Wednesday, March 11, 2009

100 SULTADA SA SJC COCKFEST

REMATE - Marso 11, 2009

Pambato ng San Juan ang mahigit 100 sultada ngayon sa isa pang malupit na banatan ng mga bigtime cockers, ang "Super Angels 4-Cock Derby".

Bandang alas-dos ng hapon mag-uumpisa ang labanan sa kampeonato at sa premyong P500,000 sa pasabong na ito ni Minda Gater Amoyo.

Nangunguna sa mag kasali sina Mayor Dennis Ineda, Popoy Taruc ng Nueva Ecija, Raymond Velayo, Allen dela Cruz, Mayor Panganiban, EB Candelaria, Atty. Henry Capuucchino, Mayor Buddy Dunca, Ador Pelayo ng Bulacan, Danny Soriano, T. Haruta at iba pa.

Nitong Lunes, naghati sa kampeonato ng "2nd SJC Circuit 6-Cock Derby" sina Tony Tan (Swing fatman All-Satrs W) at Oca Domingo (MCCSA Santiago) ng magtalo ng 5-1 (panalo-talo) kartada

Samantala, nakalinya naman sa Sabadfo, Marso 14 ang "Allen David 5-Cock Derby" kung saan pawang mga bigtime cockers dfin ang kasali.

Sunsundan ito ng "Klub Don Jaun Anniversary 6-Cock Derby" sa Marrso 16, 18 & 21. Para sa mga katanungan : 725-5369 at 725-6563.

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER