Remate (January 31, 2008)
SENYALES ni Rolando S. Luzong
Mga PETAng Ina
Noong nakaraang Martes, sa pagbubukas ng 2008 World Slasher Cup 8-Cock Invitational Derby, isang mascot na nakasuot-manok ang nagpapansin sa harap ng Araneta Coliseum. Nagpakilala silang (dalawa lang sila) mga miyembro ng People for the Ethical Treatment of Animals o PETA.
Siyempre nabigla ang mga guwardiya ng Big Dome at upang masiguro na hindi sila mapagalitan o masabon ay pinigilan nila ang pagsasagawa ng nasabing protesta kuno.
Ayon sa spokesman ng nasabing grupo na si Jenelyn Tagasa (taga-saan ka ba para mapaliwanangan ka) ay hindi naman daw sila nangugulo sabay wagayway ng permit umano galing sa Quezon City Hall na inisyu umano sa kanila at malinaw umano na ipinahayag nila na sila ay magpoprotesta laban sa pagdaraos ng sabong. Sino kayang bobong empleyado ng Q.C. ang nag-isyu ng nasabing permit.
Ang argumento umano, base na din sa ipinalabas ng GMA News ay “nasasaktan ang mga manok”. Eh, ‘yun kayang mga manok na kinakain natin at inuulam, hindi kaya nasasaktan ‘yun kapag kinakatay.
Magaling naman ang naging katugunan ng Araneta Coliseum spokesperson na si Grace Magno. Ayon sa kanya “The World Slasher has a permit officially issued by the Games & Amusement Board and in the Philipippines, we have more cockpits than churches”.
Hindi pa natatagalan ay nagrally din ang mga anak ng PETA sa harap ng Manila Zoo upang hingin ang pagpapakawala sa mga hayop doon. Ngayon ay mukhang tumatapang na sila.
Kaya ako ay nananawagan sa lahat ng sabungero dito sa ating bansa pati na ang mga taong nabubuhay sa pagpapalahi at pag-aalaga ng manok panabong, pati na din sa mga kompanya ng mga gamefowl feeds katulad ng Thunderbird at mag empleado nito, kasama na din ang mga may-ari ng poultry supply stores, mga gumagawa ng tari, gumagawa ng tali at mga kahon at lahat ng mga nabubuhay dahil sa sabong. Mag-oorganisa po ako ng isang samahan na tatawagin natin BANTAY-SABONG. Sa lahat po ng interesadong sumali, magtext lamang sa 0920-8652755 at ibigay ang inyong kumpletong pangalan, address at contact numbers at padadalan po namin kayo ng I.D. upang maging kasapi kayo ng itatayo nating samahan upang labanan ang mga kalaban ng sabong.
Hinihiling ko din po sa inyo na magpadala ng e-mail sa mga PETAng-ina upang malaman nila na hindi uubra ang katarantaduhan nila sa Pilipinas. Ang e-mail address nila ay Info@PETAAsiaPacific.com. At ang kanilang telepono ay 02-817-5292. Samantala , ang kanilang address sa Pilipinas ay 176 Salcedo StreetLegaspiVillage, Makati City 1229Philippines
ReplyDeleteProblemas de deudas?
Usted no esta solo! Las personas se encuentran en deudas por muchas
razones; Por perdida del trabajo, deudas atrasadas, una prolongada
enfermedad u otra emergencia personal, ... todas estas son comunes
situaciones. Por cualquier razón las personas quienes están en una
dificultad financiera, frecuentemente necesitan de una guía
profesional