its very name provokes. This misdirection results in an irony of which most animal lovers are unaware: HSUS raises enough money to finance animal shelters in every single state, with money to spare, yet it doesn’t operate a single one anywhere. “
Sa dami ng pondo ng HSUS ay nakapagbabayad sila ng mga writers, mga media reporters, mga television station at iba pang mga paraan upang maipaabot sa mas maraming tao ang kanilang kampanya. Nakakaupa din sila ng mga artista , modelo at mga showbiz personalities. Nakakapaglagay din sila sa mga politico at nakakapag-lobby upang ang mga batas na nais nila ay maipasa, katulad ng Animal Welfare Act na naisagawa dito sa Pilipinas.
“Instead, HSUS spends millions on programs that seek to economically cripple meat and dairy producers; eliminate the use of animals in biomedical research labs; phase out pet breeding, zoos, and circus animal acts; and demonize hunters as crazed lunatics. HSUS spends $2 million each year on travel expenses alone, just keeping its multi-national agenda going. “
Ang Humane Society of the United States o ang tinatawag din na Humane Society for the Protection of Cruelty to Animals ang matagal na umatake at nagpasama sa imahe at pagkakilala sa larangan ng sabong sa Amerika, kaya isa-isa nilang napatumba ang mga estado kung saan dating sikat ang sabong.
Parang domino na napatumba nila ang mga cockfighting states gaya ng Arizona, Alabama, New Mexico, Okalahoma, Kentucky, Missouri at pati na ang inaakalang hindi magagalaw na Louisiana ay nabihag na din kaya sa Agosto 2008 ay bawal na ang sabong sa kabuuan ng Amerika.
‘Wag natin payagan na makaporma ang HSUS at HSPCA deito sa ating bansa. Sumapi na ngayon sa BANTAY-SABONG, anmg samahan na magbabanatay at magpoprotekta sa ating mahal na libangan, isport at industriya.
Upang sumapi, itext lamang po ang inyong buong pangalan, address, email address kung meron sa 0920-8652755. Isama na din ang inyong komento at pananaw tungkol sa mga kumakalaban at nais matigil ang sabong.

No comments:

Post a Comment

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER