Saturday, January 17, 2009

BACKYARD BREEDER MAY LIBRENG TIKET SA WORLD SLASHER

Sa kauna-unahang pagkakataon, ang World Slasher Cup 8-Cock Invitational Derby ay mapapanood na ng masang sabungero at breeder ng manok-panabong lalo na yung mga gumagamit ng Thunderbird Platinum o Thunderbird Bexan XP na isponsor ng limang araw na labanan na gaganapin sa Enero 19, 20, 21, 22 & 24 sa Araneta Coliseum.

“Kami ay lubos na nagpapasalamat sa Thunderbird sa kanilang ginagawang paglalapit ng World Slashers Cup sa maliliit at mas nakakaraming mga nagmamahal sa sabong”, pahayag ni Araneta Center COO Manny Atacador.

Sa bawat araw ng labanan, ang unang 500 opisyonado na makakapagdala ng 2 basyo ng Thunderbird Bexan XP at 2 supot ng Thunderbird Platinum ay maaring makapasok sa Big Dome at makapanood ng pandaigdigan labanan ng matitinding tinale at makita ng personal ang kanilang mga paboritong sabungero kasama ang mga bumubuo ng Thunderbird Winning Team.

“Ito ang aming paraan ng pagpapasalamat sa mga backyard breeders sa kanilang pagtitiwala at pagtangkilik sa Thunderbird bilang kanilang winning formula”, ayon naman kay Product Manager Francis Martinez.

Dahilan sa mahigit na 200 ang kabuuang bilang ng kasali, ang labanan ay magsisimula ng ika-10 ng umaga. Ang mga Thunderbird users ay maaring i-claim ang kanilang libreng tiket sa Red Gate mula ika-9 ngumaga.

No comments:

Post a Comment

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER