Saturday, December 9, 2006

PATONG SA ULO NG MAGNANAKAW

Remate (December 9, 2006)
SENYALES ni Rolando S. Luzong

P100,000.00 PATONG SA ULO NG
MAGNANAKAW NG MANOK

Noong ika-3 ng umaga ng Disyembre 1, habang nagpaparamdam ang bagyong si Reming sa Metro Manila at sa lalawigan ng Bulakan, 3 lalaki na armado ng 38-cal. na baril ang pumasok sa isang compound na manukan sa Bgy. Camangyanan, Sta. Maria, Bulacan.

Ginising ang mga natutulog na bantay sa pagtutok ng baril. Naitali na ang dalawa ng tumakbo ang isa at ito ay binaril. Tinamaan ang kinse anyos na lalaki sa kanyang kanang hita. Matapos ay kinaladkad siya pabalik sa dalawa niyang kasamahan na nakatali. Sa kanyang pagkakalugmok ay patuloy siyang dumadaing ng sakit at walang tigil na humihingi ng tulong, hanggang sa maubusan siya ng dugo at mamatay.

53 sasabungin ang tinangay ng mga magnanakaw, kasama na ang buhay ng isang nilalang na namatay ng unti-unti habang dumadaloy ang kanyang dugo sa sugat na sanhi ng pagkakabaril.

Kasama ang host, director at crew ng Hataw Pinoy ay sinadya namin ang Camangyanan at ang tahanan ng mga may-ari ng mga manok na ninakaw at doon nila naisalaysay sa amin ang buong pangyayari.

Ipinahayag din nila na handa silang magbigay ng $2,000.00 o P100,000.00 sa sinuman na makakapagturo sa mga kriminal upang sila ay madakip at ang mga ninakaw na manok ay mabalik.

Ang buong interview ay mapapanood ninyo bukas sa programang HATAW PINOY mula alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga sa IBC (Channel 13). Manood kayo at doon sasabihin ang contact numbers kung saan maari kayong tumawag upang magreport.

Kung meron naman po kayong mga komento, suhestiyon at puna sa HATAW PINOY maari po kayong mag-text sa cell phone mumber 0921-5473272.


SEMINAR SA INFANTA AT REAL

Sa araw pong ito 9:00 a.m. – 11:00 a.m., isang gamefowl management seminar po ang gaganapin sa Queens Cake Restaurant.

Ang nasabing seminar ay gaganapin sa kahilingan ni Rex Montalban at sa tulong ng Thunderbird Power Feeds. Ang host ng Hataw Pinoy na si Francis Afable ang main speaker.

Isang Blue Blade Sweater pullet kalob ni Sonny Lagon ang ipapa-raffle.


MALIGAYANG PAG-IISANG DIBDIB sa aking mga inaanak na sina Jose “Joe Pakayaw) A. Fontanilla ng San Isidro, Northern Samar at ni Ely Dompur Aliwanag ng Tagbilaran City, Bohol. Sila ay ikakasal sa araw na ito at ang reception ay gagawin sa Suarez Residence nina Pareng Nanding at Mareng Evelyn.

No comments:

Post a Comment

SABONG IS HERE TO STAY

SABONG IS HERE TO STAY
COCKFIGHTING FOREVER