Thursday, December 17, 2009

VIGBA'S MOY ALMUETE IS NFGB PRESIDENTS CUP SOLO CHAMPION

“KAHIT SAAN, BASTA NAKA-BEXAN” - ENGR. MOY


Matapos magkampiyon sa UGBA Big Event One-Day 10-Stag Derby noong Nobyembere kasama si Thunderbird Winning Team member Lawrence Wacnang, muling pinatunayan ni Engr. Moises Almuete, Jr. , Moy sa kanyang mga kaibigan, na maari na siyang ibilang sa mga pinakamagagaling na sabungero ng bansa.


Sa isa-sang pagpapakilala sa mga pangulo ng mga samahan sa ilalim ng National Federation of Gamefowl Breeders noong ika-11 ng gabi sa Christmas Party ng Cetral Visayas Breeders Association na ginanap sa Cebu International Convention Center, nagpahayag si Moy – Pangulo ng Viscaya Ifugao Gamefowl Breeders Association, na hindi siya bumiyahe ng ganoon kalayo para lamang magpatalo.


Kinabukasan, Disyembre 12, sa NFGB Presidents Cup 1-Day 8-Stag Derby na ginanap sa Talisay Coliseum sa Talisay City, umiskor ng 7 panalo at 1 talo upang tangahaling solo champion ng nasabing prestihiyosong labanan.


Binitiwan ni Almuete ang kanyang mga bagong linyada ng mga tinale na kinapapalooban ng Sweater blend Bruce & Dink; Dan Gary Roundhead/ 20 Grand Kelso & Gilmore Hatch; Howard Belk Claret x Dan Gray Roundhead-Hatch at Leiper /Blueface Hatch x Kelso.

Nang tanungin kung paano napatili ang kondisyon, tibay at galling ng kanyang mga panlaban, simple lang ang nagging tugon ni Moy, “Kahit saan ang laban, basta naka-Bexan”.


Ang Thunderbird BEXAN XP ay ang kauna-unahang injectable B-complex vitamins na pinatibay ng liver extract na mayaman sa Vit. B12 at folic acid para sa matinding lakas-panlaban. Ang LIVER EXTRACT ay para sa kondisyon ng dugo, samantalang ang FOLIC ACID naman ay para sa pagiging handa at listo ng manok sa aktuwal na laban.


Ang Thunderbird Bexan-XP ay ini-ineksiyon sa pecho (pectoral muscles) ng mga manok na gagamitin sa breeding. Turukan sila ng 0.25 mL, 2 beses sa isang linggo, sa pagitan ng 3 araw.


Ang Thunderbird BEXAN XP ay doble ang B12 na tumutulong ng malaki sa maayos na sirkulasyon ng dugo na nagreresulta sa pamumula ng mukha, palong at lambi na siyang porma ng isang manok-panabong na nakakondisyon.



No comments:

Post a Comment

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER