Bantay-Sabong ni Rolando S. Luzong
Bandera – Setyembre 21, 2012
SHORT KNIFE NAUUSO NA
Ang short knife na tinatawag ay ang klase ng tari na ginagamit sa buong bansa ng Mexico na marahil ay masasabing pumapangalawa sa Pilipinas pagdating sa pagkahilig sa sabong.
Maging noon na legal pa at kalakasan pa ng sabong sa Estados Unidos, mas unang ginamit nila ang short knife at gaff bago sila nahilig sa long knife o Filipino knife na katulad ng sandata na ginagamit natin ditto.
Ang short knife ay single edge knife o isa lamang ang talim na may habang isa at kalahating pulgada.
Mahigit tatlong taon an rin ang nakakaraan nang isulat ko sa kolum ko sa ibang pahayagan na dapat nang subukan ng mga sabungerong Pinoy ang short dahil sa potensiyal na pagbebenta ng mga manok-panabong mula dito papuntang Mexico. Noon ay si Ambassasor Lagdameo pa ang nakatalaga sa Mexico at ang isa sa kanyang empleado ay isang breeder na taga-Cavite na nagtayo ng Cavite Cyber Cockers Club.
Nakakatuwa na noong nakaraan Nobyembre 4, 2011 ay naisagawa ang unang shirt knife derby sa Pasig Square Garden sa pangunguna ni Glenn Yap Lim ng Cebu. Naging matagumpay ang nasabing pasabong kaya nga sa Oktubre 17, 2012 ay muling uulitin ni Lim, sa tulong ni Wilvin Sy ng Cockfights Magazine, ang short knife derby.
Pinamagatan 4-Stag Short Knife Derbty, ito ay gaganapin sa San Juan Coliseum na mya garatisadong premyo na P300,000 para sa entry fee na P7,700 (kasama na ang apat na short knife).
Naging mabilis ang pangtanggap sa short knife derby, kaya naman sa Enero 19, 2013, maging ang National Federation of Gamefowl Breeders (NFGB) ay maglalatag ng kauna-unahang international short knife derby sa Pilipinas.
Mabuhay ka Bai Glenn sa iyong inumpisahan at sana’y lalo pang lumaganap ang short knife derby sa Pilipinas.
Maliban sa Cockfights Magazine, asahan mo din ang suporta ng Gamefowl Magazine sa iyong mga plano.
HAPPY BIRTHDAY to our friend Benjie Kang today. I will try my best to catch up.
No comments:
Post a Comment