Sunday, January 18, 2009

Mga Bida ng Thunderbird Liyamado sa World Slashers Cup

Ang Thunderbird Winning Team na kinabibilangan ng mga pikaka-ganador na sabungero ng bansa ay kasama sa mga liyamado o pinapaboran na magwagi sa 2009 World Slasher Cup na nakatakdang ganapin sa Araneta Coliseum mula Enero 19-24 handog ng Pintakasi of Champions sa pakikipagtulungan ng Thunderbird Platinum at Thunderbird Bexan XP.

Pinangungunahan ang Thunderbird group ng mga kasalukuyang World Slasher champion na sina Cito Alberto (2008 & 1991) at Honey Yu (2008 & 2004) na suprtado nila Dicky Lim (2006 & 2002) ng sikat na Winslet entry; ang Bulalayaw Game Farm owner Boy Marzo (2005); ang ipinagmamalki ng Laguna na Pol Estrellado (2004); ang newspaper executive na si Rey Briones (2003); ang mahal na kabiyak ni Aling Lydia na si Boy “Lechon” de Roca (1995) at ang Zamboanga Black breeder na si Manny Dalipe (1991).

Babalakin din mapabilang sa Slasher Honor Roll of Champions ang iba pang Thunderbird Winning Team members na sina Sonny Lagon; Ompong Plaza ng Agusan del Sur; dating LGBA Breeder of the Year Dr. Boy Tuazon ng Pateros; 2-ulit (2007 & 2008) na NFGB Bullang-bullang solo champion Tol & Lino Mariano ng Socsksagen; UGBA Heritage Cup Bullstag Champ Pao Malvar ng Tarlac at dating LGBA Breeder of the Year Lawrence Wacnang (Crowsland) ng Kalinga.

Liyamado din ang breeder ng Ormoc Gold breeder na si Bernie Tacoy; 2007 Bakbakan champion Tan Brothers ng Davao; PCAP Stagfighter of the Year Edwin Arañez & Raffy Campos – may-ari ng RED Game Farm; ang hinahangaan breeder ng Bacolod na si Joe Laureño (Batchoy Lemons) at ang mga bida ng Cebu na sina Victor Sierra at Alvin Lim.

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER