Mga sabungero, taga-showbiz at media, nagpatala din bilang partylist sa Comelec http://www.bomboradyo.com/newsdetails1.asp?ID=103477 |
8/17/2009 5:25:34 PM |
Hanggang sa huling mga minuto bago nagtapos ang filing ng petisyon ngayong hapon para mga political parties at mga organisasyon para makalahok sa ilalim ng party-list system of representation sa 2010 elections, marami pa rin ang humabol para magpatala sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila. Sa panayam ng Bombo Radyo kay Rossie Palacio ng Office of the Clerk of the Commission, sinabi nitong inasahan na nila ang "last minute attitude" ng mga registrants. Kabilang naman sa naghain na kanilang petisyon ay ang sektor ng mga mamamahayag at taga-showbiz, sa ilalaim ng grupong AMAS o Alyansa ng mga Media At Showbiz. Hindi rin nagpahuli ang mga sabungero at mga nagtatrabaho sa sabungan, sa ilalim ng grupong Alyansa Sabungero. Kakaibang gimik din ang ginawa ng grupong Katribo, na kumakatawan sa mga indegenous peoples, na nagsuot pa ng mga katutubong kasuutan ang kanilang mga miyembro nang magtungo sa Comelec. "Inaasahan na namin na dadagsa sila at the last minute ng filing. Kasi ganoon naman talaga kalimitan nangyayari. Pero mahigpit po ang Comelec sa deadline. Wala pong extension ito," ayon kay Palacio. Bago nagsara ang filing kaninang alas-singko ng hapon, nasa 242 party-list groups at political parties ang nakapaghain ng kanilang petisyon. Batay sa Comelec Resolution No. 3307-A, kabilang sa mga requirements para sa party-list registration ay ang kanilang constitution and by-laws, party platform and program, at listahan ng kanilang mga opisyal at mga miyembro. "Dadaan pa ito sa proseso. Aalamin pa ng Comelec kung totoo nga na nationwide ang kanilang nirere-present na sektor at kung marginalized ba talaga, " dagdag ng opisyal. Sa ilalim ng Republic Act No. 7941, ang batas na nagtatakda ng party-list system sa bansa, magiging kinatawan ang nasabing mga grupo sa Kongreso para sa mga “marginalized sectors." Nitong Abril lamang, dinagdagan ng Supreme Court ang bilang ng party-list representatives sa Kamara, mula sa dating 23 ay ginawa itong 55. |
Tuesday, August 18, 2009
Mga sabungero, taga-showbiz at media, nagpatala din bilang partylist sa Comelec
Labels:
cockfighting,
cockfights,
nfgb,
rolando luzong,
sabong,
sabungero
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment